KABANATA 16

24 2 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggo at hindi ko pa nakakasama si Ran. Busy siguro siya kaya hinayaan ko lang siya siguro dahil senior na kami kaya parehas kaming busy. Ang pinakalast ay iyong encounter namin sa rooftop. Ngayon ay practice na naman namin para sa ball. Wala na naman si Ran. Kung kailan mas lalo akong napalapit sa kanya ay wala naman siya.

"Bakit may nakikita na naman akong lungkot sa mga magaganda mong mata? Cheer up girl. Malapit na ball natin" Nakangiting sabi sa akin ni Mei habang nakahawak sa mga pisngi ko ang mga kamay niya.

"Hindi ako malungkot. Pagod ako kasi maraming pinagawa mga teachers natin. Kung kailan nagsasaya tayo sa sayaw sinasabay nila ng mga tasks at projects natin for finals" Nakasimangot kong sabi.

"Malapit na kasi tayong umalis dito sa school at need natin tapusin para naman may maidagdag sa grades natin. Huwag kang mag-alala malapit na naman na tayong grumaduate. I hope same parin tayo ng university na papasukan" Sabi niya. Nakita ko siyang tumingala kaya niyakap ko siya. Ngumiti ako nang mapait.

"Wala pang graduation, walang iyakan. Instead of crying, why not create more happy memories? Forget about the idea of leaving our school, and think instead of another year of new beginnings and meeting new people." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Napanguso siya. "Para namang sinasabi mong madali lang para sayong umalis dito sa school. Alam kong may Cordreon kana at please lang huwag mo namang ipamukha sakin" Nagmamaktol na sabi niya.

"Walang nagmamay ari sakin at alam mo iyon. I'm still single Mei, gusto kong magsaya nalang muna tayo. Let's make this senior year unforgettable" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumingin ako sa paligid at pinakatitigan ang mga kwartong nagamit namin at mga area na napagtambayan namin. Aaminin ko, mabigat sa pakiramdam dahil dito na kami since grade 7 hanggang ngayon. Walang college dito kaya talagang mapapalipat kami ng school. Mamimiss ko lahat lahat.

"Ayoko nalang nga isipin ang graduation. Nadudurog puso ko at hindi ko kinakaya baka tumulo na naman luha ko" Sabi ni Mei sabay paypay ng mukha niya. Natawa ako dahil maluhain siya talaga.

"Ibaling muna lang sa sayaw iyang kalungkutan mo Mei. Ayokong mahawa sayo baka mawalan ako ng gana. Buti pa ay magsimula na tayong magpractice" Sabi ko sabay baba sa mini stage.

"Asaan ba si Ran? Wala siya kaya wala ka na namang partner. Masyado bang importante ang inaasikaso niya para iwan kang walang kasayaw" Nakakunot noong sabi ni Mei. Wala namang sinabi sakin si Ran.

"Hayaan na natin. Kung ano man ginagawa niya sana matapos na niya. Ano bang masama sa pagsayaw nang mag-isa lang?" Sabi ko. Isang linggo na akong walang partner. Hindi parin kasi pumapasok si Ran kaya wala akong kasayawan.

Isang linggo na kasi akong walang partner dahil nga wala si Ran.

"Ngayon hindi ako papayag na wala kang partner. Hahanapan kita" Sabi niya sabay tingin sa paligid.

"Huwag kanang maghanap dahil puro junior sila. Iyong kaklase nalang natin na partner niya si ma'am tutal ay wala naman si ma'am dito. Siya nalang muna" Sabi ko. Tumingin siya sakin. Tumango nalang ako bilang sang-ayon.

Nagsimula na kaming sumayaw. Sa isang linggo na wala si Ran may mga sumasagi sa isip ko. Sobrang dami dahil siguro nasanay akong lagi kaming magkasama. He never texts or calls me. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila pero naisip kong siguro privacy na niya iyon. Gusto kong tanungin mama niya pero nauunahan ako ng hiya. Sino ba ako kay Ran? Isang kaibigan.

Uwian na at ako nalang natira sa room namin dahil binilin ako ni ma'am na magpaiwan dahil may ipapagawa sila sakin. Katatapos lang naming magarrange ng mga files dahil sobrang dami noon. Being a teacher is hard and challenging. Minsan naiisip ko kung masaya pa ba ang mga guro kung sobrang pahirap na ang mga pinapagawa sa kanila lalo na ngayon.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now