Chapter 36

159K 5.1K 5.1K
                                    

Blair Wrangler Valerio Reifler

"Makakaasa ka na hindi ko sasabihin kay Blare ang nalaman ko, pero hindi ko maiipangako sa 'yo na matatago ko  kay Amanda ang tungkol sa apo namin. I am very honest and transparent to my wife, so you can expect us to visit anytime soon because we will surely going to meet our grandson."

Hindi ako halos nakatulog dahil magdamag kong iniisip ang mga sinabi sa akin ni Tito Blaze kahapon, hindi mawala sa akin ang kabahan dahil ang mismong lolo na ni Wrangler ang nakakita sa kanya at hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na tumanggi pa dahil sigurado ako na hindi naman siya maniniwala na anak ni Blare si Wrangler dahil malakas ang ebidensya na Reifler nga ang bata.

Dalawang oras lang siguro ang naging tulog ko, kinabukasan ay maaga rin akong nagising dahil sa paulit-ulit na halik ni Wrangler sa buong mukha ko.

"Mommy, wake up na! Gising ka na, mommy ko! Late ka na po eh!" A wide smile appeared on my face when I felt my son's kisses.

Sinalubong ako ng maamong mukha ni Wrangler noong magmulat ako ng mga mata. Malaki ang ngiti niya kaya naman nakalabas ang dimples niya sa pisngi at ang bungi niyang ipin.

"Good morning, my sunshine!" Sinipat ko ang digital clock sa bedside table, It's five in the morning and I need to get up because I have an early exam for today.

Bumangon na ako at sumandal sa headboard ng kama habang pinagmamasdan ang anak ko na nilalaro ang dinasour niyang unan.

"Bakit ang aga mong nagising, baby? Nagugutom ka ba?" I asked him. Inabot ko ang pisngi niya na may katabaan at pinisil iyon. Nalukot naman ang mukha ni Wrangler dahil sa ginawa ko.

Lumayo siya sa akin at tumayo sa kama para magtatalon. "Kasi nga po mommy ko, gusto nga kitang ihatid sa school mo!"

Natuwa at natawa ako sa sinagot niya sa akin, patuloy pa rin ang pagtalon niya sa kama kaya naman tumayo na ako at binuhat siya. "Paano mo naman ihahatid si mommy?"

Yumakap agad sa akin si Wrangler noong binuhat ko siya. "Mommy, may car na po ako, remember?" sagot niya sa akin habang papunta kami sa banyo.

Nagtaka pa ako nung una kung anong car ang sinasabi niya pero naliwanagan din naman ako nang maalala na may nag-deliver ng ride-on mini car dito kahapon.

"Ihahatid mo si mommy sa school gamit 'yon? Ha, anak?" Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ko siya ibinaba paupo sa sink.

"Yes po! Fast driver nga po ako, mommy eh. Need mo po magsuot ng seatbelt ah? Kasi mabilis po ako mag-drive. Parang ganito, mommy oh!" Tumayo pa siya sa sink at umakto na nagda-drive siya.

Napailing na lang ako at natawa, ang aga kasi ay ang energetic na niya. Sabay kaming nag-toothbrush at naghilamos bago ko siya binuhat muli patungo naman sa kusina pero nasa sala pa lang kami ay tumunog na ang doorbell.

Nilukob na naman ng kaba ang dibdib ko. Napahigpit din ang hawak ko kay Wrangler dahil natatakot akong isipin na baka si Mama Amanda at Tito Blaze ang nasa labas ng pintuan at nandito sila para makita ang anak ko.

"Mommy! Hindi po ba natin bubuksan yung door? Baka po si Nay Mildred 'yon," nagkakamot ng batok na saad ni Wrangler kaya naman doon lang ako natauhan.

I'm overthinking and I'm being paranoid. Gusto ko na nga lang manatili sa tabi ng anak ko at huwag nang pumasok kahit may mga exams ako dahil kinakabahan ako na baka ano mang oras ay pumunta rito ang lolo at lola niya.

Pagbukas ng pintuan ay tama nga si Wrangler, si Nanay Mildred iyon. "Nay, Mildred! Good morning po!" Nagsimulang maglikot ang bata sa bisig ko dahil nagpapabuhat naman siya kay Nanay Mildred.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon