FACE APP
by: ItsquantiaraNaglalakad ako sa loob ng hospital ngayon. Papunta ako sa kwarto na parati kong tinatambayan, sa kwarto na kung saan ay matatagpuan ko ang kaligayahan ko, namiss ko ang girlfriend ko.
"Babe? Kamusta ka na?"
Tanong ko habang papalapit sa kanya, ngumiti naman sya tsaka ko sya niyakap,
"Ayos naman, ikaw? Kamusta studies?"
Tanong nya habang hawak ang mga kamay ko at nakaupo sa kama nya,
"Ayos lang din naman, eto sobrang nakakapagod."
Tugon ko, tumikhim naman sya,
"Kaya mo yan, para sa pangarap mong maging doctor."
Aniya, ngumiti ako tsaka yumuko at tumingin sa mga kamay naming magkahawak,
"Hindi lang naman yun ang pangarap ko."
Sambit ko, tumaas naman ang dalawang kilay nya tsaka ngumiti,
"Ano naman yung isa?"
Tanong nya, lumapit ako sa kanya tsaka ako yumuko upang mayakap sya sa higaan nya,
"Gusto kong tumanda kasama ka."
Banat ko, matunog syang ngumiti. Nagtaka pa ako ng abutin nya ang phone nya tsaka binuksan ang isang app don.
"Picture tayo."
Aniya, natawa ako ngunit sumunod nalang rin. Madalas talagang nililihis nya ang topic kapag ganito ang pinaguusapan namin.
Pagkatapos naming magpicture ay kinalikot nya na ang phone nya. Ilang segundo pa ay itinapat nya sa akin ang phone nya, matanda ang mga mukha namin kaya natawa ako.
"Ang tanda natin dyan ah? Ganyan kaya ang itsura natin sa future?"
Tanong ko habang tinititigan ang mukha naming dalawa sa phone nya, natatawa parin ako ngunit nagtaka ako ng diretso lang syang nakatingin sakin, nakangiti sya na animoy inaaral ang mukha ko.
"Kahit dyan man lang, matupad ko ang pangarap mo na tumanda kasama ko."
Aniya, bigla ay nangilid ang luha ko, sumikip ang dibdib ko at tsaka bumigat ang pakiramdam ko. Inayos nya pa muna ang hose ng oxygen na nakakabit sa ilong nya.
"M-Matutupad naman yon balang araw, d-diba?"
Tanong ko, hinila nya ako tsaka niyakap. Batid kong sa pagkakataong ito ay nanghihina na sya. Isang taon narin nyang nilalabanan ang sakit nyang Lukemia.
"Balang araw, gusto ko, humanap ka ng babaeng hindi ka sasaktan, yung hindi ka iiwan, tsaka yung iingatan ka kagaya ng pagiingat ko sayo."
Mas lalo akong naluha, hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.
"Balang araw, kapag nasa loob na ako ng puting kahon na kahihimlayan ko sa habang panahon, ipabaon mo sakin yang picture na yan."
Dagdag nya, niyakap ko lang sya ng mahigpit. Hindi ko kayang mawala sya, hindi ko alam kung paano magsisimula ng wala sya.
"I-Ikaw lang ang gusto ko."
"Ipangako mo sakin na kapag nawala na ako sa tabi mo, iingatan mo ang sarili mo, kase wala na ako para alagaan ka sa tuwing masama ang pakiramdam mo."
"Hindi ka naman mawawala diba?"
Tanong ko, ngumiti sya.
"Hindi ko alam."
"Lalaban ka naman, diba?"
"Hangga't kaya ko."
"H-Huwag mo kong iiwan."
"Hindi ko maipapangako."
Tuloyan akong nanghina. Sa limang taon na relasyon namin ay hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Sa punto na kung saan ay may nagbabadyang bumitaw.
Inabot nya sa akin ang isang sobre na naglalaman ng sulat. Tumingin ako sa kanya, nginitian nya ako tsaka hinalikan sa pisngi.
"Sige na, magpahinga ka na muna, darating narin ang mga doctor mamaya."
Aniya, huminga ako ng malalim tsaka tumango. Hinalikan ko sya sa noo tsaka ko sya niayakap.
"I love you, so much."
"I love you more."
Lumabas ako ng hindi parin inaalis ang paningin ko sa kanya. Ng makalabas ako ng hospital ay naghintay muna ako ng bus. Nakayuko parin ako at mabigat ang pakiramdam habang hawak ang sobre sa kanang kamay ko. Huminto ang bus sa harap ko tsaka ako sumakay at naupo sa tabi ng bintana.
Binuksan ko ang sobre, tsaka ko sinimulang basahin ang panimula, bigla ay mas bumigat ang pakiramdam ko ng bumuhos ang malakas na ulan.
Dear Babe, Mahal ko, My hero,
Mahal na mahal kita, alam kong alam mo yan. Halos isang taon ko naring nilalabanan ang sakit ko para sayo. Sa tuwing dadalawin mo ako ay sobra sobra ang tuwa ko, at sa tuwing aalis ka ay sumisikip ang dibdib ko dahil baka iyon na ang huli. Hirap na hirap na ako sa tuwing chinechemo ako babe. Sobrang nanghihina na ako ngayon habang sinusulat ko to. Ngayon ay sigurado na ako na ito na ang huli. Babe? Ipangako mo sa akin na hindi mo dadamdamin ang pagkawala ko, isipin mo nalang na may panibagong anghel na magbabantay sayo. Mahal na mahal kita, lumaban ako para sayo pero hindi ko na talaga kaya. Naalala mo noong araw na sinagot kita? 4:30 ng hapon, biyernes non, naalala ko pa no? Mahal na mahal kita eh, nandito lang ako palagi para sayo.
Sa oras na mabasa mo ang huling parte nito ay pinapalaya na kita, mahal na mahal kita.
Namamaalam,
Maera Leigh Catan
Agad ay bumaba ako ng huminto ang bus, hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko ininda ang buhos ng ulan at tumakbo ako pabalik ng ospital.
Ng makarating ako ay naroon na ang mga magulang nya na umiiyak sa labas ng ICU, hindi ko na namalayan ang sarili ko na napaupo sa sahig habang sapo ang ulo.
"Time of death, 4:30 pm."
Happy anniversary... Babe.

YOU ARE READING
SHORT STORIES COMPILATION
RandomQ U A N T I A R A since 2016-2020 stories. all of the stories have it's own photo covers, enjoy.