"CHEATING"

764 42 1
                                        

"CHEATING"





"Hala maam si Ella kumokopya kay Harold!" sumbong ng kaklase kong babae, napapikit ako sa inis,

"Hindi kaya! Sinungaling to." angal ko tsaka s'ya sinamaan ng tingin, agad naman s'yang natawa,

"May sikretong lagayan ng answer yan sa bonnet nya maam!" pangaasar n'ya pa, tinawanan ko lang s'ya,

"Sira ulo hahaha." anas ko,

Ugali nilang magsumbong na may nangongopya kahit wala naman, tumingin lang naman ako pero wala akong nakopya, hmp. Nagreview kaya ako! nakakahiyang mangopya kung dalawang gwapong lalaki yung makakatabi mo,

"5 minutes left! Ang lumingon magkakaitlog sa test paper!" sigaw ni Maam, shet limang question nalang di ko pa alam yung answer!

"Eto." nagulat ako nung magsalita si Nash, buti walang nakarinig maliban sakin,

"Ano?" bulong ko,

"Kumopya ka, alam kong wala kang masagot kase nasa libro yang mga huling tanong, hindi pa natuturo." aniya, kaya pala hindi ko alam!

"Baka mahuli tayo." bulong ko,

"Bilisan mo na." utos n'ya,

"Hindi na talaga, ayos lang." pagtanggi ko,

"Nangongopya na naman si Ella, kay Nash naman." sumbong ulit ng kaklase ko,

"Akala ko ba bawal ang magkopyahan?" napapikit ako ng si Harold naman ang nagsalita, pakeningshet!

"Sinong nagkokopyahan?" tanong ko,

"Ah naghaharutan pala kayo? akala ko nagkokopyahan." nagulat ako sa sinabi ni Harold, halos mapigtas ang ugat ko sa leeg,

"Watch your words." inis na sabi ni Nash,

"I can't even see my words, so how?" sarkastikong sagot ni Harold, nalintikan na!

"Teka nga, bakit ba galit na galit ka??" nakakainis na talaga s'ya

"Because you're cheating." madiin ang pagkakasabi n'ya, "You cheated again."

"Hindi ako nagcheat." inis na sambit ko, "Oo hindi ko alam yung sagot pero hindi ako nagcheat! Ano bang problema mo!?" naluluhang sabi ko, napapahiya ako sa mga sinasabi n'ya!

"What's your problem people at the back?" tanong ni Maam, pinahiran ko ang luha ko, "Pass your papers forward." dagdag ni maam, pinasa na namin ang papel, wala parin akong imik, naglabasan na lahat para magsnacks, pati si Maam lumabas na,

"You want to eat? come on." anyaya ni Nash tsaka ako hinawakan sa braso,

"She will stay here, we need to talk." bigla ring sabi ni Harold, ano bang problema ng dalawang to!?

"Ano ka, boss? tara na Ella." nakangising sabi ni Nash,

"Get your hands off her or you will be kicked out from my family's school, Nash." tiim bagang na banta ni Harold,

"Fuck that threath, I can build my own school bigger than this." laban ni Nash, napapikit ako tsaka sila tiningnan,

"Titigil ba kayo o hindi!?" inis na tanong ko, "Sige na, susunod nalang ako Nash." sambit ko kay Nash, halatang napahiya sya pero hindi ko na pinansin, "

"Make her cry again or else I'll kill you." banta ni Nash, pagkaalis ni Nash ay hindi na ulit ako umimik,

"H-Hey." pagkuha ni Harold sa atensyon ko, "Sorry." sambit n'ya,

"Sorry saan? dun sa sinabi mong nagcheat ako? Ano bang ibig sabihin mo don? Cheating sa exam o binabalik mo na naman yung nakaraan?" hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo,

"I'm sorry for being mean." paghingi n'ya ng tawad,

"You mean it?"

"Hindi ko naiwasang magsabi ng totoo."

"Nag cheat ba ko sayo noon?" I asked seriously, napalunok s'ya,

"Yun ang sabi nila nung wala ako--"

"Yun! dumepende ka sa sinasabi ng iba!? tangina! you went abroad before because you need to study there for years, sa dalawang taon na yon I never cheated on you! Ikaw tong biglang hindi nagparamdam!"

"Dahil ganon ang sinasabi nila! Even my family are saying na may iba ka na? You're always with someone, hatid sundo ka sa school, kahit saan kasama mo! You even learned how to wear make ups!--"

"It's Nash!" pagputol ko sa sinabi n'ya, "It's Nash who's always with me nung mga panahong nilalabanan ko yung sakit ko!!" hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw,

"W-What do you mean?" tanong n'ya,

"I have lukemia! a fucking lukemia, Harold... I'm wearing bonnet because my hair is just a wig! I'm wearing make ups 'cause I'm pale! At hindi mo alam yon kase hindi mo pinakinggan yung side ko!!" sobrang sikip sa dibdib ng sakit,

"N-No.."

"Basta-basta kang hindi nagparamdam dahil lang sa nalaman mong walang katotohanan!! Fuck you for hurting me Harold! Dapat ikaw yung nasa tabi ko eh... dapat ikaw yun... pero wala... hindi mo ko pinakinggan..."

"S-Sorry baby..."

"It's now too late." I said, natigilan s'ya,

"W-What do you mean?"

"I'm engaged." tugon ko, agad s'yang napatingin sa singsing na nasa daliri ko ko, "Narealize ko, bakit ko pa pagaaksayahan ng panahon yung taong piniling kalimutan ako kung nasa tabi ko naman yung tao na alam kong hindi ako iiwan kahit anong mangyari..." wala sa sarili akong napangiti, "I have realized... Once a man left you without even doing a single thing para maayos yung relasyon n'yo means he doesn't care for you anymore..." muli akong naluha, "And having Nash is a blessing, you left me hanging, and Nash? he lift me up, dahil sa kanya lumalaban ako, because of him nangarap ulit ako..." dagdag ko, pansin ko ang pagtulo ng luha n'ya,

"I'm... I'm so s-sorry..."

"Halos araw-araw, oras-oras kasama ko s'ya, hindi n'ya ako iniwan, at yun ang pinangarap ko..." tumingin ako ng diretso sa mga mata n'ya, "If you think na nagcheat ako sayo, then you're wrong, kase ako mismo yung nakasagot sa mga tanong ko... Tinanong ko yung sarili ko kung mahal mo ba talaga ako? at ako mismo ang nakasagot no'n, dahil kung mahal mo ko, hindi ka maniniwala sa sinasabi ng ibang tao hangga't hindi mo napapatunayang totoo." I said,

"Pero sabay tayong nagarap noon diba? I said I'll marry you, diba?" umaasang tanong n'ya,

"Lahat naman ng pinagarap natin, matutupad. Tutuparin ni Nash yung pangarap ko, tutuparin mo yung pangarap mo sa tamang tao. Sadyang nagkamali lang talaga tayo ng kasamang mangarap."

---------------------

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon