Chapter 6

75.3K 2.4K 2.2K
                                    

His pendant

"Surprise, Ate!" Valerie's warming smile greeted me as soon as I opened the door.

Nalaglag ang panga ko habang nakatitig sa maamong mukha ng kapatid ko. She's standing in front of our door with her luggage on her side.

Hindi agad ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanya gamit ang gulat na ekspresyon. What's the meaning of this?

"Ate, Van!" she giggled and run towards my direction. Mabilis niya akong dinamba ng mahigpit na yakap.

"V..vam," I murmured, still shocked and not flinching.

"Nagulat ka, ate?" masigla niyang tanong habang nakayakap pa rin sa akin.

Bahagya akong tumango at lumayo mula sa yakap niya. Nagsimula na naman akong makaramdam ng kaba nang pumasok sa isipan ko na malaki ang posibilidad na magkita sila ni Blare lalo na at nandito siya ngayon sa Pilipinas.

"W..what are you doing here?" bakas ang inis sa boses ko dahilan kung bakit nagsalubong ang mga kilay ni Valerie.

She looked at me using her questioning blue eyes. "What do you mean, Ate?"

"Bakit ka umuwi?!" I said, almost shouting. "Ang sabi ko sa 'yo, sa New York ka lang!"

Lalong naguluhan ang mukha ni Valerie dahil hindi ko napigilan ang sigawan siya. Para akong nababaliw  dahil sa kaba, ang daming pumapasok sa isipan ko.

Paano kung magkita sila ni Blare? Paano kung sabihin ni Valerie na sa kanya ang pendant? Paano kung mabuking ako? Paano na ako?

I am overthinking! My guilt is eating me and I can't do anything about it. This is what keeps me up at night-- the fear of being caught in my own lies.

"Why are you mad?" Nagtubig ang asul na mga mata ni Valerie habang nakatingin sa 'kin. "What did I do?"

Para akong natauhan nang makita ko ang butil ng mga luha na bumagsak galing sa mga mata niya at naglandas sa magkabila niyang makinis na pisngi.

I sighed deeply and averted my gaze, lalo akong na-guilty dahil sa ginawa kong pagsigaw, Vam is not doing anything wrong to me. In fact, ako pa nga ang may ginagawang mali sa kanya pero ako pa ang may ganang magalit.

"I.. I'm sorry," mahina kong bulong. "I.. was just... worried," palusot ko.

"Really?" Inosente niyang tanong, napapikit ako ng mariin nang marinig ang impit na hikbing kumawala mula sa kanya.

"Oo, n..nagulat lang ako na umuwi ka," mahina kong saad. Sinungaling.

Pinipilit kong iwasan na magsalubong ang mga mata namin dahil pinapatay ako ng konsensya ko sa tuwing nakikita ko kung gaano ka-inosente ang kapatid ko.

"You're not mad at me?" she asked, tears still falling down her cheeks. 

Tanging pag-iling lang ang naging sagot ko sa tanong niya dahil ang totoo ay galit ako sa kanya. Galit na galit ako kay Valerie dahil nasa kanya ang lahat... galit ako sa kanya dahil wala ako ng mga bagay na mayroon siya.. pero mas galit ako sa sarili ko dahil nakakaramdam ako ng selos at inggit sa kapatid ko.

"I miss you!" bulong ni Vam, pinilit niyang punasan ang naglalandas na mga luha ngunit patuloy lang ang pag-agos nito.

"Sorry kasi umiiyak ako," she laughed while trying to wipe her tears. "Nagulat lang ako kasi sinigawan mo 'ko, I didn't expect you to shout at me while I'm just trying to be close to you."

Nagbaba ako ng tingin, hindi ko kayang tingnan ng diretso sa mga mata si Valerie dahil nahihiya ako sa sarili ko. Ako na nga ang gumagawa ng mali, ako pa ang nagagalit.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon