II: "132 YOR"

664 57 5
                                        

"132 YEARS OF REINCARNATION"
PART II: 'I love you from 1890 to 2020'




"Reign..." paguulit n'ya sa pangalan ko, para bang dati n'ya nang narinig ang pangalan na 'yon,

"Yes doc." sambit ko tsaka ngumiti,

"Okay, maiwan ko na kayo." aniya tsaka umalis kasama ang dalawang nurse,

"Ma? ayos ka na ba?" tanong ko kay Mama,

"Oo, anak. Tapos na ba ang klase mo?"

"Hindi pa po, aabsent nalang po ako sa afternoon class ko para mabantayan kayo." 

"Ganoon ba? kumain ka na ba?"

"Huwag n'yo na po akong isipin, ayos lang ako."

Ngumiti lang si Mama tsaka nagpahinga ulit. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama n'ya. Ang boring talaga sa hospital. Inilabas ko ang phone ko para mag facebook, pero walang signal.

"Mama, lalabas lang po ako saglit."

"Sige anak, magiingat ka."

"Opo."

Agad na akong lumabas at tiningnan ang signal ng phone ko. Hindi parin nadadagdagan yung lines, wala paring signal, ano ba 'yan!

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa hindi ko namamalayang napadaan na ako sa kwarto ni Doc Lucas. Sinilip ko iyon, saktong nakita ko s'yang nagsusulat. At sa kamalas-malasang pagkakataon tumingin s'ya sa direksyon ko, at ayon na naman yung statue effect ko! leche magtago ka Ricca!

"What can I help you? may problema ba?" hindi ko namalayang nasa harap ko na s'ya,

"W-Wala po Doc." sagot ko tsaka nagiwas ng tingin,

"Naghahanap ka ng signal?" tanong n'ya, napapahiya naman akong napatango,

"Opo eh, balak ko sanang lumabas, baka sakaling magka signal."

"I have wifi inside my room, you can use it."

"Nako hindi na po, nakakahiya."

"No, it's okay, come on." anyaya n'ya tsaka pumasok sa loob, hindi na ako nakatanggi,

Malinis ang office n'ya. Sobrang purong puti at maayos ang pagkaka plastar ng mga gamit. Mabuti pa s'ya, malinis, samantalang ako kababaeng tao daig pa bata kung magkalat.

Kinuha n'ya ang phone ko tsaka nilagyan ng password. Para naman akong batang mababaw ang kaligayahan ng maka-connect ako.

"How old are you, Reign?" tanong n'ya, sandaling tumayo ang balahibo ko ng tawagin n'ya akong Reign,

"18 po." tugon ko,

Gusto kong itanong kung ilang taon na s'ya pero dahil nga Doctor s'ya, siguradong  nasa trenta na ang edad n'ya. Kahit pa mukhang nasa bente lang ang edad n'ya, sobrang gwapo.

"Grade 12 student?"

"Yes po."

"Wag ka nang mag-po, anong kukunin mo sa college?"

"Crim."

Agad s'yang nag-angat ng tingin sa akin. Para bang may mali sa sinabi ko. Diretso lang s'yang nakatingin sa mga mata ko tsaka nag-iwas ng tingin kalaunan.

"Nice choice." aniya tsaka nagpatuloy sa sinusulat,

Nahagip ng mga mata ko ang display sa harap ng table n'ya. 'Dr. Rick Buenavista' ang nakalagay. Ibig sabihin ay Rick ang pangalan n'ya? pero bakit sabi n'ya Lucas?

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon