24

92 6 4
                                    

After the shot, the program continues. Nagsimula ang sayawan ng mga grade 10 at kasama doon si May. She's looking at our direction. Para siyang inaagawan sa tingin niya palang. I smile at her. Lagi nalang akong ngumingiti.

May kasayaw siyang kaklase niyang lalaki kaya tumingin ako kay Ran kung ano reaksyon niya. Seryoso siya at blanko ang mga mata. Nakatingin siya sa mga sumasayaw. Sana lang ay sa sumasayaw lang at huwag sana kay May.

Katabi ko nga siya pero nasa iba naman ang tingin. Ako na siguro ang babaeng asang asa nalang kahit nasasaktan na ng sobra. Umaasa akong sana hindi mafall si Ran sa kanya. Pero sa tingin ko ay possible iyong mangyari.

Ang nararamdaman ko ngayon ay ang sakit na lagi kong nararamdaman. Please can someone heal it? Ayokong maramdaman ito pero wala. Kitang kita ko kung paano sila magkatitigan.

Talaga bang araw ko ngayon para masaktan ng masaktan? Tumingala ako sa langit. Wala man lang bituwin. Is this a sign? A sign to never let my hopes get high.

Natapos ang grade 10 at ngayon ay puro grade 11 na. Umalis ako sa tabi ni Ran kanina at lumapit kay Mei. I need my bestfriend right now. Sumandal ako sa balikat niya gamit ang ulo ko.

"Bakit? Prom ball natin beshy para kang pinagbagsakan ng kung ano" Sabi ni Mei.

"Baka inaantok lang ako beshy. Hindi kasi ako nakatulog kanina at wala akong pahinga" Sabi ko sa kanya.

Hinilig niya ang ulo niya sa ulo ko. This person beside me is my precious. She's the only one who I needed the most. I will miss her so much.

"Ipahinga mo dahil after ng sayaw natin ay kakanta kana. Galingan mo ah? Ipakita mo sa lahat kung ano ang ibubuga ng isang Moria. Lalo na doon kay Mei" Sabi niya sabay hawak sa braso ko at yugyog doon.

"I don't want to show them what I really am. Minsan sa buhay natin, hindi natin kailangang makakuha pa ng atensyon ng iba for revenge. Just do it for yourself and be amazed by your uniqueness" Nakangiti kong sabi sa kanya sabay pindot ng ilong niya.

"Ikaw talaga ang bestfriend ko. Mamimiss mo ba ako kapag nagkalayo na tayong d-dalawa?" Sabi niya.

Her voice fissure. She's about to cry again. Bakit ba lagi nalang siyang umiiyak kapag ako na kasama niya?

"Don't cry. Walang iyakan dahil hindi pa graduation natin diba? You'll ruin your make up. Baka ikaw prom queen natin ngayon" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Lumayo ako at hinarap siya. Si Mei siguro ang taong hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Siya lang din kasi ang dahilan kung bakit ako nandito at hindi si Ran.

"Can I hug you?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.

Yumakap agad ako. I hug her tight. She's the one I can't let go, no matter what happen.

"Mei, thank you for being alive in this world and for being my only best friend. I know I have many secrets that I didn't even tell you. I'm sorry for being like that. I'm sorry k-kung minsan hindi man lang kita makasama. You're my only best friend, but I gave you loneliness instead of happiness. I'm sorry kasi mas pinili ko siyang makasama kaysa sayo" Sabi ko sa kanya at dahan dahan nang tumulo ang mga luha kong gustong gusto nang lumabas.

Buti nalang at nasa hagdanan kami dito sa isang room ng mga grade 8. May ilaw dito at tahimik. Kaming dalawa lang dito pero parang ang hirap huminga.

"I'm sorry kasi marami akong pagkukulang sayo. Kahit marami akong pagkukulang sayo ay lagi mo parin akong sinusuportahan at lagi mokong itinutulak kung saan ako sasaya" Mahina kong sabi sa kanya. Dahan dahan akong umalis sa yakapan namin.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon