KABANATA 8

20 1 0
                                    



"Mga anak, ano ang gusto ninyong theme for our upcoming senior and junior ball? Need kasi nila ng opinyon niyo especially dahil section A kayo" Sabi ni ma'am sa amin.

Kakatapos lang ng sport feast namin at marami kaming napanalo. Our teacher treats us sa fast food. May ilan saming hindi nakasama dahil absent pero marami namang nailibre. Ngayon nga ay ball naman ang next event para sa aming mga senior high student.

Nagsimula ng umingay sa buong klase lalo na ang mga girls. Excited sila dahil may mga plano na daw sila kung paano sila mapapansin ng crush nila.

"Actually, may idea kaming mga teachers ninyo. Pinagpipilian namin kung A Night In Paris o A Night In London" Sabi ni ma'am habang tinitignan ang notes nila.

"Ma'am A night in Paris nalang po"

"Opo ma'am parang mas maganda po iyon"

"Nakakaexcite naman sana naman maganda ang maging design para may pang IG"

Natawa nalang ako halos mga babae ang sumasagot sa tanong ni ma'am. Hindi nga makasingit ang mga boys namin. Nakita kong parang may nakatingin sa akin kaya lumingon ako at saktong nakatitig si Ran sa akin. Malayo siya sa akin kasi nasa dulo siya samantalang ako ay nasa gitnang nakaupo.

"Ma'am kailan po ang ball po namin?" Tanong ni Mei na katabi ko sa upuan. Kanina niya pa ako inuuga sa sobrang excited niya para sa ball.

"May isang buwan pa class kaya huwag kayong maexcite masyado baka ang ilan sa inyo ay magpatahi na agad. Huwag na kayong masyadong gumastos mga anak kung maari ay magrent nalang kayo" Natatawang sabi ni ma'am. Dati kasi may nagpatahi pa kahit matagal pa ang ball. Ayun nabago yung theme kaya sayang iyong ipinatahi niyang gown niya.

Nagpatuloy ang meeting namin about doon. Isang buwan ay hindi na masama para sa preparation. Mas maganda ngang maaga kaysa naman iyong late na masyado dahil magiging pangit ang kalalabasan noon. Nang matapos ang meeting ay sinabihan kaming half day lang ngayong araw dahil friday ngayon at maraming mga teacher ang abala dahil narin sa exam na papalapit na.

Kinalabit ako ni Mei sabay ngiti. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Alam ko na ang ngiting iyon at alam kong may binabalak na naman siya. Gala kasi ng gala, sinasama ako lagi pero hindi naman natutuloy dahil hindi ako pinapayagan ni Ran. Kapag sinasama niya ako ay niyaya naman ako ni Ran.

"Baka naman Reecel, sumama ka naman sakin huwag lagi ka kay Ran. Kaibigan mo ba talaga ako? Bakit hindi ka sumasama kapag pinapasama kita?" Nagtatampong sabi ni Mei sa akin.

"Fine, sasama ako sayo kaya huwag kanang magtampo. Hindi lang ako sumasama kasi asungot si Ran. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Tumili si Mei sabay yakap sa akin. Hapon na kasi ngayon at nagliligpit na kami ng gamit namin.

Iilan kaming naiwang mga babae dahil ang iba ay nasa labas. Ang mga boys naman namin naglalaro ng basketball sa court malapit sa flag pole at kasama na doon si Ran.

Kapag ganitong hapon na ay "Freedom time" namin lalo na kaming mga girls para makapagayos na. Being a senior high school is not easy but it is fun.

"Sa mall tayo, hunting tayo ng mga pogi haha. Mag-ayos na tayo para mas marami tayong makita at mahanap" Sabi niya sabay kindat sakin. Naglalagay na siya ng liptint niya.

"Marami namang mga gwapo dito sa school natin ah. Bakit lumalayo kapa?"Sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong magsuklay ng mahaba kong buhok.

"Oo marami nga dito pero puro mga bata pa. Ayoko pumatol sa minor no at ayoko pumatol sa mga junior. Mga kabatch nga natin puro may jowa na, this time we need to explore haha" Natatawang sabi niya. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Gustong gusto na niya kasing magkaroon ng boyfriend. Maganda si Mei pero mapili siya sa mga lalaki. Parehas kaming mataas ang standard sa lalaki.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon