"THAT SHOULD BE ME"

991 43 3
                                        

"THAT SHOULD BE ME"





"Baby huwag ka ng magalit please?" pakiusap n'ya habang naka pout pa sa harapan ko, I'm so inlove with this man, paano ko s'ya matitiis?

"Who's that girl?"

Tanong ko, naupo s'ya sa upoan na malapit sa amin tsaka n'ya ako iniupo sa hita n'ya,

"She's Vannesa, my childhood friend, we're just friends, baby please don't be mad."

Paliwanag n'ya, kunwari parin akong nakasimangot,

"Bakit mo s'ya niyakap?"

"Kase she gave me a gift, sorry if that makes you jealous, hindi na po mauulit."

Aniya habang itinataas ang kanang kamay, nanunumpa,

"May tiwala naman ako sa'yo, hindi ko lang maiwasang magselos."

Sambit ko, he smiled then hold my hands,

"I promise to marry you kapag nasa tamang edad na tayo, then you'll be with me kahit saan man ako magpunta, oras-oras kitang yayakapin, hindi ko bibitawan yung kamay mo. I will be the best husband for you."

Nakangiting pangako n'ya, hindi ko maiwasang kiligin, sobrang gwapo n'ya,

"Totoo ba 'yan?"

"Yes baby, ikaw yung naiimagine ko na kasama ko sa altar, our parents are close to each other, remember the first day na nagkita tayo? it's my auntie's wedding day, papasok ka sa simbahan no'n dahil isa ka sa mga bride's maids, since that time hindi na kita makalimutan, iniimagine ko pa nga na tayong dalawa ang ikinakasal that time."

Natatawang kwento n'ya, pakiramdam ko ay namumula na ako sa kilig, ngayon n'ya lang ikinwento to sa loob ng 3 years relationship namin, we're both 20 year's old now.

"What if iba pala yung pinakasalan mo balang araw?"

I asked seriously, agad rin s'yang sumeryoso,

"I can't imagine myself marrying another girl, ayaw kong maikasal kung hindi ikaw ang papakasalan ko."

He said, agad akong napangiti. He's so loyal, kaya sobrang mahal na mahal ko ang lalaking 'to. Simula noon palang ay hindi na s'ya gumawa ng kahit na anong ikasasakit ng damdamin ko, ako lang talaga tong nagiisip ng kung ano-anong ikaseselos ko. This man, he's my everything.

--------------------------------------------

"Now I announced you as husband and wife, you may now kiss your lovely bride."

Pagtatapos ng pari, tahimik akong napangiti, pinagmamasdan ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko, batid kong hindi mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman n'ya ngayon,

"Congratulations!"

Bati ng lahat, nakangiti n'yang hinarap ang mga dumalo tsaka yumuko at nagpasalamat, kinuha n'ya ang kamay ng kabiyak tsaka inalalayan pababa ng hagdan.

Agad na nanumbalik ang saya at mga pangako n'ya noon. Masaya akong tinupad n'ya ang mga pangako n'ya, masaya ako na ngayon ay ikinasal s'ya sa babaeng pinakamamahal n'ya. Matamis akong ngumiti ng dumaan sila sa harapan ko.

"Congratulations."

Sambit ko, ngumiti sa akin ang lalaking hanggang ngayon ay laman parin ng puso ko.

"Salamat Reign, invite mo rin ako sa kasal mo soon."

Natatawang aniya, natawa nalang rin. Nasasaktan, nadudurog, nanghihinayang. Nangako kang parati mo akong yayakapin, pero mukhang hindi mo na magagawa. Nangako kang hindi mo bibitawan sa pagkakakapit ang mga kamay natin, ngunit malabo mo naring magawa iyon.

"Sure." nakangiting sambit ko,

"Asahan ko 'yan ah?" aniya,

Lumabas na sila ng simbahan, sumunod sa kanila ang mga bisita, naiwan akong nakatayo habang nasa kanila ang mga mata.

Panatag na ako sa mga ngiti mong walang katumbas. Masaya na akong nakita mo na ang babaeng magmamahal sayo habang buhay.

"Ang ganda nilang pagmasdan 'no? Sobrang mahal talaga ni Ralph si Vannesa." dinig kong sambit ng mga dumalo sa kasal,

Masaya akong tinupad mo ang mga pangako mo, hindi man sa akin pero alam kong tinupad mo iyon sa taong nakalaan para sayo.

I smiled weakly, that should be me.

SHORT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now