S I M U L A

459 18 3
                                    


Maraming magagandang tanawin ang pwedeng puntahan pero bakit ito ang napili niya? Aaminin ko tahimik dito at makikitang ito ang tipo ng mga kabataan ngayon. Maganda ang paligid at mahihiya talaga akong magtapon ng basura dito.

Napailing ako at tumingin nalang sa paligid ko. Sa ngayon ay nasa first floor ako at ayoko pang umakyat dahil alam kong mas tahimik sa taas kaysa dito sa baba. Minsan kapag may nakikita akong mga taong masaya kasama ang mga taong mahal nila parang ang lakas makahugot ng lakas lalo na sa mga ngiti nila. Sa mga taong mag-isa ay napapahanga ako sa kanila dahil kahit mag-isa sila nagagawa parin nilang sumaya.

Napabaling ako sa taong umupo sa tabi ko at umusog ako nang kaunti dahil malapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi sabay layo sa akin.

"Late kana nga tapos nang bibigla ka. Ano tapos kana?"Sabi ko sa kanya sabay kuha nang inumin ko. Nakita ko siyang tumango sa akin at tinitigan ako. Napatingin naman ako sa kanya at tinitigan din siya. Kahit kailan talaga siya ang best view ko kasi kahit inis na inis na ako minsan sa kanya nawawala iyon agad.

"Yeah, maraming tao ngayon pero nakita ko parin ang target ko"Sabi niya sabay taas nang kilay. Mga kilay niyang makakapal at ang gandang lagyan ng shape.

"Buti nalang hindi na ako sumunod sayo. Ayoko doon sa taas dahil maraming tao at mainit na doon"

"Ayaw mo namang sumasama kapag tumitingin ako ng mga paintings"Sabi niya sabay pinakita sakin ang mga matang nakakaawa. Lumayo nga ako sa kanya sabay harap sa kanya nang matuwid.

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa paintings at ako lang naman ang pwede mong yayain dito. Kung wala lang siguro itong libre mo baka tinakasan na kita at last baka di kita sinamahan dito" Mataray kong sabi sa kanya sabay inom ng tubig.

Natatawa naman siyang inakbayan ako at hinilig ang ulo sa balikat ko. Habit niya ang paghilig sa balikat ko kahit anong sitwasyon pa yan.

"You're still the best buddy in my entire area. I'm sorry to keep you waiting" Sabi niya sabay harap sa akin at hinawakan ang bangs ko sabay pinaghiwalay. Naiinis ko siyang pinalo dahil ayokong pinaghihiwalay iyong bangs kong maninipis na nga.

"No, not my bangs. Gusto mong makita ng mga tao kung ano nasa loob ng bangs ko?"Sabi ko sakanya habang sinusuntok suntok sa braso at balikat niya.

"Wala namang mali sa bangs mo. You look cute" Pang-aasar niya at tumawa na.

"Cute is not suitable for my face. Cute para sa mga baby" Sabi ko sabay irap.

"Yeah like you cute baby"

Itinigil ko nalang ang pagsuntok sa kanya at tumayo na. It means pagod na ako at talo na ako. Mahilig siya sa mga ganyan hanggang sa ako nalang talaga ang titigil.

Naglakad na ako at hindi na siya hinintay. Narinig ko pa siyang tumatawa kaya mas lalo ko lang binilisan ang mga hakbang ko. Tatawid na sana ako ang kaso hinila niya ang bag ko na nasa likuran ko. Nilingon ko siya sabay binatukan.

"Ouch! Gusto lang naman kitang makasabay pero bakit may kasamang sakit?"Sabi niya habang hinahawakan ang ulo niyang binatukan ko.

"Hindi ka ba tumitingin sa relo mo? Oras na para pumasok buti nga nakapagtingin tingin kapa sa museum. Paano naman ako?"Sabi ko sa kanya habang pinapakita pa ang relo ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin tapos inakbayan pa ako. 

"Kasama mo ako kaya huwag kang mag-alala diyan. Kumain muna tayo bago tayo pumasok okay? It's on me, I'll treat you"

Inakbayan ko din siya sabay gulo ng buhok niya.

"That's what I like about you my buddy" Nakangisi kong sabi sabay talon talon at sumabay na rin siyang tumalon sakin habang tinatahak namin ang tawiran.

Nakarating kami sa isang restaurant na puro mga lutong pinoy at patok sa masa ng mga pilipino. Tumingin ako sa kanya sabay kindat at thumbs up. Ngumiti lang siya sa akin sabay turo ng menu. Napatingin naman ako at napangiti dahil isa iyon sa mga paborito ko.

"Ang galing mo talagang mamili. Hindi naman halatang kinilala mo akong mabuti ah" Sabi ko sabay high five sa kanya. Tumawa lang siya at tumango tango nalang.

Nagorder na kami at ako ang pinakamaraming inorder. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nagkakamot ng batok niya.

"Why? Masakit ba batok mo?" Tanong ko. Nahihiwagaan ako.

"Hindi. Masakit ka sa bulsa haha" Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi na eh kada nanglilibre ka may kapalit na insulto"

"Hindi insulto iyon. It's Fact haha"

Mas lalo akong nainis kaya naman ay dumaos dos ako ng kaunti sa upuan ko sabay tadyak ng paa niya. Natawa ako ng nagpout siya at kitang kita sa mukha niya na nasaktan siya.

"Pwede bang tumigil tigil ka muna nasa harap tayo ng pagkain at masasarap pa. Sinisira mo kasi" Sabi ko sabay ayos ng upo at tumingin sa mga inorder namin. Nagorder kami ng adobong manok, Pinakbet, Ginataang kamanse, Sisig na baka, lechon manok, kaldereta, sinigang na baboy at sa dessert naman namin ay ang puto, ice cream (Strawberry Flavor), at strawberry cake.  Pareho kami kasing mahilig sa strawberry at may pagkakapareho naman kami ng taste sa pagkain.

"Fine, Let's eat. Hindi na kita bibiruin pa" Sabi niya sabay higop ng sabaw. Ngumiti naman ako sabay tikim muna ng sisig.

Nagsimula na kaming kumain at minsan ay binibigyan niya ako ng ulam kapag nakikita niyang wala na akong ulam sa aking pinggan. Uunti lang ang kinukuha kong kanin kasi madali akong mabusog kaya mas marami ang ulam. Habang kumakain ay may mga naririnig kami sa mga customer.

"Tignan mo iyong dalawang kabataan mare. Ang yaman nilang tignan pero mga gulay ang kinakain" Sabi ng babae sa kasama niya.

"Naku! Sa kabataan ngayon ang puro hilig mga karne at mahilig sa matatamis"

"Buti nga may mga ganyan pang mga kabataan dahil ngayon ang ilan ay ayaw sa mga gulay" Sabi ng babaeng kadarating lang sa kanilang upuan.

"Kung sa bagay pero mas marami paring may gusto sa mga karne"

Napailing nalang ako sa mga naririnig. May ilan sa mga kabataan kasi ngayon ang sinanay sa puro karne na ulam kung kaya't mas marami ang may ayaw sa mga gulay. Wala naman maitutulong ang karne sa atin bukod sa cholesterol at mabigat sa tiyan. Dumating na ang waiter para i-serve ang dessert namin.

"Andito na ang desserts natin pero di ka parin tapos kumain. Ang bagal mo talagang kumain" Sabi niya sabay hilig ang ulo sa upuan at tinitigan ako habang kumakain. Sinimangutan ko lang siya at nagpatuloy. Mahilig ako sa gulay dahil iyon lagi ang niluluto ni mama sa bahay noong nasa bahay pa sila kaya nasanay na ako at lagi kong hinahanap hanap.

"Alam mo namang madali akong mabusog diba? Maglaro kana lang muna habang kumakain ako"Sabi ko habang sarap na sarap sa pagkain.

Nakita ko siyang ngumiti sakin at mas lalo lang siyang tumitig sa akin habang nakalagay ang mga kamay sa baba niya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa ginagawa niyang titig sa akin.

"Bakit ka ba ganyan? Kumakain ako eh stop staring at me please" Mataray kong sabi sa kanya sabay gilid ng unti sa pagupo sa upuan para hindi ko siya makita sa harap ko. Kumakain kasi ako ng ice cream at alam niya namang paborito ko itong flavor na ito.

"Please buddy let me stare at you. Isa kang natawing hindi pwedeng tanggalin ang mga tingin and I like the view. You're my best view"Sabi niya habang nakatitig parin sa akin.

"Masama ang tumitig sa isang tao lalo na kapag kumakain. Mamaya niyan may kapalit iyang pagtingin tingin mo sakin and I know you" Sabi ko sa kanya sabay ikot ng mga mata at binilisan nalang ang pagkain ko. Tumawa siya pero hindi pa din tumigil sa pagtitig sakin. Umiling nalang ako dahil sanay na ako sa kanya.

Magkasama na kami since high school at ngayong senior high na kami. Kami parin ang magkasama at halatang close kami kahit minsan bangayan. I'm thankful that I met him.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon