KABANATA 11

20 1 0
                                    

It's saturday today. Sabi ni Ran kagabi ay susunduin niya daw ako kinabukasan. Tinatanong ko naman siya kung saan kami pupunta sabi niya kapag andoon na tayo malalaman mo rin. Naubos namin ang mga pagkaing dinala niya kagabi. Pinaubaya ko na ang pizza sa kanya kasi mabigat iyon sa tiyan. Naubos ko ang favorite kong shawarma at nasatisfied na naman ang cravings ko.

Nagising ako nang may pumipindot sa pisngi ko. Nagising ang diwa ko doon pero nakaidlip ulit. Late na kasi kaming natapos sa pagkain namin kaya late naring nakauwi si Ran at ako ay late naring natulog kagabi. Bumalik ulit ang hintuturong pumipindot sa pisngi ko. Tinapik ko ang kamay na iyon at bigla ko nalang nabuksan ang dalawa kong mata. Tumingin ako sa anino at nakita ko doon si Ran. Nakangiti siya sa akin sabay kuway.

"Morning sleeping beauty. I set my alarm para makapunta ako ng maaga dito. Inaantok pa ako kasi 4 hours lang tulog ko kagabi. Let me sleep" Inaantok niyang sabi sa akin sabay higa sa tabi ko. Sa ngayon ay wala akong lakas dahil pagod ako at kulang rin sa tulog kagaya niya.

"Let's sleep for a while. Mamaya na tayo gumising" Mahina niyang sabi sabay hila ng kumot ko. Tumango nalang ako dahil ayokong magsalita para kasing mas lalo akong aantukin kapag magsasalita pa ako. Naramdaman kong tumagilid siya paharap sa likuran ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa buhok ko.

"Hey, usog ka doon. Masyado kang malapit sakin" Mahina kong sabi habang tinutulak ang tiyan niya palayo. Mahina lang tulak ko kasi inaantok pa talaga ang katawan ko.

"Hindi ka naman malapit sa akin. May distansiya pa, let's sleep" Sabi niya. Parehas kaming inaantok kaya natulog nalang ako.

Nagising ako dahil may naamoy akong pabango. Bukod sa pabango ko ay may naaamoy akong iba. Suminghot pa ako para maamoy iyon. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ako at bumungad sakin ang liwanag na nagmumula sa kurtina ko. May nakita akong balikat sa paningin ko at tinignan ko iyon. Nakita ko ang balikat ni Ran at nakatapat ang mukha ko sa leeg niya. Iyon pala ang naamoy ko, ang pabango niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang nakahilig siya sa may ulo ko.

Nakita kong tumaas ang kamay niya at yayakap sana sa bewang ko pero natigil iyon at inilagay nalang sa gilid niya. Napangiti ako dahil ayaw niya talaga akong hawakan kahit tulog pa siya. Ayaw niya akong hawakan hangga't walang permisong galing sa akin. He respects me and he's a gentleman.

Dahan dahan akong lumayo sa kanya at buti nalang ay hindi siya nagising. Tinignan ko ang orasan ko at nakitang 10:20AM na. Napahigab pa ako. Gusto ko pang matulog pero ayoko na kasi mabigat na sa katawan kapag bumalik pa ako sa tulog. Mabigat sa katawan kapag gumising ng late sa umaga. It's not healthy anymore.

Tumayo na ako at naisipang gisingin si Ran pero mamaya nalang para makatulog pa siya. Nagstretching muna ako para tumunog ang mga buto ko sa katawan.

Pagkatapos ay lumapit ako kung saan natutulog si Ran at inayos ang kumot niya. Nakabukas pa kasi ang AC kaya malamig pa. Mahimbing siyang natutulog siguro ay napuyat siya kagabi. Sana ay hindi siya napapagalitan ni tita dahil lagi siya dito sa bahay at lagi din siyang late umuwi.

Naligo na ako para mahimasmasan at nagsuot ng pants na black sa baba. Nagsuot ako ng sando na mahaba ang laylayan. Bumaba na ako at nakitang nagluto na ang mga kasambahay namin. Nakita kong nakaupo ang mga maid namin sa hapagkainan.

"Goodmorning Zy, kain kana. Pinapasok na namin si Ran kanina dahil pumunta siya nang napakaagad" Sabi ni Aling lita.

"Goodmorning po sa inyo. Kumain na po ba kayo? Sabay na po tayo" Nakangiti kong sabi sabay tingin sa mga niluto nila.

"Kapag sasabay kami sayo, walang kasabay kumain si Ran" Sabi ng kaedad kong anak ni aling lita.

"Tabihan nalang po natin siya at ako nalang po ang magaakyat mamaya sa kwarto ko po. Tulog pa kasi siya napuyat po ata kagabi. Late narin pong umuwi" Sabi ko. Nagtabi agad ng mga pagkain at ulam si aling lita kay Ran. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan pa kami.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now