Chapter 23

127K 3K 1.7K
                                    

THIS CHAPTER IS RATED SPG. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

Our moments before I lose you

"What happened? Why am I here? Why am I naked? Where's my clothes? What did you do to me?"

Literal na nahulog ang panga ko nang biglang bumangon si Blare sa tabi ko  at nagsimulang magtanong na para bang wala siyang naaalala sa nangyari sa 'min kaninang madaling araw.

Napabangon na rin ako at nagtubig bigla ang mga mata, hindi ba niya maalala? Lasing pa rin ba siya habang ginagawa namin 'yon? Gusto kong umiyak dahil sa naging reaksyon niya.

Heto ako, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod at nananakit ang pagkababae pero siya ay nakalimot na?

Malapit na akong mag-panic pero nawala lahat 'yon nang mapatingin ako sa labi niya na halatang nagpipigil ng ngiti.

Ang gulat na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng inis, pinaglololoko ba ako ng lalaking 'to? Pagkatapos kong isuko lahat sa kanya bigla na lang siyang aakto na parang wala siyang maalala.

Sa sobrang inis ko ay bigla ko na lang siyang binatukan. Tiningnan ako ni Blare nang hindi makapaniwala dahil ito ang unang beses na ginawa ko 'yon sa kanya pero ang ngiti ay nananatili pa rin sa gwapo niyang mukha.

"Masakit yun ah," I could hear amusement on his voice. "Pagkatapos mo po akong tikman, sinasaktan mo na lang ako."

Inirapan ko siya. "Tikman ka diyan, sino ba sa 'tin ang bigla na lang nanghahalik?"

Ipinaling niya ang ulo at tinitigan ako. "Sino ba? Hindi ko talaga maalala!"

Pinipilit niyang magmukhang inosente pero bigo siya dahil hindi niya mapigilan ang ngumiti, hindi na yata mawala ang malaking ngiti sa labi niya na para bang nanalo sa lotto.

Sumimangot ako dahil naiinis na talaga ako sa trip niya. "Sa lahat naman ng hindi makaalala, ikaw lang ang umulit nang umulit."

My face flash red when I remembered how many times he claimed me--- he owned my body again and again in every position that he can.

Blare can't contain his laughter anymore, tumawa siya na para bang siya ang pinakamasayang lalaki.

"May nangyari sa 'tin?" He forced himself to sound shock. "You took my virginity, panagutan mo ako."

Napailing na lang ako, malala na siya! Eto ba ang epekto ng sex kay Blare? Sabagay-- ilang taon din siyang walang sex life dahil ngayon lang naman namin ginawa ang bagay na 'yon.

"Nahiya naman ako sa virginity mo,"  lumayo ako sa kanya kahit na hindi na ako halos makagalaw pero mabilis niyang nahawakan ang beywang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Inakit mo 'ko, you need to be responsible," malambing niyang bulong habang nakabaon ang mukha sa leeg ko.

Tumaas lahat ng balahibo ko dahil sa init ng hininga niyang dumadapo sa leeg ko. Ang isa niyang kamay ay pinanggigigilan na naman ang hita ko kaya lumayo ulit ako sa kanya.

"Hmn, ang bango mo naman po," his arms reached for my waist and grabbed it firmly. "Come here, lapit ka pa sa 'kin."

Lumabi ako at hinayaan siyang pangkuin ako pero napaigtad ako nang may maramdaman akong matulis sa likuran ko.

I looked at him, bewildered. "May matulis!"

Muli na naman siyang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. "Ingat ka, nakakatusok 'yan," his voice was coated with humor.

Agad na nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya, nag-iwas ako ng tingin at lumayong muli sa matulis na 'yon dahil baka mabutas pa ang likuran ko.

Hindi pa naman ako nakakalayo ay agad naman niyang hinila ang comforter na nagtatakip sa hubad kong katawan-- nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ng katawan ko ang lamig galing sa aircon.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon