"COMATOSED"

785 49 3
                                        

"COMATOSED"




"What's your cause of death, Sabrianne?" tanong n'ya sa akin,

"I'm not dead, i'm just comatosed for almost  1 month." tugon ko sa kan'ya,

Nakaupo kami sa long chair na nasa labas ng ICU. Kasalukoyan kong sinisipat ng tingin ang sarili ko na tanaw ko mula sa labas.

"Eh ikaw? anong ikinamatay mo?" tanong ko, mapait s'yang ngumiti,

"Kagaya mo, hindi rin ako patay, kasasangkot ko lang sa isang car accident noong January 2." tugon n'ya, agad kong naibaling ang paningin ko sa kan'ya,

"Ngayong araw lang?"

"January 6 ngayon, Sab."

"Oo nga pala, bakit hindi ka pa bumalik sa katawan mo?"

"Sinadya ko yung aksidente na 'yon, nakakapagod mabuhay."

"Huwag mong sabihin 'yan, Tresylie. Bumalik ka na do'n." pangungumbinsi ko, pansin kong kanina n'ya pa hindi maialis ang mga mata n'ya sa akin,

"Maraming ibang kaluluwa d'yan na mas deserve mabuhay, mas hihilingin ko pang sakupin nila ang katawan ko kesa mabuhay ako ulit." sandali akong napatitig sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya, "Ikaw? bumalik ka na do'n." nakangiting aniya,

"Pagod na rin akong mabuhay." sambit ko,

Bigla akong napalingon ng makita ko ang mga kaibigan ko na naglalakad papalapit sa kwartong kinalalagyan ng katawan ko. Lahat sila ay umiiyak, walang luhang lumalabas sa mga mata ko bagaman sobra akong nasasaktan sa nakikita ko.

"Mahal na mahal ka nila, ano nalang kaya ang mararamdaman nila kapag tuloyan mo nang iniwan ang katawan mo?" tanong n'ya, mas dumoble ang bigat ng pakiramdam ko,

"W-Wala na akong pamilya, wala naring saysay ang buhay ko, wala na si daddy."

"Where are they?"

"Bumangga yung sinasakyan naming van, my whole family maliban sa akin, t-they all died."

"You're certified daddy's princess?"

"Kaya ngayong wala na si daddy, gusto ko naring mawala."

Akma akong hahawakan ni Tres nang maalala n'yang hindi dadampi ang mga kamay n'ya sa katawan ko dahil pareho na lamang kaming kaluluwa ngayon.

"Go back now, bago ka pa maunahan ng ibang kaluluwa." natatawa pang aniya,

"Eh ikaw? hindi ka na ba talaga babalik?" tanong ko,

"Noong na-aksidente ako, desidido na akong mamatay no'n. But then here I am, talking to the most beautiful spirit I've ever seen in my whole--" bigla s'yang huminto,

"Oh bakit?" natatawang tanong ko,

"Paano ko matatawag na whole life eh patay na nga pala ako, stupid." napapailing na aniya rin,

"Kapag ba bumalik ka sa katawan mo, maaalala mo pa ako?" may bahid ng takot na tanong ko,

"Sa tingin mo ba kaya pa kitang kalimutan?" nakangiting tanong n'ya,

"Talaga lang ah?" paninigurado ko, agad n'yang itinaas ang kanang kamay na para bang namamanata,

"Promise." nakangiting aniya,

"Babalik ka sa katawan mo?"

"Promise."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa ICU. Balak ko pa sanang buksan ang pinto, naalala kong kaya ko nga palang tumagos. Sa muling pagkakataon ay sinilip ko s'ya, nakangiti s'ya habang nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto n'ya na di kalayuan sa kwarto ko.

"See you again..." nakangiting aniya bagaman hindi ko rinig ay nababasa ko sa pagbuka ng bibig n'ya,

"See you.." sambit ko rin,

Humiga na ako nang kagaya sa posisyon nang pagkakahiga ko. Tsaka ko ipinikit ang mga mata, kaagad akong hinigop ng dilim tsaka naramdaman ko ang biglang pagbigat ng katawan ko. Triple iyon kesa naramdaman ko sa mga nagdaang oras.

