22

29 2 0
                                    

Napanganga ako nang makita ang lugar na aming pupuntahan. It's an elegant house here in the forest. Bakit mayroong lugar dito?

Napatingin ako kay Ran at nakita ko siyang natatawa. Pinalo ko ang balikat niya.

"Why didn't you tell me about this place? Marami na tayong napuntahan pero bakit ngayon lang ito?" Reklamo ko sa kanya.

"This is a unique location kaya ngayon lang kita dinala dito. This is our date at ito ang pinaghandaan ko nang isang linggo kung bakit ako nawala nang walang paalam sayo" Sabi niya.

This is the reason why he was gone that week. I'm touched pero bakit parang ang hirap nang maramdaman iyon?

"Sana sinabi mo sakin. You don't have to surprise me na ganoong tagal ang paghahanda" Sabi ko sa kanya. Natahimik siya. I appreciate his effort and all, but I can't feel the the feeling I would like to feel.

Sobrang tagal noon kung sakaling nagstay siya kasama ko ng mga araw na iyon siguro He won't encounter May that day.

Napatingin ulit ako sa bahay. Parang hindi siya nageexist na bahay dito sa pangasinan. Sobrang ganda kasi masyado. Nakakasilaw kasi puro ginto ang kulay ng mga kagamitan.

"This is a beautiful house and expensive. Siguraduhin mong may pera ka diyan dahil ayokong maghugas ng pinggan kung nagkulang pera mo" Banta ko sa kanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Pinaghandaan ko talaga ito para sa atin. It is expensive, but you're my VIP right now. You're the most expensive one, especially your lips. I want to taste those expensive lips of yours." Nakangiti niyang sabi sakin.

Namula ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpatinag.

"I'm sorry sir, but someone has already brought my lips here and he's the only one who can have this." Sabi ko sabay nguso sa mga labi ko.

Lumapit agad siya pagkarinig noon. Natawa ako sa isipan ko. Madali ka talagang mauto Ran Cordreon.

"Who is he? Ako ba iyon? Pwede ko na bang tikman?"Sunod sunod niyang sabi.

"Ang kapal mo talaga. Sorry, my lips right now is not available. Please have respect" Nakangisi kong sabi sabay tulak sa kanya.

"Pagdating sakin hindi pwede iyang hindi available dahil hahanap ako nang paraan para maging available iyang mga labi mo. That's mine, only mine" Sabi niya.

Natawa nalang ako sabay tingin sa salamin ng sasakyan niya. Nag-ayos na ako. May nakita akong papuntang guard dito sa kinaroroonan namin.

"Goodevening sir and ma'am, Do you have a reservation already?" Tanong niya. Nakauniforme siyang sundalo. Parang formal ang set up ng resort na ito.

"Yes, I have a reservation. My name is Ran Cordreon" Nakangiting sabi ni Ran.

"Oh, you're our VIP guest. I'm sorry, sir, but you may enter at this time.Enjoy your evening here, ma'am and sir." Nakangiting sabi ng guard sabay bukas ng sasakyan ni Ran sa banda ko.

Tumingin ako kay Ran at tumango lang siya kaya lumabas na ako. He's arrogant right now. I can tell it. Alam ko namang mayaman siya pero huwag naman sa ganitong lugar. Nabibigla parin ako. He always surprise me.

"VIP really? Gagastos ka nito nang sobra Ran hindi ba sasakit ang kalooban mo lalo na sa puso mo" Biro ko sa kanya sabay lapit at kapa sa dibdib niya.

Natawa naman siya sakin sabay hawak ng bewang ko at halik ng marahan sa buhok ko.

"Everything here is for you. I reserved it for you" Bulong niya sakin.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now