Chapter 26

93.6K 2.4K 2.3K
                                    

Leaving you behind

"I got to go, Van and Vega. I'll be back before the funeral," sinipat ni Axcel ang suot na rolex at hinalikan ang pisngi namin ni Vega bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan para magpahatid sa airport.

Nagkaroon ng emergency sa hospital sa Tacloban kung saan isa siyang temporary volunteer Doctor.

Pagkalayo pa lang ng sinasakyan ni Axcel ay agad nang sinindihan ni  Vega ang sigarilyo na mukhang kanina pa niya tinatago.

"What?" masungit niyang tanong sa 'kin nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Umiling lang ako at nauna nang maglakad.

Huminga ako ng malalim at papasok na sana sa loob pero hinarang agad ako ni Vega gamit ang nagtatanong na tingin.

"What do you need?" I asked her, crossing my arms. Nagkibit lamang siya ng balikat, gamit ang daliri na may nakaipit na sigarilyo ay tinuro niya si Val na nakikipag-usap kay Papa sa garden.

"Nagsusumbong na naman sa Papa mo. Bakit ba kasi umiiyak ang bitchesa este-- prinsesa?" tinaasan niya ako ng kilay habang nakamasid sa kinaroroonan ni Val.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil alam ko naman na noon pa man ay ayaw na ni Vega kay Valerie.

"Vega, pupuntahan ko lang si Papa, kanina pa yata ako hinahanap" paalam ko at lalagpasan na sana siya para pumunta sa garden pero napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Mukhang hinahanap ka ni Tito kasi nakausap niya yung boyfriend mo," agad ko siyang nilingon muli nang sabihin niya 'yon.

"What do you mean?" ipiniling ko ang ulo. Vega shrugged her shoulders and puffed her cigarette. "Yung kalandian mo kanina? The one with the green eyes? Nakita ko siya kanina sa pool area kausap ang Papa mo."

"Kailan?" Nagtataka kong tanong kay Vega. Binuga niya ang usok bago sumagot. "I don't know, noong nasa kusina ka yata."

"Ano'ng pinaguusapan nila?" I curiously asked. Sumimangot naman si Vega. "Aba malay ko! I'm not chismosa, ask your Papa."

Ganoon na nga ang ginawa ko, pumunta ako sa garden at naabutan ko si Val na nakayakap kay Papa, nang lingunin niya ako ay mugto ang asul niyang mga mata.

"I'll go upstairs, Pa," paalam niya kay Papa at hindi man lang ako pinansin bago siya umalis.

"Pa," I tried to get his attention, mula sa pagkakasunod ng tingin kay Val ay nilingon niya ako.

"Hija," nilapitan niya ako at nginitian ng tipid. Itinaas pa niya ang mga braso upang magpayakap sa akin.

Agad kong tinawid ang pagitan namin niyakap siya ng mahigpit, habang tumatagal ang yakap ay doon ko lang naramdaman na parang malaki ang pinayat niya.

Ako ang bumitiw sa yakap upang pagmasdan siya. Ngayon ko lang napansin na malaki nga ang pinayat ni Papa at bumagsak ang timbang niya. Hindi ko kasi 'to napansin noong unang kita namin dahil wala akong ibang nasa isip kung hindi si Lola.

"Pa... parang malaki po ang binagsak ng katawan mo, are you alright? May nararamdaman ka po ba?" nag-aalala kong tanong.

Nginitian lang niya ako ng tipid. "I'm fine, hija. Don't worry about me. Let's talk about that man with the green eyes, shall we?" he's trying to change the topic.

I'm not convinced when he said he's okay but I let it slide because he's putting an effort not to talk about it.

"His name is Blare Reifler, I introduced him to you earlier," sabi ko habang nakaakbay siya sa akin at naglalakad kami paupo sa swing dito sa garden.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon