Prologue

547 10 0
                                    

HELLO!! BEFORE PROCEEDING! SINCE THIS IS A FANFICTION, THIS DOESN'T ALLOW ANY CHARACTERS FROM THE ARTISTS! DON'T USE THEIR NAMES AND CHARACTERS. KAPAG MAY NAKALAGAY NA R-18 WAG PONG MATIGAS ANG ULO AT WAG BASAHIN! DON'T APPLY THIS ALSO IN REAL LIFE. THAT'S ALL! ENJOY THE STORY!

Twitter:  Kay_JoshLangAko




Flashback~

''Asawa lang kita sa papel! Wag kang umasta na asawa kita kasi hindi naman kita gusto!'' halos lumusot na ang ingay sa pader.

Araw araw na halos puno ng bangayan. ''Hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa utak mo para ilagay tayo sa ganitong sitwayon.'' sabi pa niya.

Mahal ko siya. At hindi ko alam kung bakit dumating sa point na dahil sa pagmamahal na yun tuluyan akong masasaktan!

''Eliza! Hindi kita mahal okay? May kontrata tayo. Kaya itigil mo na yang kahibangan mo.'' He shut the door, na parang isa lang akong napakawalang kwentang tao sa kanya.



Kasalanan ba ang magmahal?

Kasalanan mo ba ang gusto mo lang naman makapiling ang taong alam mong mapapasaya ka kahit tinataboy ka na.

Kasalanan ba... Na pumayag ako sa kasunduan na to kasi umaasa ako na baka may pag asa pa.

.................

''Meet Mr. And Mrs Ajero. Let's give them around of applause!'' the host said.

I looked so perfect. Outside, but broken into pieces inside. I'm bleeding! Hindi ko naman kasi alam kung bakit sa dinami dami ng pwede kong isugal ay ang pagpayag sa isang kalokohan dahil sa pagmamahal. He needs my help. At bilang taong nagmamahal. I'm willing to help, He wanted to grant his grandfather's wish para sa mana na makukuha niya at kapag nakuha niya na yun. He'll let me go. I'm just one of his toys, hindi niya ako magagawang maseryoso. At hindi ko pa din alam kung bakit hindi pa rin yun tumatatak sa kokote ko. Matigas ang utak at marupok ang puso ko.

A woman approached me. ''So kailan niyo balak magka anak? Sayang naman yung kompanya niyo kung hindi din kayo magkaka anak, lalaki sana.''



I don't know how to react, I wanted a child. But for him. That's not part of marrying him. Tama siya, this is just a contractual marriage. For the will of his grandfather.





Nakakatawa lang isipin na, sa dami nang babaeng lumalandi sa kanya. Sa akin siya hinabilin ng lolo niya. Do I look innocent at all?



Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang, dinala niya lang naman ako sa mga business partners, Mga malalaki din ang kompanya na hawak nun. Kaya naman niya yun, bakit kailangan isama niya pa ako?



''What?'' nagtatakang tanong ko.



''Just shut up.''





Umiwas ako nang tingin. Hindi ko na talaga alam kung paano ilulugar ang sarili ko, How can this be love? Full of stress and dissappointments! Minahal ko lang naman ang taong hindi naman kayang ibalik sa akin yun. Fvck this contract!



''I'm tired.''



Bulong ko, pero alam ko namang narinig niya yun sadyang wala siyang pakielam. ''Excuse me, I'll go use the bathroom.'' sabi ko at ngumiti sa kanila.



Nakasalubong ko si Paulo. He was my friend. To be exact, siya ang mas nakakaintindi sa akin. ''Hello.'' he waved his hand.



I smiled, ''Nandito ka pala. Nasaan yung asawa mo.'' diniinan niya pa ang salitang asawa. ''Hindi mo kasama?''



''Hindi.'' Nasamid pa nga ako sa mga lumalabas sa bibig ko. ''Wala namang pakielam sa akin yun.''



''Gusto mo pa ba siya? Kahit ganyan siya?'' Tanong niya. ''I mean, you can just file a annulment.'' sabi pa niya.



I wanted to, But I can't just leave him like that. I can't deny the fact that he was a really big part of me. Mahal ko siya, at pinasok ko to. Nagbabakasakaling baka mahalin niya din ako.... Katulad ng pagmamahal ko sa kanya.



''You love him so bad. And yet, he still not see it.'' He smiled bitterly. ''Basta, kung kailangan mo nang sasalo sayo.. Nandito lang ako Eliza.'' sabi niya and hugged me. I feel so much appreciated everytime someone's doing this to me. Parang gumagaan ang pakiramdam ko. 




Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon