Chapter 8

75.4K 2.5K 2.4K
                                    

She lied

"Can I smoke?" tanong ni Evren, sinulyapan niya ako gamit ang rear-view mirror sa harapan ng van.

Naka-ipit sa labi niya ang stick ng sigarilyo na wala pang sindi.

Nagulat pa ako dahil nagpaalam pa siya sa 'kin, ito ang unang beses na nagkaroon kami ng interaction, member din siya ng King Bullets at pinsan siya ni Donna na kauuwi lamang galing sa Japan.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagtango, ang totoo niyan ay ayaw ko sanang may mga naninigarilyo sa paligid ko pero nakakahiya naman kung sasabihin ko pa 'yon.

Evren smirked and winked at me before focusing on the road again. Inabot sa kanya ng pinsan niyang si Kirby ang lighter

"You can't, Ev," sumingit si Blare sa usapan. "Vanessa doesn't like to be with smokers."

Bahagya siyang lumapit sa driver's seat kung nasaan si Evren, mabilis niyang hinila ang sigarilyo mula sa bibig nito. Mahigpit ang ginawa kong paghawak sa bag na dala habang nakatitig sa walang emosyong mukha ni Blare.

"But she said it's okay," nilingon muli ako ni Evren. "Right, Van?"

Hindi pa naman ako nakakasagot ay inunahan na ako ni Blare. "She's just too shy to tell you to fck off."

Sabay na tumawa si Fourth at Kirby dahil sa sinabi ni Blare, lumabi si Evren at tahimik na lang na nagmaneho.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng itim na Lexus van na pagmamay-ari ni Kirby. Binabagtas namin ang daan papunta sa Tagaytay kung saan may gig ang banda sa bagong bukas na bar ni France.

Lima kami sa loob ng van. Si Evren ang nagmamaneho, katabi niya ang pinsan na si Kirby na nakaupo sa passenger seat at kaming tatlo naman nila Blare at Fourth ang nasa backseat.

Akala ko ay kaming dalawa lang ni Blare ang magkasabay na pupunta sa Tagaytay, akala ko ay magkakaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya ng solo pero heto at kasama namin ang barkada niya.

Ayaw ko sanang isipin na sinadya ni Blare na hindi kami makapag-solo pero parang ganoon nga ang lumalabas dahil hindi naman niya ako gaanong kinakausap.

Kinikibo lamang niya ako kung may itatanong siya. Parang bigla na lang siyang nawalan ng interest sa akin at  naglaho na rin ang emosyon sa berde niyang mata niya sa tuwing tinitingnan niya ako.

Noong mga unang linggo na nalaman niya na ako ang batang babae ay sobra ang naging attachment niya sa 'kin pero simula nang makita niya si Valerie ay bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya.

Ayaw ko sanang mag-overthink pero sobra ang kaba at takot na lumulukob sa puso ko. Paano kung nalaman na pala niya ang mga kasinungalingan ko? Paano kung magalit siya sa akin? Pinipilit kong pakalmahin ang sarili kahit na nagwawala na ang sistema ko.

"Fourth," tawag ni Kirby kay Fourth.

"Hmm?" Fourth arched his thick brows.

"Bakit hindi sumama si Margaux?" tanong nito, nakasilip siya sa amin mula sa backseat.

Naningkit ang mga mata ni Fourth. "Why do you keep on asking about my sister? Kanina ka pa tanong nang tanong, Kirby."

"Halata ka na, delikado ka na," mapang-asar na saad ni Evren sa pinsan.

Nag-iwas ng tingin si Kirby. "You shouldn't let your sister be with Blake."

Tumaas ang kilay ni Fourth bago sumagot. "You shouldn't let your sister be with Blade either."

"Seriously? You're really talking about my brothers in front of me?" sumingit si Blare sa usapan nang marinig ang pangalan ng mga kapatid.

Nag-asaran lamang sila sa buong durasyon ng biyahe, napapatawa ako at bahagyang nawawala ang kaba ko sa tuwing kinakausap nila ako para hindi ako ma-out of place.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon