"PARECHONG"

690 45 0
                                        

"PARECHONG"




"Parechong! sabay na tayong kumain." habol sa akin ng boybest ko,

"Nanaman? mawawalan na naman ako ng ganang kumain, tangina." singhal ko,

"Grabe to, eh mukhang ganang-gana ka nga pag kasama mo ko eh." pang-aasar n'ya, ngumiwi nalang ako, "Parechong, bumagsak ka daw sa exam n'yo ah?" aniya habang sinisiko pa ako,

"Tss nagreview ako magdamag para do'n, hindi ko alam kung bakit ako bumagsak."

"Eh si Aena? anong score n'ya? nahihiya kase akong magtanong." napapakamot na aniya, bigla akong natawa,

"Para kang gago, ang kapal ng mukha mo sakin tapos pagdating kay Aena tiklop ka!? eh pareho lang naman kaming babae." tatawa-tawang sambit ko,

"Eh kase si Aena, crush ko, tsaka maganda! eh ikaw..." may tono ng pangaasar na sagot n'ya,

"Oh ano? ano ako?"

"Ikaw..."

"Ano? ituloy mo para sapakan agad!"

"Hahaha mabait ka parechong, tsaka matalino! the best pa!" pagpuri nya habang akbay ako na ikinasimangot ko, sabagay hindi naman talaga ako maganda, tss.

"Kayong mga lalaki, ang hilig nyo sa magaganda, pano kaming mga panget?"

"Wala namang panget sa mundo Klea, di ko nga alam kung bakit ka nandito sa mundo." pangaasar na naman n'ya, agad ko s'yang inambaan ng sapak,

"Nakaka-ilan ka na ah!"

"Joke lang parechong eto naman!"

"Tara na nga para kang tanga." inis na sambit ko tsaka naunang naglakad nang biglang may yumakap sa bewang ko,

"Hoy ano ba!" suway ko,

"Kaya pala ang sungit mo, meron ka, hindi ka ba nag napkin?" bulong n'ya, pakiramdam ko ay namula ako sa sobrang kahihiyan,

"S-Seryoso?" tanong ko, natatawa s'yang tumango, "H-Hindi ko alam na maaga akong magkakaroon, badtrip!"

"Hahatid kita sa C.R tapos hintayin mo ako do'n, bibilhan kita ng napkin." aniya,

"Sige tara bilis." sambit ko tsaka naglakad ulit habang nasa likod ko parin si Jake,

"Ayiieee ang sweet." pangaasar ng mga barkada ni Jake, inambaan ko sila ng sipa,

"Alis nga!" inis na utos ko,

"Pasensya na mga pre, mainit ulo ng asawa ko." paghingi ng pasensya ni Jake sa mga kaibigan n'ya,

Sanay na kaming nagaasaran ng ganito. Tinatawag n'ya akong asawa kapag malakas ang trip n'ya, tinatawag ko rin s'yang mister kapag ako naman ang tinopak.

"Dito ka muna, mabilis lang ako." aniya tsaka tumakbo palabas ng maihatid n'ya ako sa C.R,

Sumandal ako sa pinto ng isang cubicle at tumitig sa salamin, hindi talaga ako mukhang babae, mas mukha pa ata akong lalaki kesa kay Jake eh.

"Oh Klea, magisa ka lang ata? nasaan ang boybest mo?" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Aena, papasok s'ya ng C.R,

"Hindi s'ya pwedeng pumasok dito." tugon ko,

"Ahh so hinihintay ka n'ya sa labas?" tanong n'ya,

"Nakita mo ba s'ya sa labas?" tanong ko,

"Hindi eh."

"Syempre bumili s'ya ng napkin eh." nasusura kong tugon, naiinis ako sa arte ng boses n'ya,

"Really? omg ang sweet talaga ni Jake, sabi ko na nga ba alam n'ya lahat ng galaw ko, pati araw ng menstruation ko alam n'ya." kinikilig na aniya, sarap iuntog.

"Sweet no? ba't di mo pa ligawan?" pinilit kong hindi magtunog sarkastiko,

"Lalaki dapat ang nanliligaw no." maarteng tugon n'ya,

"Eto na--" agad na sumulpot sa pinto si Jake na agad ring natigilan habang inilalahad ang napkin,

"Thankyou Jake, you're so sweet." maarteng pasasalamat ni Aena at akmang aabutin ang napkin ng bigla itong iiwas ni Jake,

"This is for Klea, not for you." nagulat ako sa paraan ng pagsagot n'ya, akala ko ba crush n'ya 'yan,

"H-Huh? I thought that is for me." nagtatakang tanong ni Aena,

"Why do you think so?" tugon n'ya

"Kase crush mo ko? kase mas maganda ako kesa kay Klea?" pangiinsulto ni Aena, eh kung ibigti ko to dito?

"Here asawa ko, magpalit ka na." utos ni Jake sa akin, nagtataka parin ako sa ikinikilos n'ya,

"S-Sige." naitugon ko nalang,

"Kailangan mo ng napkin?" nakangiting tanong n'ya kay Aena, abnormal to.

"Yes please." malanding tugon naman nito, Agad na lumabas ng C.R si Jake,

"Psst hoy kayo d'yan." tawag n'ya sa kung sinong nasa labas, agad namang lumapit ang dalawang lalaki "Etong crush n'yong si Aena, kailangan ng napkin, bilhan n'yo." utos n'ya, tahimik akong nagpigil ng tawa,

"Never mind." pataray na sambit ni Aena tsaka lumabas ng C.R, agad namang sumunod ang dalawang lalaki,

"Gago ka talaga eh no? akala ko ba crush mo yon?" natatawang tanong ko,

"She's the reason why you failed the exam, pinagpalit n'ya yung papers n'yo." nagpagting ang tenga ko,

"Gago yun ah?" inis na anas ko,

"And over everyone here, ikaw ang uunahin ko, ganon kita kamahal." taas noong aniya,

"Suss baka naiinlove ka na sakin n'yan ah!" pangaasar ko,

"Inlove naman talaga ako sayo, as a bestfriend, i love you so much Klea." inilapit n'ya pa ang mukha sa akin,

"Kadiri ka ulol." sambit ko, agad naman s'yang natawa, "Alam mo in the near future, hindi na ako magtataka kung maikasal ako tapos  masabihan kita ng I do." sambit ko,

"Iniimagine mong ako yung groom mo?" nanunuksong tanong n'ya,

"Iniimagine kong ikaw yung pari." sambit ko agad naman n'yang ginulo ang buhok ko,

"Magpalit ka na nga, nangangamoy ka na."

"Tangina mo."

"I love you asawa ko."

"Pakyu."

"Later."

-------------

SHORT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now