Chapter 18

88.4K 2.7K 2K
                                    

Cinnamoan

"Vanny!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

Napahawak pa ako sa sariling puso bago lingunin si Joji na ngayon ay nakabaon ang buong katawan sa buhangin, ulo lang niya ang nakikita.

Nilapitan ko siya. "Ano'ng ginagawa mo r'yan?" I asked.

Nalukot ang mukha niya. "Ibinaon ako nung dalawang tanga," aniya at inginuso pa si Russ at Bricks na parang mga batang naghahabulan sa dalampasigan.

"Tulungan mo naman ako, Van, nangangalay na buong katawan ko," nagmamakaawang aniya.

Naawa naman ako kaya mabilis ko siyang hinukay mula sa pinaglibingan sa kanya. Napangiwi ako nang makaahon si Joji, hindi na kasi pantay ang kulay ng katawan at mukha niyang nasunog na sa araw.

"Thank you, Van!" Akmang yayakapin niya ako pero natigilan siya. "Off limits nga pala, baka magaya ako kay Evren," bulong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano'ng nangyari kay Evren?" I asked him, brows creased.

Joji scratched his nape and tried to avoid answering my question. "Oo nga pala, nilalapitan ka pa ba nung Rika ba 'yon? Yung mukhang tarsier."

Gusto kong matawa sa description ni Joji kay Rika dahil may kalakihan naman talaga ang mata ng babae.

"Hindi na, bakit mo tinatanong?" Sabay kaming naglakad patungo sa yate na pinadala ng Papa ni Bricks.

Solong anak si Bricks ng CEO ng yatch company, si Russ naman ay anak ng CEO ng Telecom Company at itong si Joji ay anak sa labas ng CEO ng may-ari sa isang cellphone company.

Everyone in the frat were all born with gold spoon-- privilege children indeed.

"Buti naman, takot na lang nila kay Blare," ngumisi siya, natigilan naman ako.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Joji. "Bakit naman sila matatakot kay Blare?"

Muli niyang kinamot ang batok at mukhang gustong sampalin ang sarili dahil may sinasabi siyang hindi naman niya dapat sabihin.

"Ano kasi..." naglikot ang mga mata ni Joji.

"Ano'ng ginawa niya?" I crossed my arms and waited for his answer.

I don't even know that Blare is aware of how Rika and her friends used to treat me.

Bago pa makasagot si Joji ay may tumikhim na sa likuran namin. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino ito kaya kahit hindi ako lumingon ay sigurado akong si Blare 'yon.

"Joj, tawag ka ni Blake," si Joji ang kinakausap niya pero ang mga mata ay sa akin naman nakatingin.

"Oki doki.. coming, papi!" bulalas ni Joji bago tuluyang umalis at iwanan kaming dalawa.

Sinalubong ako ng magkasalubong niyang mga kilay nang tumingin ako sa kanya, ano bang problema niya?

"Why are you with him?" mahina ngunit halatang naiinis ang boses niya.

I shrugged. "Tinulungan ko lang, kanina pa kasi siya nakabaon."

"Uy ano 'yang nakabaon na 'yan ha?" Dumaan sa gilid namin si Russ na naniningkit ang mga mata sa amin.

Hindi ko gets ang sinabi niya pero agad din niya kaming nilagpasan nang samaan siya ng tingin ni Blare.

"Why are you walking alone? Bakit wala kang kasama? Nasaan ba si Margaux at Donna? Baka biglang may humila sa 'yo d'yan. Tsk," iritado niyang saad at hinila ako papunta sa malaking yate.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon