KABANATA 15

18 1 0
                                    


Tinitigan ko siyang mabuti. I want to know more through his eyes. I can tell that there's something going on. Ngumiti ako sa kanya. Kahit saan ako makapunta at makarating ay lagi siyang andiyan para sakin. He's a way to my destination and I hope he's my endgame.

Masasabi kong ganito pala ang feeling kapag alam mo sa sarili mong naramdaman muna ang ganitong pakiramdam. Gusto kong sabihin sa kanya ng buong buo kung ano man ang gusto kong sabihin sa kanya. Maybe in the right time.

"Bakit ka sumunod sa akin? I want to be alone, but you're here." Sabi ko sa kanya. Nakatitig parin ako sa kanya. He smiled at both me and the other. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Iyong mga ngiting gustong gusto kong makita noon o itong ngiting pinapakita niya sakin ngayon. Is this a sign?

"Ayokong mapag-isa ka. I know it's all my fault, but please let me be with you. Don't try to be lonely because I would never allow you to be without me. Let's be lonely together." Nakangiti niyang sabi sa akin. Lahat ng mga sinasabi niya parang nagbibigay ng assurance sakin. If he's always here, I'm safe from this cruel and unreal world. Marami siyang binibitawan sakin at unti nalang ay bibigay na ako o baka nga bumigay na ako sa kanya. Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Alam mo lagi tayong magkasama at lagi tayong napag-iisa kahit saan tayo pumunta. Sometimes we need to breathe again and again to forget about current happenings." Sabi ko sa kanya. Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na mababago sa kanya kung ano man siya. He's like a character that no one could see and touch him. He's nowhere to be found, but he's gone when you need him the most.

"I'm sorry. I won't be talking anymore in public next time. Tara umakyat na tayo sa taas baka mamaya puntahan kapa ni Mei dito" Sabi niya sabay hila ng kamay ko. Napangiti ako dahil alam niyang kasalanan niya naman talaga. He's aware lalo kung ako ang involved. Pinaparamdam niyang ako talaga ang mundo niya at hinding hindi niya ako pababayaan.

Naupo agad kami sa upuan na naroon. Makikita ang buong bahagi ng school at kung ano ang mga ginagawa ng mga tao sa baba. Sobrang ganda dito dahil umaga pa at siguro mas lalong gaganda kapag hapon. Napatingin ako kay Ran na nakatingin din sa ibaba at kung paano ito kataas. Nasa 4th floor kasi kami at talagang nakakalula. May barriers dito na mahaba para secure ang mga estudyante.

"Anong kukunin mong kurso kapag nasa college na tayo?" Tanong sa akin ni Ran. Napaisip naman ako. Nasa GAS kasi kami at pwede ito sa lahat ng kurso kaya dito kami pumunta.

"Siguro, business narin tutal business naman sila mama at papa. I'm not really sure kasi mahirap na baka magbago pa isip ko" Sabi ko. Minsan kasi napapaisip akong mabuti kung ano ba talaga ang gusto ko. Sila mama at papa naman ay susuportahan nila kung ano ang gusto kong kunin.

"Pwede bang parehas nalang tayo ng course? Para kasama kita lagi at hindi ka makakawala sakin. Baka kasi maraming mga asong hindi mapakali sa gilid kapag hindi moko makakasama" Sabi niya. Natawa ako at sinapak siya sa braso.

"Hindi pwede iyang gusto mo. Dapat gusto mo ang kukunin mong kurso kasi pang matagalan iyon. Alam mo parang ayaw mokong pakawalan. Huwag naman ganyan kasi hindi naman natin alam ang mangyayari at hindi natin alam kung ano ang maaari pang mangyari. The twist of destiny can cause maturity and realization" Sabi ko.

Kung sa pag-ibig ang pag-uusapan ay andiyan na pero kapag ang kapalaran na ang gumawa ng aksyon. Hindi pwedeng labanan lalo na kapag ang nilalabanan ay ang siyang magiging huli.

"Di nalang ako magcocollege. Itatali nalang kita para hindi ka makawala sakin o makalayo man lang---"

"Alam mo masyado mokong sinasakal. Remember, you're not even my boyfriend yet. You're only my boy bestfriend. There's a huge difference, and don't prevent that you're brave enough kung nakatapat muna ang tadhana. Never ever fight the powerful one because it destroys everything you have." Sabi ko sabay tingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now