49

400 17 1
                                    

"Hehe sorry akala ko nakalabas na kayo eh. Ano kase sir birthday ko ngayon magt-treat sana ako. Yayain ko lang sana kayo ni hazel sir kung pwede." Paliwanag nya.

"Talaga birthday mo?? Yiee happy birthday. Sure sigeee!" Excited kong sabi.

"Talagaaa? Sasama kayo?" Si Lyra.

"Oo naman bawal kayang tumanggi sa birthday girl Hahaha. Diba sir Aiden?" Baling ko kay sir aiden at tumango naman sya.













Aiden's Point Of View.

Nandito kami ngayon sa isang exclusive bar nirentahan ni lyra
ang buong kwarto para sa amin.

Sa totoo lang ay hindinako mahilig sa mga ganitong party. Hindi lang ako nakatanggi dahil kay hazel.

Ska kailangan nya rin to ang magsaya dahil kanina ay awang-awa ako sa kanya nang makita ko syang umiiyak dahil kay reyster.

"CHEERS!" Sigaw ng mga empleyado ko kabilang na si hazel at itinungga na ang beer.

Napatingin naman ako kay hazel na parang sabik na sabik sa alak kung maka inom.

"Hazel.. Dahan-dahan lang." Sabi ko sa kanya.

"Hehehe sir ano ba slight lang yun hahaha ikaw uminom ka sir. Oras ngayon ng party kaya dapat party-party tayong lahat Hahahhahahaha." Sabi nya pa at lumagok ulit ng beer.

Aish. Naawa ako sa kanya.

Siguro way nya lang yan para makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya.

AFTER 3 HOURS.

"WOOOOAHHHHHH! PARTY!PARTY--"

Bahagya kong hinila paupo si hazel dahil lasing na lasing na sya ngayon.

"Hazel! Enough! You're too drunk." Sabi ko pero tinignan nya lang ako at natawa pa.

"HHEHEHEHE ANE BE SHIR NAPAKA KJ MO HAHAHAHA PARTY PARTY LANG HINDI PA AKO LASHING OKAY?! WOAHHHHH" Sabi nya at may pasayaw-sayaw pa.

Kanina pa kami ganito kanina ko pa sya inaawat na tama na dahil lasing na sya.

"You're too much. Iuuwi na kita." Maawtoridad kong sabi pero hindi nya ako pinapansin. Marahas kong kinuha ang hawak nyang baso na may beer.

"SHIR? HINDI PA NGA AKO LASHING--"

"Hazel I said enough!" Sabi ko pero walang epekto sa kanya.

"Sir Aiden sorry grabe pala to uminom si hazel." Si Lyra.

"Sir Aiden may tumatawag sa phone ni hazel." Agad ko naman itong kinuha at sinagot nang iabot sa akin ng isa sa mga empleyado ko.

"Hello?" Bungad ko.

[Who's this? Bakit na sayo ang phone ni hazel?] Sagot sa kabilang linya. Agad ko naman syang nabosesan.

"Reyster ako to si Aiden lasing na lasing ngayon si hazel kaya--"

[WHAT?! PAANO SYA NALASING? ANONG GINAWA MO SA KANYA?!] Halos ilayo ko ang phone ni hazel mula sa tenga ko dahil sa pagsigaw nito.

Aish. Parang sa mga tono nya ay napaka sama kong tao at may gagawin akong masama kay hazel.

"Pumunta ka nalang dito--"

[ISEND MO SA AKIN ANG ADDRESS NGAYON NA!] Huli nyang kataga at nawala na ang linya.














Reyster's Point Of View.

Kulang nalang ay paliparin ko ang kotse ko para lang makapunta agad sa bar na sinabi ni aiden.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now