Nang magising ako ay agad kong hinawakan ang braso at katawan ko. Nang makapa ang katawan ay doon ko nakumpirmang buhay na ulit ako. Agad akong lumabas para silipin ang kwarto ni Tres, bagamam kumikirot ang ibang bahagi ng katawan ko.

"Saan ka pupunta, Sab?" tanong ng isa sa mga kaibigan ko,

Akay ko ang dextrose habang paika-ikang naglalakad papalapit sa kwarto ni Tres. Nang matapat sa pinto ay agad ko iyong binuksan ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang walang tao doon. Malinis na ang kwarto.

Nilingon ko ang papadaan na nurse.

"Excuse me? nasaan yung pasyente nitong room na 'to?" tanong ko,

"Nakalabas na po, noong nakaraang buwan pa." tugon n'ya, bigla ay nanigas ako sa kinatatayuan ko,

"Sab, ano ka ba bumalik na tayo do'n." anyaya ng kaibigan ko,

"Excuse me." paalam ng nurse,

Sandali pa akong napatulala bago ko nilingon ang kaibigan ko. Hindi ko maiwasang magtaka, sobrang pagtataka.

"Anong date ngayon?" tanong ko, agad n'yang chineck ang phone n'ya,

"February 14." sagot n'ya, parang biglang nanghina ang mga tuhod ko, "Ayos ka lang, Sab?" nagaalalang tanong n'ya,

Hindi pala ako nagising agad nang magpunta ako sa katawan ko. Inabot ng isang buwan bago ako nagising?

"M-May lalaki ba na dumadalaw sa akin dito? matangkad s'ya t-tsaka maputi, pasyente s'ya ng room na 'to." sunod-sunod na sambit ko,

"Sab, kalma. Oo may dumadalaw na lalaki dito, araw-araw pa ngang nagdadala ng bulaklak." animo'y kinikilig na pag-amin ng kaibigan ko,

Bigla ay nanumbalik ang lakas ko. Agad akong naglakad pabalik sa kwarto ko tsaka sinipat ng tingin ang mga bulaklak na nasa side table ko. Akala ko ay kung ano nang nangyari sayo, Tres.

"Goodafternoon." napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang pamilyar na tinig,

"Tres!" agad akong napatalon sa tuwa tsaka s'ya niyakap,

"Gising ka na." hindi makapaniwalang anas n'ya, "Anak, gising ka na." umiiyak na aniya, doon ay natigilan ako,

"A-Anak?" tanong ko, nagugulohan ako...

"Mahirap ipaliwanag, pero ako 'to, anak bumalik ako." aniya, hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman,

"D-Daddy?"

"Oo ako nga..."

Sobrang saya ko na kaharap ko ulit ang daddy ko bagaman iba na ang anyo at itsura nito. Ngunit may parte ng puso ko ang nakaramdam ng kirot dahil may isang kaluluwang humiwalay sa landas ko.

Nilingon ko ang hallway ng hospital, doon ay natanaw ko ang isang pamilyar na tindig. Dahan-dahang naglalakad habang nakatingin sa mga mata ko. Hinintay ko ang sandaling makalapit s'ya sa mismong pinto.

"Finally, you're back, Sab."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak. Sa sandaling ito ay parang kaming dalawa lang ang tao sa paligid bagaman kaluluwa na lamang s'ya at tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Binuksan ko ang pinto tsaka lumapit sa harap n'ya.

"I h-hate you..." mabigat ang loob na usal ko,

"I know." nakangiting aniya,

"You promised me." halos hindi ko na masabi ng maayos sa sobrang paninikip ng dibdib ko,

"You deserve to be happy, you need your dad more than me. I'm sorry if I broke my promise, Sab. I failed to enter my body."

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon