"FERRIS WHEEL"
"Love ayaw kong sumakay d'yan!" pagmamakaawa ko habang hinihila s'ya paalis sa pila,
"Come on, Love. Kasama mo naman ako eh." natatawang aniya habang nagpapacute pa,
"Oo na gwapo ka pero ayaw ko paring sumakay d'yan!" asik ko habang pilit parin s'yang inaalis sa pila,
"Sayang naman yung ticket natin kung hindi natin susulitin." aniya, nanginginig na ang kalamnan ko wala pa man,
"Alam mo naman kung bakit ayaw kong sumakay d'yan maliban sa may fear of heights ako diba?" nagpapaawang sambit ko, nginitian n'ya naman ako,
Huling beses na sumakay ako dito ay kasama ko ang daddy ko. Kahit na sobrang takot ako noon ay pinilit n'ya ako, hanggang sa tagumpay n'ya akong naisakay do'n kahit pa umiiyak ako sa takot noon.
But dad left me after that. May ibang pamilya s'ya kaya n'ya kami iniwan. At simula no'n nangako ako na hindi na ako sasakay sa ferris wheel. Ayaw ko ng sumakay kasama ng taong mahalaga sa akin dahil natatakot akong mangyari ulit 'yon, natatakot akong maiwan ulit.
"Love, i will never leave you, okay? itaga mo pa sa adobe." pagbibiro n'ya, mahigpit akong napahawak sa kamay n'ya,
"This way, Maam and Sir." anang crew, halos hindi ko gustohing ihakbang ang mga paa ko papasok doon,
"Love.." nagbabaka-sakaling makumbinsi ko s'yang hindi na sumakay,
"Trust me, hmm?" aniya, wala na akong nagawa kundi maupo,
Ilang segundo pa ay ramdam ko na ang pagikot nito. Unti-unti na kaming iniaangat sa tuktok. Nanatili naman akong nakapikit.
"Love, open your eyes." aniya, mas diniinan ko pa ang pagkaka-pikit ko, "Love dali na, ang ganda ng view oh."
"Tigil-tigilan mo ko Wilmer baka ilaglag kita d'yan!" banta ko, mas lalo s'yang natawa,
"I'm serious, love. Open your eyes." muling sambit n'ya,
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hanggang sa nasaksihan ko ang ganda ng tanawin. Ang mala pastel colors na sunset, sobrang ganda.
"Natatakot talaga ako." sambit ko tsaka muling pumikit,
"Just don't look down, straight lang ng tingin." aniya, muli kong iminulat ang mga mata ko,
"Wow.." anas ko, ang ganda talaga, ngayon ko nalang ulit nakita ang ganito kagandang itsura ng langit mula sa taas,
"Look at me, love." ani Wilmer, tiningnan ko naman s'ya, "When the time comes that I need to leave you, please forgive me." bigla ay namuo ang luha sa mga mata ko,
"L-Love..." naiusal ko nalang,
"I love you, okay? I really do... I want you to be brave, love." dagdag n'ya, hindi ko na mapigilang umiyak,
"Please fight, for me... Please don't leave me..." mas lalong bumugso ang mga luha ko,
"Myrean, I only have 3 months to fight. We still have 3 months to make memories together, let's be thankful for that three months." aniya tsaka pinunsan ang luha ko,
"It's just leukemia, love lalaban ka, kaya mo 'yan... kayanin natin.." nagsusumamong sabi ko,
"It's leukemia who can kill me, let's accept the truth, I can't grow old with you. I can't watch you walking down the aisle, I can't have kids with you, I'm sorry." saad n'ya kasabay ng pagtulo rin ng luha n'ya,
"I love you.." sambit ko habang pinupunasan ang mga luha n'ya,
"I love you so much, Myrean." aniya tsaka hinalikan ang noo ko, "I want you to promise me one thing." dagdag n'ya,
"Ano 'yon?"
"Gusto kong dalhin mo rin dito yung susunod na lalaking magpapatibok ng puso mo." aniya habang nakangiti, "The next man that you'll bring here will not leave you anymore, isinusumpa ko."
"I will never love another man again." mariing sambit ko,
Hindi na s'ya nagsalita tsaka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko kakayaning magmahal ng ibang lalaki bukod sa kan'ya. He's my first and last.
-----------------------------
"Why you bring me here?" tanong ng napaka gwapong lalaking katabi ko sa pila,
"Alam mo ba, may isang lalaking sumumpa sa akin noon, the next man that I'll bring here, will never leave me." sambit ko tsaka ngumiti, naroon na naman ang nagsusungit n'yang mukha,
Ilang minuto pa ay nakasakay na kami. Nakangiti lang akong nakatitig sa nakasimangot n'yang mukha.
"You're not afraid of heights, do you?" tanong ko, agad s'yang umiling,
"Mana ka talaga sa tatay mo." sambit ko tsaka tumingin sa langit ng makarating na kami sa tuktok,
"Mom, i wanna try another ride, kailan ba hihinto 'to?" nagsusungit na naman s'ya,
"Anak naman, kakaangat pa nga lang natin pahihintuin mo na agad?" natatawang sambit ko, napangisi nalang rin s'ya, "Promise me, you'll never leave mommy." seryosong sambit ko,
"I promise, okay? I will never leave you." aniya kaya agad akong napangiti,
"Susss, you're just 17 but you're already dating someone, baka at the age of 20 magpakasal ka na at iwan mo na ako." kunwaring nagtatampong sambit ko,
"Wala akong dine-date, Mom." angal n'ya, binigyan ko nalang s'ya ng nangaasar na tingin,
"Your dad may not be with us but I know he's happy to see me again here, with you." tiningnan ko ang anak ko,
"I hope I can see him, hug him, have a boy to boy talk with him like others. I wish he can teach me how to swim, how to drive, how to fix things." napansin ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko,
"He loves you, and that's what matter the most." sambit ko tsaka ko s'ya niyakap.
I gave birth to Calyx the day Wilmer died.

YOU ARE READING
SHORT STORIES COMPILATION
RandomQ U A N T I A R A since 2016-2020 stories. all of the stories have it's own photo covers, enjoy.