21

28 2 0
                                    




Isang linggong pahinga para sa ball namin. Bukas na ang uwi nila mama at papa. Mama brought me a dress for the ball. Siya ang mas excited sa akin. Simula noong nangyari sa backstage ay hindi nagparamdam sakin si Ran. Siguro ay busy siya sa pagaalaga kay May. Siguro nagbago na ang isip niya.

Nakahiga ako sa kwarto ko. Kailangan kong makausap sila mama at papa about sa college. Matagal na rin nila akong pinipilit mag-aral sa isang university sa california pero lagi akong umaayaw. Maybe, this is the time. Napahinga ako nang malalim at niyakap nang mahigpit ang bear na bigay nila papa noong birthday ko.

Niyaya ako ni Mei kanina pero tumanggi ako dahil wala ako sa mood. Parang ayaw nang katawan kong gumala gala at gusto nalang manatili dito. Itutulog ko nalang buong araw para maiwasan ko ang pag-iisip. Thinking too much can cause stress and it can harm the brain.


Nagising ako sa ingay sa baba. Nilagay ko ang kanang braso ko sa noo at pumikit ulit. Andito na sila mama at papa. Ganoon ako nang mga ilang minuto pero tumayo narin at naglakad sa banyo para maligo.


Pagkababa ko ay nakita ko sila doon. Nakikipagkwentuhan sa mga kasambahay namin. Nang makita ako ay si mama ang nagmamadaling pumunta sa akin.

"I miss you, darling. I want to see your dress?" Masayang tanong ni mama sakin. Tumango ako at nagmano.

"I miss you too, mama. Baka pagod po kayo sa biyahe. Magpahinga po muna kayo ni papa" Sabi ko.

"Walang space ang pagod samin ni papa mo. Mamaya may pupuntahan tayo. Kumain ka muna dahil tulog ka daw buong araw. Pagod sa practice?" Tanong ni mama. Naglakad na kami papuntang sofa at doon nahiga ako ulit.

"Opo, kailangan pong magpractice para maganda ang kalalabasan po. We have One week of rest po at sana kapalit nang One week ay bonding natin nila papa" Nakangiti kong sabi kay mama. Hinawakan ni mama ang kaliwang kamay ko.

"Babawi kami sayo anak. Gusto mo isama natin si Ran?" Tanong ni mama. Seeing her smiling like this baka mabura agad kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Ran. Umiling agad ako. Gusto kong kaming tatlo nalang muna.

"Baka b-busy iyon mama. Lagi kaming magkasama kaya hindi na natin siya pwedeng isama. Bonding nating tatlo ito baka po pwedeng tayong tatlo nalang po muna" Sabi ko kay mama. Natawa naman sila at tumango.

Baka busy iyon kay May.

Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa terrace sa taas dahil may pinic session daw kaming tatlo. Si papa ang nagluto nang mga kakainin namin samantalang kami ni mama ay naghanda ng mga gagamitin namin. Napatingin ako sa phone ko at nakitang walang messsage si Ran. Yes, I still want to know if he texted me. Kaibigan pa naman niya ako. Walang magbabago doon pero ang nararamdaman ko sa kanya ay kailangan nang ibaon sa limot.

Napabuga ako nang hangin. Miss ko na siya pero hindi pwede at hindi na gaya nang dati. Dati kapag nagtext lang ako sa kanya ay andito na agad siya. Kapag siya naman nagtetext ay wala pang isang minuto andito na siya. These memories are still fresh.

"Zy, kuhanin mo nga iyong lechon sa baba. Nakalimutan kong kunin kanina" Sabi ni papa habang mini-mix ang wine. He's experimenting. Gusto daw ni papa na matikman ko iyon para sa unang pagkakataon. Ngayong araw ako makakatikim ng wine sa buong buhay ko at gusto nila ay memorable iyon tsaka masarap.

Tumango ako kay papa at naglakad na. Tumakbo ako pababa patungong kusina pero natigilan ako. May hindi kami inaasahang bisita. Dahan dahan akong napatingin sa kanya at nakita ko siyang nakatitig sa akin. He's wearing black pants and a grey shirt with black shoes. Nakangiti siya sa akin at may hawak na bulaklak at pizza.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon