"KUMBENTO"

527 33 6
                                        

KUMBENTO
by: Itsquantiara

"At pagkatapos no'n, hindi na daw nagpakita yung madre." pagtatapos ng kwento ni Farrah,

Nasa kan'ya-kan'yang higaan kami ngayon habang naka-upo sa sahig. Nasa isang retreat house kami dito sa Laguna. Bawat kwarto ng retreat house na ito ay naglalaman ng limang girl scouts, may kalumaan narin ang bahay na 'to.

"Oh? eh bakit daw ba may namamatay kapag nagpapakita yung madre na multo?" tanong ng isa sa mga kasama namin,

"Kase nga, may sumpa yung madre na 'yon. Kapag nakita mo s'ya sa paligid mo, may mamamatay." dagdag n'ya, agad na nagtalukbong sa takot ang mga kasama ko, liliit ng utak,

"Talaga? may nakikita ba kayong madre ngayon?" tanong ng isa pa, napairap nalang ako,

"Meron akong nakita kanina, kaya magsi-tulog na kayo." pananakot ko, lahat ay aligagang napaayos ng higa tsaka nag sign of the cross,

Napahiga nalang rin ako tsaka napatitig sa kisame. Inaantok ako na parang hindi. Wala sa sarili akong napabangon at umupo. Nakita ko ring bumangon si Farrah.

"Refiah? pwede ka bang bumaba para kumuha ng pagkain sa snack box?" tanong ni Farrah,

"Hindi ko kabisado itong bahay." sambit ko, inalabas n'ya ang phone n'ya,

"Tatawagan nalang kita, magtanong ka lang sa akin kung saan ka dadaan, hindi ko papatayin ang tawag hanggang sa maka-balik ka." saad n'ya, hindi na ako nakatanggi at inilabas nalang rin ang phone ko,

"Sige." tugon ko tsaka tumayo,

Tumawag na si Farrah hindi pa man ako nakakalabas kaya agad ko iyong sinagot. Tiningnan ko muna s'ya, tumango ako at tsaka lumabas.

May kadiliman ang bahay na ito. Nasa ikalawang palapag kami ngayon dahil nasa ikalawang palapag ang mga kwarto. Naglakad na ako pababa ng hagdan. Maraming paintings ang makikitang naka display sa malalaking espasyo ng pader ng bahay.

"Hello Farrah? saan ako didiretso? sa kaliwa o kanan?" tanong ko ng makababa sa hagdan,

"Sa kaliwa, Fiah." tugon n'ya,

Agad na akong naglakad papunta sa kaliwang bahagi ng mansyon ng makarinig ako ng yabag ng mga paa sa likuran ko. Agad ko iyong nilingon ngunit wala akong nakitang naglalakad. Nangunot nalang ang noo ko tsaka muling tumingin sa dinadaanan ng marating ko ang isang kumbento.

"Kumbento ang nandito Farrah, walang snack box." sambit ko,

Walang sumagot mula sa kabilang linya. Tiningnan ko ang phone para malaman kung call ended na ngunit naroon parin naman ang tawag.

"Hello Farrah?" muling pag-tawag ko,

"Refiah, bumalik ka na dito." utos n'ya, tumaas ang isang kilay ko,

Pinababa n'ya ako dito tapos pababalikin n'ya rin agad ako? hahanapin ko muna ang snack box para may kwenta naman ang pagpapagod kong bumaba dito.

"Refiah? bumalik ka na dito!" bigla s'yang sumigaw,

"Ano? may nangyayari ba d'yan?"

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon