KABANATA 14

19 1 0
                                    


Ngayong umaga ay kami ang unang gagamit ng gym dahil kami ang una sa schedule. Masyadong maaga pa kaya ang mga boys namin ay naglalaro ng volleyball. Tumayo ako at naglakad sa canteen para bumili ng inumin nang biglang nakaramdam ako ng isang malakas na hampas sa ulo ko.

Napangiwi ako dahil medyo malakas ang tumama sakin. Natamaan ako ng bola ng volleyball. Titingin na sana ako nang biglang may humalik sa buhok ko. Nakatalikod parin ako at naramdaman ko ang katawan niya nakadikit sa likuran ko. He really takes my breath away every time he's near me. My body recognized him immediately. 

"I'm sorry baby, I got distracted by you. I stare at you while you're walking kaya nasa direksyon mo ang bolang hinagis ko. I'm really sorry, do you want to go to clinic?" Mahina niyang sabi habang inaamoy niya ang buhok ko.

Natulala ako sa narinig lalo na iyong tinawag niya sakin. It gives me heartburn and stops my breathing. Hinigit ko ang hininga ko at humarap sa kanya. Ngumiti ako sa kanya sabay hawak sa parteng natamaan.

"I'm okay, nabigla lang siguro ang katawan ko sa impact ng bola. Bumalik kana doon kasi bibili lang sana ako ng tubig" Sabi ko sa kanya sabay tulak. Hindi siya gumalaw sa tulak ko.

"Ako na ang bibili at ako narin ang magdadala sayo sa clinic. Wait here for me" Sabi niya sabay hila ng kamay ko at pumasok kami sa canteen. Pinaupo niya ako kung saan malayo na sa bola.

Tinitigan ko nalang siya habang may mga matang nakasunod din sa kanya. He's good looking and has the kind of vibe that every girl would fall for. Napangiti ako dahil ako ang lagi niyang kasama at masaya kami kapag kaming dalawa lang. He would choose me among others. Sana kami nalang endgame but destiny has a challenge that we really need to succeed in and finish.

"Here's your water. Drink it first bago kayo pumuntang clinic. Nakita kong bukas na ang clinic sa elementary kaya doon nalang tayo pumunta. I don't want to continue playing. Nasaktan kita" Mahina niyang sabi. Natigilan ako sa pagbukas ng plastic bottle. Tumingala ako sa kanya dahil nakatayo siya samantalang nakaupo naman ako. Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay.

"It's happened already. I'm really fine Ran, sadyang nakatitig ka masyado sakin kaya pati bola napunta sa direksyon ko. Thanks to that ball, I'm back to the real world. Wala kasi ako sa sarili kanina kaya gusto kong uminom ng malamig na tubig" Sabi ko sa kanya. Binitiwan ko ang kamay niya at saka binuksan na ang tubig. Uminom ako ng kunti doon at tumayo na habang hawak pa ang plastic bottle.

"If you're fine, then you need to rest sa clinic. Ako bantay mo, tara" Sabi niya sabay dahan dahan akong hinila. Ibang bantay ang gagawin niyan sa akin.

"Hindi ko kailangan ng pahinga Ran. May practice pa tayo ng sayaw baka hindi na tayo makasabay sa bagong steps. We need to go back there" Sabi ko at pinipigilan siya sa paghila sakin.

"The steps can wait, but your health can't. If you rest a bit, I'll be fine too. Please kahit ilang minuto lang" Nagmamakaawang sabi niya. Napanguso ako pero tumango narin.

Nagtagal kami sa clinic kanina dahil si Ran talaga ang nagpahinga hindi ako. Ako ang naging bantay niya dahil siya ang humiga. Gusto niya kasing tabi kami sa kama ng clinic. Alam ko na ang gagawin niya kaya niya ako pinilit dahil haharot siya sa akin.

Tumatakbo ako ngayon papuntang mini stage dahil kailangan ko ng aralin ang mga bagong steps. Nakasunod naman si Ran sa akin. Ayaw niya pang bumangon kaya iniwan ko pero sumunod rin kaagad. Pumunta na ako sa position namin at hindi pa nakakarating sa line ko ay bigla akong hinapit ni Ran na nasa harapan ko na ngayon. Hinapit niya ako sa bewang palapit sa kanya. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa pagtakbo.

"Don't run away from me, let me walk with you while holding your hand. Better not do it again, because I'll give you my best punishment you've ever felt Zylin Reecel Moria" Mahina niyang sabi. Hinihingal pa siya habang sinasabi iyon. Sumasayaw na kami pareho.

"It's your fault that I'm running away." Sabi ko sa kanya sabay layo pero nakahawak parin ang kamay niya sakin. It's part of our dance step.

"It's your fault too why I didn't cuddle you. That was our chance to be together---" Hindi na niya naipagpatuloy pa iyon dahil marami nang taong nakikinig samin lalo na ang mga kaklase namin. Napatulala nalang ako. He said it out loud. Mahina lang ang music kaya ang boses niya ang nagstand out.

Naghiyawan ang mga lalaki at babaeng mga kaklase namin. May mga lumapit pa sa pwesto ni Ran at tinapik tapik siya. Lumayo agad ako doon. Nakakahiya at ayokong mapagtuunan ng pansin. Lumakad na ako at umalis doon habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko para maiwasan ang mga tinginan. Nakaalis na ako doon at nandito na ako sa hallway.

Napahinga ako ng malalim. That was intense and I can't believe he proudly spoke it out loud. He made up a scenario again, and this time many people heard it. Tumakbo ako papunta sa rooftop kung saan may kwarto doon at hindi pa iyon ginagamit pero bukas para sa lahat. That room was an experiment area for Ran.

"You're insane Ran Cordreon. You're not thinking basta nasabi mo okay sayo. Paano naman ako?" Sabi ko sa sarili ko. Paakyat na ako sa taas. Walang katao tao dito dahil nasa baba lahat ng mga tao. Napabuga ako ng hangin.

Magsasalita pa sana ako nang may maramdaman akong hininga sa likuran ko. It takes my breath away. That kind of smell only makes me a frozen flower. Why is he here? Bakit hindi ko man lang narinig ang mga yapak niya? Sobrang tulala ba ako kanina at hindi napansing nasa likuran ko siya.

"Yes, I'm really insane towards you. Thinking without thinking has a high value. You unexpectedly didn't know what I was going to say, just like earlier. That was the sweetest taste of speaking out loud." Sabi niya at dahan dahan niyang hinawakan ang mga braso ko pababa sa kamay ko.

I can feel the gentleness when he touches me. Sobrang bilis ng tibok nang puso ko at nahigit ko ang hininga ko nang bigla niyang hinawi ang buhok kong nasa likod ko at inilagay niya sa may kaliwang balikat ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya niya. Dahan dahan niya akong pinaharap sa kanya. Nakita ko siyang hinahanap ang mga mata ko kaya napatingin ako sa kanya. He's serious and there's something in his eyes.


Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon