KABANATA 17

35 1 0
                                    


Hinintay kong kumalma si Ran. I'm shocked because he cried a lot. Nanginig pa ang balikat niya kanina habang nakayakap sa akin. Hinaplos haplos ko nang dahan dahan ang likuran niya. He bent a little para magsakto ang height niya sakin. Nakatingala parin ako sa langit. Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa langit.

"Are you okay now? Stop crying, Ran. I'm shocked because this is my first time seeing you cry a lot. Don't worry, pinatawad na kita noong nagpakita ka sakin kanina" Bulong ko sa tenga niya sabay halik sa kaliwa niyang pisngi. Magkatapat na kami ngayon.

He bites his lower lip and wipes away his tears. I helped him wipe his tears away. Parang quits na kami dahil siya rin unang nakakita saking umiyak at ngayon ay siya naman ang una kong nakitang umiyak.

Sa mga taong nagsama kami simula noong grade 7 kami ay ngayon lang namin nakita ang isa't isang umiyak. Kahit pilyo si Ran ay may ganito pala siyang side. This is unexpected lalo na sakin dahil alam kong hindi naman iyakin si Ran.

"I'm sorry.. I'm really s-sorry. I'm not going anywhere from now on and I don't want you to be alone again lalo na sa nangyari. Nahihiya ako sa totoo lang Reecel. Gusto kong magmura" Sabi niya habang nakahawak sa mga noo niya. He felt ashamed again.

He's the only one who calls me by my second name. It felt so special every time he said my name. I feel like I am his goddess who only needs his demigod. 

"Don't curse or else---"

He kissed me on my lips. He shut me up by kissing me. Napapikit ako at napahawak nang mahigpit sa damit niya. Nasa tapat iyon ng dibdib niya at damang dama ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya ay mas lalo ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

It felt like magic under the light of the moon. I felt his tongue slide on my lips. He's asking for more, but I stop him at midpoint. Lumayo ako ng kaunti sa kanya pero magkatapat parin ang mukha namin.

"Pinagsasabihan lang kitang huwag kang magmura pero idinaan mo sa paghalik. Really Ran?" Sabi ko sa kanya. Humalukipkip ako. Kahit madilim na sa pwesto niya ay kitang kita ko parin ang ngisi niya. He smirked with his teeth slightly open.

"Instead of cursing, why not replace it with a kiss on your lips? It tastes so sweet and I am now an addicted fan of your luscious lips. Please don't be too expensive; just be free so I can freely taste it anytime I want." Nagmamakaawang sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit wala nang price ay kayang kaya niya akong halikan nang wala pa ngang permiso ko.

"You give me an idea right now. Lalagyan ko nang sign ang mga labi ko kung magkano ang halaga nila. You need to pay me double if you want to kiss me again pero hindi ako papayag. Ikaw magpapakasarap sating dalawa" Sabi ko sabay talikod na sa kanya. Narinig ko siyang tumawa at sumunod narin sakin.

"It is just a gratifying statement, not a rule. Kahit naman anong sabihin mo ay makakagawa parin ako ng paraan para makaisa ulit sayo. Don't worry sisiguraduhin kong parehas tayong masasarapan sa susunod" Bulong niya sa tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako.

Kumindat pa siya sakin sabay takbo dahil alam niyang hahabulin ko siya. May panibago na naman siyang nadiskobre at hindi ko alam pero parang nanganganib na ang sarili ko lalo na ang mga labi ko. He's planning something.

We're here at MCDO, siya ang nagoorder dahil simula noong nauna siyang lumabas sakin kanina ay hindi ko siya kinausap o pinansin man lang. Nauna na ako sa kanya kahit alam kong naghintay siya sakin. Kanina kasi ay tumakbo siya palayo habang ako ay naisipan kong maglakad ng mabagal.

It's 8:25PM, maraming mga taong kumakain dito at buti nalang napili namin ang hindi masyadong kita. Nasa pinakasulok kami sa bandang dulo. May message sakin si mama sa messenger kaya nagreply ako. Kahit kasama ko lagi si Ran ay iba parin kapag sila ang makakasama ko. Ibang iba sa lahat.

"Sino iyang kachat mo?" Tanong ni Ran. Kakadating niya palang at inilapag ang mga inorder niya. His treat again. Kailan ba niya ako pinayagang magbayad kapag kumakain kami.

"Si mama, may sinabi lang sila kaya nagrereply ako. Sino pa bang alam mong kachat ko bukod sayo at sa parents ko?" Tanong ko pabalik sa kanya sabay baba ng phone ko pagkatapos kong replyan si mama.

"You're too loyal to me." Sabi niya sabay hawak sa puso niya.

"Loyalty is not proven through testing lalo na sayo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa isang linggo. Malay ko baka nakuha kana nang isang bakla diyan kaya ka nawala bigla" Sabi ko. Kumuha ako ng potato fries doon at kinagat.

Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin. Kinabahan ako pero pinili ko nalang tumawa. I trust him, I really am. Sana lang ay huwag niya iyong basagin dahil baka hindi ko kayanin.

"Hindi ka naman mabiro. Hindi ka pa nasanay diba lagi kong sinasabi iyan. Please, I don't want that kind of aura Ran Cordreon. It makes me feel like it's my fault that the atmosphere right now is not good." Sabi ko. Nawala narin ang mga ngiti ko.

He smiled and shook his head.
"Nakuha ba kita sa aurahan kong iyon? Sumubok lang naman ako kung eepekto sayo at effective nga" Natatawa niyang sabi. Tumaas ang kilay ko. Niloloko niya ako gamit iyong paiwas iwas niyang tingin at hindi sumasagot.

"Don't try that again. Mas lalo kang nagkakaroon ng dobleng katandaan at sasabihin ko ito sayo. Hindi mo bagay, iwasan mo" Sabi ko habang iiling iling.

"Kinuha ko lang atensyon mo dahil hindi moko pinansin at kinausap kanina noong hinintay kita sa harap. Napahiya ako sa mga tricycle driver doon" Nakanguso niyang sabi.

"Ikaw kasi maraming mga bagong nilalabas iyang bibig mo. Kung may nakarinig satin, ano nalang iisipin"

Kumuha siya nang isang potato fries sabay tapat noon sa mga labi ko. Tumingin muna ako sa kanya at nakita ko siyang tumango. Gusto niya akong subuan ng potato fries. Iniiba na naman niya ang usapan. Napilitan akong isinubo iyon.

"Isipin nila kung ano man ang iniisip nila. Iyon naman ang iniisip ko lagi. Kahit hindi pa tayo ay nakatatak na sa isip kong akin kana. You're mine and without your permission, you're still only for me" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. His words again and again. Saglit akong napapaypay sa kaliwa kong kamay dahil parang bigla akong pinawisan. Saglit lang iyon dahil baka magisip na naman siya nang kung ano ano.

Tahimik nalang akong kumain habang siya naman ay hindi inaalis ang tingin sa akin. Kumakain siya pero parang ako ang kinakain niya sa tingin niya palang.










Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon