"DRUNK CALL"
"Hoy Nayumi wag kang ngang puro emote d'yan! sumali ka dito!" sigaw ng kaibigan kong si Reese,
Naglalaro sila ng spin the bottle. Ako naman ay nandito sa bungad ng tent at nakaupo. Nasa tabing dagat kami nag camping magkakaibigan.
"Tara na Yumi." anyaya ng iba pa, tumayo ako tsaka umupo sa tabi ni Reese,
"Ano bang mechanics?" nakasimangot na tanong ko,
"Kapag naituro ka ng bunganga nitong bote, iinom ka no'n, isang shot glass." paliwanag ni Reese tsaka itinuro yung alak sa gilid,
"Hindi ako umiinom ng shot glass." sambit ko tsaka tumayo ngunit muli nila akong hinila papaupo,
"Gaga yung alak ang iinomin mo, minsan lang naman eh!" nagpapacute na ani Reese,
"Paano kapag ayaw ko ng uminom?" tanong ko, agad silang ngumisi,
"Edi ide-dare ka namin!" sagot ng isa pa sa mga kaibigan ko,
"Sige, tara."
Minsan lang rin naman akong makipag-kulitan sa kanila dahil madalas akong maldita. Well, kapag oras ng seryosohan ay doble talaga ang pagseseryoso ko, at kapag oras ng kulitan ay minsan mas gusto kong hindi makisali. Nagiging kalog lang naman ako kapag nandito si Vince, charr.
Inikot na ni Reese ang bote at saktong naitapat kay Jiah. Ini-ikot naman ni Jiah ang bote at natapat kay Reese. Tsaka ini-ikot ni Reese ang bote at natapat sa akin.
"Yown, tagay!" sigaw nila, kinuha ko ang maliit na baso tsaka nilagok ang alak sa loob no'n,
Naubo ako sa sobrang tapang ng alcohol na gumuhit sa lalamunan ko. Kaunti pa man ay nag-init na ang tiyan ko. Bakit ba ko pumayag na sumali dito? Leche.
Sa paulit-ulit na pag-ikot ng bote ay limang beses na akong nakainom. Nang sa ika-anim na beses na tumapat sa akin ang bunganga ng bote ay umayaw na ako.
"Ang sakit sa lalamunan, ayaw ko na." reklamo ko,
"Okay sige, dare nalang." ani Reese, napa-irap nalang ako, anong dare naman kaya ang maiisipan nito?
"Tawagan mo si Vince!" sigaw ng kasama naming lalaki,
"What? No way." tanggi ko tsaka tumayo,
"Kung ayaw mo edi tumagay ka, mamili ka Nayumi, iinom o tatawagan si Vince?" tanong ni Reese, gustohin ko mang tumayo ay hindi ko na kaya, nahihilo na ako,
"Akin na!" iniabot ko ang kamay ko,
Dali-dali naman nilang tinawagan si Vince. Nang sumagot ay agad nilang iniabot sa akin. Wala na akong hiyang nararamdaman, marahil ay tinamaan na ako ng ininom ko kaya napapayag nila ako ngayon.
"Hello?" boses palang nya napaka gwapo na,
"Vince?" tawag ko,
"Who's this?" tanong n'ya, agad akong natawa,
"You can't recognize my voice." sambit ko tsaka muling sumeryoso,
"I do, sinisigurado ko lang kung ikaw 'yan, Nayumi?" aniya, agad naman akong napangiti,
"Ako nga, si Nayumi, yung babaeng paulit-ulit mong binalewala." tatawa-tawang anas ko,
"Awww.." daing ng mga kasama ko,
"You're drunk."
"No, I'm not drunk, I'm Nayumi, okay? I'm Nayumi, not drunk."
"Huwag ka ng uminom."
"Hindi naman ako nakainom, sinong nagsabing lasing ako? hindi ako lasing ako."
Natawa nalang ang mga kasama ko sa mga sagot ko. Maging ako ay hindi ko na alam ang mga sinasabi ko. Lintik na tama to.
"Vince!" muling tawag ko sa kan'ya, "I love you... pero manhid ka." dagdag ko, "Ilang taon na kitang crush, ilang taon na akong nagpaparinig sayo, pero ni minsan hindi mo man lang pinansin, umamin ka nga, bakla ka ba?" tanong ko, napansin kong biglang nanahimik ang kabilang linya, "Hello? buhay ka pa ba?"
"Patay na." tugon n'ya, agad akong napaupo ng tuwid,
"Pumunta ka ng hospital!" nasisiraan na ako,
"Patay na patay sayo." sagot n'ya, ang corny pero nakakakilig kapag galing sa kan'ya.
"Kinilig ako do'n." talagang kinikilig na sambit ko,
"Where are you?" tanong n'ya,
"Nasa tabi ni Reese."
"Stop being sarcastic, what place?"
"Out of place."
"Nayumi." nagbabanta na ang boses n'ya,
"Okay, sa resort nila Reese, bakit ba kase?"
"I'll take you home."
"Hindi pa ako uuwi."
"Wait for me."
"Ilang taon na akong naghihintay sayo." hugot ko, bigla s'yang nanahimik,
"Naghihintayan lang pala tayo." aniya, agad akong natigilan,
"What do you mean?" tanong ko, "Crush mo rin ako no..?" pangaasar ko, "Yiieee.."
"Dati pa." sagot n'ya kaya natigilan ako,
"S-Seryoso?"
"Yes, baby. Hintayin mo ako susundoin kita." aniya bago ibinaba ang linya,
Wala sa sarili akong napangiti habang iniaabot ang phone kay Reese.
"Uuwi na ako." paalam ko tsaka tumayo,
"Ha? eh kaya mo bang magdrive?"
"May sundo ako."
"Daddy mo?"
Agad akong napangiti sa lawak ng imagination ko.
"Daddy ng mga magiging anak ko."

BINABASA MO ANG
SHORT STORIES COMPILATION
RandomQ U A N T I A R A since 2016-2020 stories. all of the stories have it's own photo covers, enjoy.