"CONFESSION BOOTH"

1K 64 6
                                        

CONFESSION BOOTH
by: Itsquantiara

"Another day, another roses."

Abot sa akin ng batang lalaki, nand'yan na naman ang mga misteryosong rosas. Halos araw-araw ay nakakatanggap ako nito galing sa iba't-ibang estudyante, pero iisa lang raw ang nagpapabigay no'n. Nasanay na ako kaya kinukuha ko nalang rin, sayang naman ang effort ng taong nagbibigay sa akin nito, pero sorry s'ya, may gusto akong iba eh.

Seryoso lang akong nakaupo sa bench habang naka poker-face at masama ang tingin sa iba't-ibang booth na nakikita ko. Bakit pa nauso ang mga booth sa foundation day kung wala naman akong masasalihan, Tss!

"Leanna! Leanna! Leanna! May bagong booth don oh, confession booth daw!"

Nariyan na naman ang ngawngaw ng kaibigan kong si Rhaine, walang hiyang ulan to.

"Nakakain ba 'yon?"

Walang ganang tanong ko, sininghalan n'ya lang ako at tsaka ako pinuwersang itayo.

"Napaka KJ mo! Magcoconfess lang eh! Tara na! Meron ding makikinig sa confession mo kaya hindi ka magmumukhag tanga habang nagcoconfess!"

Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa ulan na to, mataba rin kase kaya walang laban ang ka-sexy-han ko. Inabot sa akin ni Rhaine ang isang ticket, halatang pinaghandaan talaga ng babaitang 'to.

Narating namin ang room ng confession booth. Agad kaming pumasok ni Rhaine at tsaka naupo sa sofa habang hinihintay na kami ang sumunod.

Nauna si Rhaine sa akin, agad s'yang pumasok. Matagal sa loob si Rhaine, akala mo ay nagbigay ng mahabang talumpati sa loob, daig pa siguro ang tumula ng sampong pyesa. Ng makalabas ay kinikilig s'yang humugot ng hininga.

"Ikaw na bilis!"

Agad n'ya akong hinila at itinulak sa maliit na tent sa loob ng room. Ng makaupo ako sa sofa ay nasa harap pala ako ng isang malaking tela, may anino sa loob no'n, hindi ko mawari kung babae o lalaki ang nakaupong anino, agad nalang akong humugot ng hininga ng biglang magflash sa screen ang salitang YOU MAY NOW CONFESS EVERYTHING.

"A-Ahmm, kung sino ka man na nand'yan, wag kang maingay sa icoconfess ko ha?"

Panunulsol ko pa sa anino, agad naman s'yang tumango kaya ngumiti ako, gagaan siguro ang loob ko kapag nasabi ko ang gusto kong sabihin.

"Alam mo bang may crush ako dito sa school? Hays  kaso hindi n'ya ako gusto, halata naman eh. May girlfriend na nga yata 'yon, yung babaeng palagi n'yang kasama sa cafeteria, akala mo naman may forever, magbebreak din naman! Tss!"

Napasinghal ako at tsaka inis na tiningnan ang anino, sa kan'ya ko ibinuhos lahat ng gusto kong sabihin, bahala na kahit na nakakahiya.

"Kilala mo ba si Sean Razi Santos? Ha?"

Hindi sumagot ang anino, mukhang teacher yata ito, pero bahala na, wala na akong pakealam basta ang gusto kong gawin ay ilabas ang inis ko.

"Iyong lalaki na 'yon, akala mo kung sinong gwapo, oo gwapo nga pero hindi parin s'ya gwapo, I mean gwapong gwapo pero hindi gwapo na ano... Oo na sige na! Gwapo s'ya! Sobrang gwapo! Nakakainis, alam ko namang hindi n'ya ako magugustohan pero napakamanhid n'ya, hindi man lang n'ya naramdaman na gusto ko s'ya, ano? Sobrang panget ko na ba? Hahaha oo nga naman ang panget ko!"

Kunwari pang natatawang saad ko, humugot ako ng malalim na hininga at tsaka sumandal sa upoan.

"Alam mo? Kapag sinabi n'yang gusto n'ya rin ako, hindi ko na s'ya hahayaang manligaw, kami na agad! Dun rin naman ang bagsak eh hahaha."

May lungkot parin na namumutawi sa akin, alam kong imposible iyon. Halata namang imposible.

"Sabihin mo nga, sa tingin mo magugustohan n'ya ako? Posible kaya?"

Tanong ko habang diretsong nakatingin sa sahig, alam kong hindi sasagot ang anino na 'to. Mas mabuti pa siguro kung lalabas nalang ako. May nakikinig nga, pero mukha parin akong tanga. Tumayo na ako at tsaka tumalikod.

"Iyong babaeng kasama palagi ni Razi sa Cafeteria, kapatid n'ya 'yon. At hindi s'ya manhid, bakit hindi mo nalang kase diretsong sabihin sa kan'ya 'yan? para malaman mo ang sagot."

Hindi ko naituloy ang paglalakad ko ng magsalita ang anino. Iba ang boses n'ya, halatang ginamitan ng effects, pinalaki ang boses at pinalalim, hindi ko tuloy malaman kung sino ba 'tong kausap ko, bakit alam n'ya ang tungkol kay Razi??

Hindi na ako sumagot at agad na lumabas. Agad akong nagpunta sa mga nagaasikaso sa booth at kumukuha ng ticket, nilapitan ko ang isang babae doon.

"Excuse me? Sino 'yong anino sa loob ng confession booth?"

Tanong ko sa babae, agad naman n'ya akong nilingon at nginitian.

"Ah, s'ya ang nakaisip nitong booth, s'ya ang leader namin sa pagkakatanda ko, hindi ko kilala ang pangalan dahil transferee lang ako dito, pero nakapaskil sa pinto nitong room ang pangalan ng leader namin."

Tumango ako para magpasalamat at tsaka lumabas papunta sa pinto. Ng tingnan ko ang nakapaskil na mga pangalan ay hinanap ko ang leader ng confession booth. At halos malaglag ang panga ko sa nalaman, ang tanging gusto kong mangyari ngayon ay lamunin ako ng lupa. Hayop na 'yan, kahihiyan na namaaaaaan!

Leader: Sean Razi Santos.

"Masyado ka kaseng nag o-overthink, binibigyan mo ng sariling kahulugan lahat, hindi mo nalang ako diniretso."

Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Razi na seryosong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay mas mapula pa ako sa kamatis. Para akong nagyelo at nanigas sa sobrang kahihiyan.

"Hindi ako manhid dahil ramdam kong palagi mo akong sinusundan, lahat ng letters sa locker ko, alam kong galing sa'yo yun, at lahat ng rosas na natatanggap mo araw-araw, galing sa akin 'yon."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Gulat at kilig ang naramdaman ko. Hindi rin ako makapaniwala na sa kan'ya galing ang lahat ng iyon. No lupa wag mo muna akong lamunin! Mukhang nagsisimula na ang love story ko!

"At tungkol dun sa tanong mo kung gusto ba kita ang sagot do'n ay..."

Kinabahan ako sa maaari n'yang isagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kan'ya. Hindi ko magawang gumalaw. Nilalamon parin ako ng kahihiyan!

"Hindi kita gusto Leanna."

Aray ko beh, parang gusto kong magwalling ngayon. Para akong binaril sa mismong gitna ng dibdib. Totoo ba?? Eh para saan yung rosas? Gusto kong maluha pero nakakahiya kaya pinigilan ko, nagulat pa ako ng mas ilapit n'ya ang mukha sa akin.

"Hindi kita gusto, dahil mahal kita Leanna."

Nabuhayan ako ng loob! EHHH ENEBEEEEEE! Gusto kong tumalon sa tuwa sa kilig at sa saya ngunit pinigilan ko ang sarili ko, baka mapasayaw ako ng les kil dis lab dito mahirap na.

"At kagaya ng sinabi mo kanina, sa oras na malaman mong gusto rin kita ay tayo na agad, so mark this date baby, dahil simula ngayong araw, iyo na ako, at akin ka na."

POTANG--!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHORT STORIES COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon