Chapter 28

101K 2.6K 1.4K
                                    

Life inside me.

THIS CHAPTER IS RATED SPG. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

"Ilang araw ka sa New York?" I can vividly hear the displeasure on Blare's voice when he asked that.

Inilagay ko sa maleta ang natitira ko pang mga damit na dadalhin bago ako tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap siya, prente lamang siyang nakasandal sa hamba ng pintuan ng kuwarto ko habang pinapanood akong mag-empake ng gamit.

He quickly grabbed me closer as soon as I walked towards him. "I'll stay there for two to three weeks. Uuwi agad ako pagkatapos ng transplant ni Papa."

Nalukot ang guwapo niyang mukha nang marinig ang sagot ko, halatang halata ang disgusto."Shit, ang tagal... sumunod kaya ako sa 'yo?"

I arched my brows and immediately shake my head. "Blare, I want to focus on Papa and I can't do that if you're around... ayaw kong mahati ang oras ko sa inyong dalawa."

"Hindi mo naman kailangan hatiin ang oras mo sa 'min, ayos lang sa 'kin kahit hindi mo 'ko pansinin doon... I just want to be near you," he pleaded.

Nginitian ko siya ng matamis, pinulupot ko rin ang mga braso sa batok niya. "You're clingy, wala ka bang ibang ginagawa sa buhay mo at gusto mong lagi na lang sumunod sa 'kin?"

Bahagya siyang lumabi habang tinititigan ang buong mukha ko. "But I'll miss you... so bad," itinaas niya ang isang kamay para himasin ang pisngi ko.

"Tatlong linggo lang naman, Blare," nagkibit ako ng balikat at inalis na ang pagkakapalupot ng kamay ko sa batok niya, bigla na naman kasi akong nairita kay Blare, tuwing nagiging mapilit siya ay parang gusto ko na lang siyang kurutin.

Halatang ayaw niya sa ginawa kong pagbitaw dahil muli na naman niya akong hinila palapit sa kanya. Napatakip ako sa ilong nang maamoy ang mamahalin niyang pabango, bakit parang nag-iba ang amoy pabango niya para sa 'kin? Dati naman ay bangong-bango ako pero ngayon ay parang gusto ko na lang magduwal.

"That's three weeks of torture for me! I hate it when you're not around," nagmamaktol na aniya. I pushed him when I can't take it anymore, I run towards my bathroom and vomit endlessly on the toilet.

"Are you okay?" Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng malaki niyang palad sa likuran ko habang ang isa naman ay hinawakan ang buhok ko upang hindi maging abala sa pagsusuka ko.

Pakiramdam ko ay naisuka ko ang mga organs ko nang mga sandaling 'yon, sumandal ako sa tapat ng bathtub ng matapos dahil naramdaman ko ang matinding panghihina. Bigla akong kinabahan, pang-ilang sintomas na kasi ito ng bagay na hindi pa ako handa.

I don't want to entertain the thought but I am aware of the possibility that it was there.

"Hey, are you alright? Let me bring you to the hospital." Tiningala ko si Blare at nasalubong ko ang nag-aalala niyang mga mata. He looks so nervous while gently wiping my mouth.

I shake my head and take a deep breath, pasimple kong hinawakan ang puson ko at nag-iwas ng tingin. "I'm fine, pagod lang ako at may nakain sigurong hindi maganda, you don't need to worry."

I heard him sighed, mukhang hindi pa rin mawala ang pag-aalala niya pero sa huli ay tumango lamang siya at tumayo na para umalis sandali, pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig.

"Thank you," kinuha ko sa kanya ang baso at nilagok iyon, nginitian lang ako ni Blare at binuhat hanggang sa maibaba na niya ako sa kama ko.

"You should rest," he whispered while planting soft kisses on my forehead. "Pagod na pagod ang Doctora ko sa pag-aalaga sa iba, nakalimutan tuloy niyang alagaan ang sarili niya."

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon