"PROJECT"
I have a 2 years boyfriend. Sobrang perfect and Ideal n'ya para sa akin. Simula ng maging kami, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako maghahanap pa ng iba.
"Hi babe!"
"Hello babe!"
Salubong namin sa isa't-isa ng magkita kami sa cafeteria ng campus. Kasama ko ang bestfriend kong si Jaina kaya ipinakilala ko sya kay Roui.
"Babe, s'ya nga pala si Jaina, child hood friend ko."
Nakangiting pakilala ko kay Jaina, agad naman silang nagkamay. Naupo kami sa isang table, kasama rin ni Roui ang bestfriend n'yang si Wix, medyo may ilang akong nararamdaman dahil alam kong may gusto sa akin si Wix.
"S'ya nga pala babe, may project kaming gagawin mamaya sa bahay, gusto mong sumama?"
Tanong ni Roui, malungkot akong umiling, marami rin akong gagawin kaya hindi ako makakasama sa kanila.
"Sorry babe, hindi eh, ano bang project n'yo?"
Tanong ko, nginuya muna n'ya ang kinakain bago sumagot.
"Sasagutan namin yung 50 pages na math quiz babe, ang hirap kase eh."
Napakamot s'ya sa ulo, natawa nalang ako sa ka-cute-an n'ya. Bigla kong naalala na tapos na kami sa quiz na 'yon. Alam 'yon ni Jaina kaya baka makatulong s'ya.
"Ayos lang ba kung si Jaina nalang? hindi talaga kase ako pwede babe eh."
Malungkot na sambit ko, bigla ring lumungkot ang mukha ni Roui, gustohin ko man s'yang tulongan ngunit hindi talaga pwede.
"Magtatampo na ako n'yan babe, palagi ka nalang busy."
Aniya, napahawak nalang ako sa kamay n'ya. Nginitian ko sya kaya napangiti rin sya, tsaka ko tiningnan si Jaina.
"Jai, ikaw na ang bahala sa utak nito mamaya ha? Pagtiisan mo nalang."
Natatawang habilin ko, natawa rin naman si Jaina at tsaka tumango, may pagka loka-loka rin ang babaeng 'to kaya matuturoan n'ya siguro ng maayos 'tong si Roui.
"Sige Crianna, ako ng bahala."
Tugon ni Jaina, nginitian ko sya at tsaka kami nagpatuloy sa pagkain.
Ilang oras pa ang lumipas ay naguwian na. Hinatid muna ako ni Roui sa bahay, bumaba ako mula sa kotse n'ya at tsaka s'ya tinanaw.
"Mauna na ako, tapusin mo na 'yang project mo ok?"
"Hindi ka ba talaga sasama sakin babe?"
"Hindi talaga eh, sorry, sige na."
"Sige bye babe."
"Sige bye, ingat."
Hinintay ko pa muna s'yang makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay. Sana ay matulongan s'ya ng maayos ni Jai, balak ko sanang surpresahin si Roui sa anniversary namin next week, sana hindi na s'ya busy no'n.
*****
2 days later.
*****
Tinawagan ko si Roui dahil hindi pa s'ya dumadating dito sa bahay. Nakasanayan na namin ang ihatid sundo n'ya ako. At ngayon lang s'ya nahuli sa usapan, siguro ay napuyat dahil ikalawang gabi n'ya ng ginawa ang project n'ya, si Jai parin ang tumutulong sa kan'ya dahil marami parin akong ginagawa.
"Hello babe?"
Tawag ko sa kabilang linya.
"Hello?"

YOU ARE READING
SHORT STORIES COMPILATION
RandomQ U A N T I A R A since 2016-2020 stories. all of the stories have it's own photo covers, enjoy.