"PAG AMIN"

1.6K 66 7
                                        

"PAG-AMIN"




Nasa room ako nung nakita ko si Drake, sya yung nagkaka-crush sakin, after nya kasing umamin noon, nahiya na s'yang lumapit sakin. Sinundan ko sya ng tingin, Naupo sya sa dalawang upuan ang pagitan namin. Nakatulala sya sa blackboard then pasimple akong sumisilip sa kanya.

I've noticed his innocent appeal, ang cute nya, naalala ko yung mga ginagawa nya sa 'kin, panlilibre nya, yung mga tulong nya sa assignments ko, pinapatawa ako, kahit di ko hilingin lahat ng 'yan eh kusa nyang ginagawa. Nag first move ako, I asked him kung bakit di na sya namamansin, nagulat nalang ako dahil hindi nya ko pinapansin.

Tumingin sya sa 'kin nung tanongin ko sya, tumitig muna s'ya ng ilang segundo bago nagsalita,

"Alam ko namang sa oras na umamin ako ay iiwas ka, maiilang ka, alam kong hindi mo 'ko magugustuhan, natatakot ako na iwasan mo 'ko Feih kaya ako na ang umiwas, maiintindihan kita kung ganoon nga ang nararamdaman mo. " pagkatapos nya 'yong sabihin ay tumingin ulit s'ya sa kawalan.

He smile at me, nakatulala parin ako sa kaya.

"Pero bakit kailangan mong umiwas? Drake hindi mo naman kailangang lumayo, ok lang naman sakin, friends parin naman tayo hindi magbabago 'yon." pangungumbinsi ko sa kanya habang pilit ang ngiti ko.

Natigilan ako ng humarap s'ya sa akin habang nangingilid ang luha sa mga mata n'ya.

"Ayon na nga yung rason kung bakit ako lumayo, umiwas ako kase alam kong hanggang kaibigan lang Feih, alam kong hindi magbabago 'yon. Kapag lumalapit ako sa 'yo ay mas sasaktan ko lang ang sarili ko, ayoko ng gumawa ng kahit anong ikasasakit ng damdamin ko."

hindi nya pa natatapos 'yon ay napapikit ako at yumuko.

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang mga sinabi nya, hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman n'ya. Bumuntong-hininga ako, hindi ako dumilat dahil ramdam ko ang pagtayo at yabag ng mga paa nya papalayo sa 'kin. Pinakiramdaman ko lang ang paligid, gusto kong ilabas ang nararamdaman ko ngayong mag-isa nalang ako.

"Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto Drake, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, lingid sa kaalaman ko na nasasaktan ka pala, balak kong sabihin sa 'yo the day after mong umamin, pero bigla kang umiwas sakin, akala ko inamin mo yun dahil may nakita ka ng iba, ilang linggo na pala kitang sinasaktan, I'm sorry Drake, I'm sorry, Mahal na mahal kita."

hindi ko naiwasan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko, iminulat ko ang mga mata ko at akmang titingin ulit sa upuan nya pero...

"Mahal na mahal rin kita." si Drake habang nangingilid ang luha at nakangiti habang pinagmamasadan ako.

ang short 'no?

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon