54

408 13 0
                                    

Hazel's Point Of View.

"DAHIL MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA HAZEL AT NASASAKTAN AKO TUWING NAKIKITANG MAGKASAMA KAYO NI AIDEN!"

Mga katagang nagmula kay reyster na nagpatigil sa akin.

".. A-Anong sabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya..

nabingi na ba ako dahil sa kalasingan kagabi at kung ano-ano na ang naririnig ko.

"Hazel I love you-"

"Sinasabi mo lang ba yan para hindi ako umalis sa GLRC?! Pwes! Sinasabi ko sayo hindi nga ako aalis dun. Hindi mo na kailangan magsinungaling--"

"Hazel hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Mahal na mahal bakit ba ayaw mong maniwala?!"

Kitang-kita ko sa mga mata nya ang sensiridad. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Naguguluhan ako sa mga binibigkas nya.

"Mahal mo 'ko?! Bakit?Paano?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko.

"Hazel what kind of question is that?" Balik na tanong nya sa akin.

"I asking you kung paano mo 'ko nagustuhan?! Hindi ba si Rosei parin yung mahal mo hanggang ngayon? Bibigyan mo pa nga sya ng kwintas diba-"

"It's just misunderstanding. Para sayo yung kwintas na yun letter H ang pendant nun pero I don't know kung paanong naging R?! Ibibigay ko sana sayo yun kapag nag confess na ako sayo pero it's too late nakita mo na at mali pang pendant ang nabigay sa akin. Hazel matagal na kitang mahal-"

".. Ano?! Matagal na? Hindi ba umamin ako sayo noon? Pag-amin na pinagsisisihan ko dahil kahit umamin ako manhid ka! Hindi mo nalalaman yung sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit para sakin kapag tinitignan ko kayo ni rosei na masayang magkasama. Gusto kong ipagsigawan na mahal kita reyster.. pero mahal mo si rosei at kaibigan ko kayong dalawa kaya wala akong magawa kundi umiyak nalang at piliting maging masaya kahit sa loob-loob ko durog na durog ako."

Hindi ko na napigilan ang mga lumalabas sa bibig ko. Yan ang mga salitang apat na taon ko nang pinaka tatago-tago.

Maliwanag na maliwanag sa akin 4 years ago na si rosei ang gusto nya halos halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit tuwing nakikita ko silang magkasama.

Buong akala ko kapag umamin ako sa kanya na gusto ko sya iiwasan nya si rosei at mamahalin nya rin ako pero tulad ng inaasahan ko mahal nya talaga si rosei at kaibigan lang talaga ang turing nya sa akin.

Iniiwasan ko sya noon dahil gusto ko na syang kalimutan pero kahit anong iwas ko pinagtatagpo parin kami. Kapag nakikita ko syang nasasaktan mas nasasaktan ako. Kahit masakit sa akin isipin na si rosei ang mahal nya mas pinili ko paring mag stay sa tabi nya ng apat na taon.

"Hazel alam mo ba simula nang iwasan mo ako 4 years ago dun ko narealize na hindi ko pala kayang wala ka, hindi pala ako sanay na hindi ka nakikita, Naalala mo pa ba yung natanggal ka sa trabaho dahil sa akin. Alalang alala ako sayo nang mga araw na hindi mo ako sinasagot sa mga tawag at chats ko sayo hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sayo yun yung pinaka masakit sa akin hazel ang magalit ka at iwasan mo 'ko. Halos Araw-araw akong pumupunta sa dorm mo nang mawala ka ng 6 months akala ko hindi na kita makikita. Dun ko rin narealize na may kasalanan talaga ako kaya mo 'ko iniwan, Hazel siguro nga, Manhid ako. Sobrang Manhid ko Hazel kase hindi ko nakita yung halaga mo nang mga araw na nandyan ka sa tabi ko, Napaka manhid ko kase hindi ko manlang napansin na nasasaktan na pala kita, Hazel I'm really sorry.." Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata nya.

Maging ako.. hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya ngayon.

"Pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang yan sinasabi sa akin?" Bigkas ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now