KABANATA 10

21 2 0
                                    

Nakatulala ako sa ilalim ng buwan habang nasa bintana ako ng kwarto ko. Pagkatapos akong ihatid ni Ran ay parang nawala ako sa sarili dahil narin sa mga sinabi niya.

His words are still on my mind. Marami pa siyang mga sinabi at alam kong totoo lahat ng mga sinasabi at ipinaparamdam niya sa akin. The truth is that he is the only one I could trust the most. Takot akong maniwala pero nang dahil sa kanya natuto ako.

I'm afraid to speak out, but when it comes to him, parang sobrang dali. I know my feelings toward him and I know that I have started to fall in love with him. Falling for him created another hope for me. Hope to be with him and hope for a happy ending.
Masaya kasi alam kong nagugustuhan ko na siya at alam kong mas sasaya pa ako kapag magkasama kaming dalawa palagi.

Nawala sa atensyon ko ang napakagandang buwan sa langit nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si mama sa messenger ko. Napangiti ako at sinagot agad.

"Hi darling, kumusta ang araw mo? Musta study?" Tanong ni mama.

"Masaya po mama at okay naman po ang pag-aaral ko po. Stay focus po ako sa pag-aaral ko po. Nasaan po si papa?" Tanong ko.

"Katatapos lang naming nameet ang mga partner sa business ni papa mo. Naliligo siya hintayin nalang natin" Nakangiting sabi ni mama. Halata iyong pagod sa mga mata nila.

"Are you okay ma? Ipahinga niyo nalang po" Nagaalala kong sabi kay mama. Tumango siya sakin.

"Nasanay na ang katawan ko anak kaya okay lang. Huwag mo akong intindihin dahil malakas pa ang katawan ko at sexy" Sabi ni mama.

Nagkwento sakin si mama na marami daw naginvest sa business ni papa. Alam magmanage ni papa at magaling talaga silang magpatakbo ng isang negosyo. Nagpakita din si papa sa videocall namin at masaya si papa kahit alam kong pagod siya. Nagsabi silang dalawa na miss na nila ako.

"Mama, may senior ball po kaming mga senior high po" Sabi ko.

"May date na ba anak? Baka makauwi kami ni mama mo diyan" Nakangiting sabi ni papa. Umiling ako.

"Wala pa pong date pero update ko po kayo kung kailan po ball po namin" Sabi ko. Excited ang parents ko sa ball na mangyayari saming senior high.

Iisang beses lang kasi nakaattend ang parents ko noong junior high pa kami. Grade 10 kami noon ni Ran at kaming dalawa ang magpartner noon. Kami rin ni Ran ang naging prom king and queen dati. Sobrang saya noon kasi nakapanuod sila mama at papa. Sumakto sa uwi nila.

Nagpaalam na ako sa kanila kahit na gustong gusto ko pa silang makausap. Halatang pagod na sila at gusto ko lang gawin nila ay ang magpahinga.

Nakahanda na ako para matulog. Pumasok si yaya kanina at ipinagtimpla ako ng gatas. Pumunta ako sa terrace dito sa kwarto ko at doon nalang inumin iyong gatas ko. Ang ganda ng sinag ng buwan dito sa banda ko at nakakamanghang titigan. Iyong hindi nakakasawang titigan sa sobrang ganda.  Nagsimula na akong uminom ng gatas ko at nanunuod sa ganda ng buwan. Marami nang bituwin na nakapaligid sa buwan. Mukhang hindi uulan dahil maraming bituwin sa langit.

Patuloy lang akong nakatulala sa ganda ng buwan at bituwin nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Ran sa akin. Kumalabog ang dibdib ko. Lagi naman siyang tumatawag dati sa akin pero wala naman akong ganitong nararamdaman. Siguro dahil nag-iba na lalo na ang nararamdaman ko sa kanya. Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?" Sagot ko.

"Can I come? May dala akong pagkain" Bungad niyang sagot.

"Anong pagkain iyan? Kakatapos lang ng dinner Ran" Sabi ko. Uunti lang naman nakain ko at parang nagutom ako sa sinabi ni Ran.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now