KABANATA 18

36 2 0
                                    



"Dalian muna dahil ako nakatuka sa main gate. Ano ba kasing pinagpuyatan mo at nalate ka" Sabi ni Mei sa akin. Kausap ko siya sa tawag ngayon. Nalate ako ng gising at ngayon ay nagmamadali ako para hindi ako masaraduhan ng gate sa school.

Ran Cordreon's words are still in my head. Hindi ako pinatulog kahit anong pilit kong tulog. May gayuma ata ang mga salita niya, hindi nagpapatulog. Last night, his words were still bugging my head and they were echoing through my braincells. Dumaloy nang dumaloy hanggang sa dumaloy na sa buong parte ng katawan ko.

Nakahinga ako nang nakarating agad kami ni manong. Nagpasalamat agad ako sa kanila at bumaba sa sasakyan. Tumakbo agad ako at nang makapasok ay napahugot ako ng hininga. Buti nalang at hindi ko naabutan ang teacher namin sa PE dahil siya minsan ang nakatuka sa main gate.

Napatingin agad ako sa relo ko at nakitang 7:55AM na doon. Kada 8:00AM kasi ay narito na siya at nagbabantay ng mga estudyante late na. Ayaw pa naman niyang may malate na senior high.

"Bakit ka napuyat? Anong ginawa mo kagabi?" Sunod sunod niyang tanong.

"N-Nanuod ako nang kdrama kagabi. Maganda kasi kaya pinatapos ko" Pagsisinungaling ko. Sorry Mei, hindi pa ako handang sabihin sayo.

"Nawala ba sa isip mong isang halimaw ang nakatuka sa gate natin. Buti pa si Ran at maagang maaga siyang pumasok. Maganda ata gising kasi malaki ang ngiti. Iba iyong ngiti niya" Sabi niya sabay kilatis sa reaksyon ko. Nagkibit balikat ako.

"Wala akong kinalaman sa kanya. Alam mong isang linggong nawala iyon at ngayon lang pumasok" Paalala ko.

"Oo nga no, ano kaya ginawa niya? May nangyari ba sa kanya o nagkaproblema ba? Sobra kasi iyong isang linggong absent" Sabi ni Mei.

Tumango ako. Kung ano man ang nangyari sa isang linggo ay sana hindi iyon makaapekto kay Ran lalo na sa akin.

"We don't know Mei, hindi niya rin sinabi sa akin pero importante daw kung bakit siya nawala. Alam na ni Ran kung ano ang tinatahak niya" Sabi ko habang inaayos ang damit ko.

"Sana lang ay hindi magkatotoo mga iniisip ko. Hindi naman siguro magagawa iyon ni Ran at hindi niya hahayaang mangyari iyon. Ikaw ang gusto niya" Sabi niya.

Kinabahan ako sa sinabi ni Mei. May alam na akong pinipunto niya pero gusto ko paring marinig galing mismo kay Ran.

"Baka makabuntis iyon pero huwag naman sana. Kahit maharot si Ran alam niya ang limitasyon niya kung hindi siya nagpadala sa tukso" Sabi ni Mei.

Bumigat ang pakiramdam ko. Alam kong hindi iyon magagawa ni Ran pero possible ding magawa niya iyon. Possible ding mangyari iyon dahil hindi naman natin alam kung ano ba talaga ang mangyayari satin.

Siniko ako ni Mei kaya napatingin ako sa kanya. Ngumuso siya sa harapan kaya napatingin ako roon. Nakita ko si Ran na kumakaway sa amin habang tumatakbo papalapit. Magagawa mo kaya iyon Ran? Natanong ko nalang sa isip ko pero ipinilig ko nalang. Kung ano man siguro ang mangyayari ay paghahandaan ko. Sana lang kayanin ng puso ko.

"Goodmorning, akin na ako na magdadala ng bag mo. Bakit ka nalate?" Tanong niya habang kinukuha ang bag ko sa likuran ko.

"N-Napuyat ako kagabi kakanuod ng kdrama. Ikaw bakit ang aga mong pumasok? May k-kikitain ka dito sa school?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin sabay bulong. Nakita kong napatalikod agad si Mei at nagkunwaring may tinitignan.

"Ikaw ang kikitain ko. Sobrang tagal mo kaya naglaro muna ako sa room natin buti nalang may nakasama ako. Babawi ako sayo ngayong araw at sa mga susunod" Bulong niya sakin. Tinulak ko siya dahil baka may nakatingin na samin.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon