Chapter 40

203 5 0
                                    

Arya's POV

Masaya na si Y/N. ako kaya kailan? ''Huy! kanina ka pa tulala dyan!'' pinitik pa ni Marco yung noo ko, abay siraulo talaga tong lalaking to.

''May tanong ako sayo,'' Sinimulan niya.

''Nagtatanong ka na.'' sabi ko. Umirap siya, tignan mo tong kupal na to! Mas babae pa sa akin! kung umirap akala mo ako ang kaaway niya, I mean ako naman talaga ang kaaway niya sa bawat araw.

Normal naman yun ano? eh yung mahulog ka sa kaibigan mo? ayun kaya... normal pa ba kaya yun?

''You think... masaya na si Y/N kay Vester?'' parang dismayado pa ang pagkakatanong niya. ''I mean, nakikita ko na masaya na ang pamilya niya. parang nagiging normal na sila. You think, I should let go?''

Ako na ba ang magdedesisyon para sa kanya? pwede bang sabihin ko na... bitawan mo na siya tapos sa akin ka na. ''Pagod ka na ba?'' tanong ko sa kanya.

''Kung pagod ka na, you should let go. May mga taong mas deserving pa sa pagmamahal mo.'' Katulad ko...

''You think? Wala naman kasi akong pag asa na ano? For so many years, siya lang ang ginusto ko.'' He laughed. ''You think that's stupid?''

''Ewan ko? natural ata na tanga ka eh.'' natatawang sabi ko sa kanya, ''Aray!'' pinitik niya nanaman yung noo ko.

''Nakakarami ka na ha!'' sabi ko sa kanya. Hinawakan ko yung noo ko, pakiramdam ko ay mulang mula na yung noo ko. ''Pag ako gumanti sayo.'' napatayo ako,

''Ano?''

''W-wala.'' yan lang ang tangi kong nasabi, masyado na ata akong kinakabahan ngayon. napasobra na ba ako sa kape? sobra sobra na ba? Tangina.

''You want a hug? I'll give you five sec.'' Sabi ko sa kanya. He needs it now, alam ko yun dahil alam ko kung gaano kasakit na hindi ka gusto ng taong mahal mo. Hindi siya sumagot sa akin at tumayo siya para tumabi sa akin. ''What if... What if tayo nalang.'' Napaubo ako.

''Gago ka ba?! Gusto mo ata akong mamatay sa ubo.'' Sabi ko sa kanya at hinampas ko ulit siya, kinuha ko yung phone ko at tinignan yung sarili ko. Damn it! muka akong kamatis.

''You're blushing.'' He hissed. ''Gusto mo talaga ako eh, aminin mo nalang.'' Sabi niya sabay sundot pa sa tagiliran ko.

''Tanga! ikaw? mandiri ka nga!'' bulyaw ko sa kanya. Oo, ikaw nga. manhid ka lang. wag mo akong niloloko baka seryosohin kita.

''y/n is happy now. I think you should too. ayan seryoso na yan.'' seryosong sabi niya sa akin. ''Kung sino man ang lalaking nagpapasaya sayo, sabihin mo wag magselos sa akin. di naman kita aagawin sa kanya.'' sabi niya pa.

Sige. agawin mo sarili mo ha, pagselosin mo din ang sarili mo.

''Wala nga akong natitipuhan ngayon.'' Sagot ko sa kanya. Lies.

''Impossible.'' Sabi niya sabay tingin sa labas ng coffee shop. ''Ang daming nagpapacute sayo eh.''

''Ang dami nga, hindi ko naman sila gusto. so ano? wag na nga. ang dami mong alam!'' Sita ko sa kanya. ''Irita malala sayo, Mauna na nga ako sa office.'' sabi ko sabay labas, nakasunod naman siya sa akin.

''Hoy! tapos na ang work hours, bakit pupunta ka nanaman doon.'' sabi niya sa akin. TANGA! TANGA TALAGA! yan ba ang epekto ng inlove?! putangina naman!

''O-Oh. Okay,'' sabi ko sabay lumihis na ako ng daan. pauwi ako pero nakasunod pa din siya, nilalakad ko lang naman papunta sa condo unit ko. ''Pumasok ka na.'' nasa loob na ako ng condo unit ko, pagkasara ko ng pinto gusto kong tumili eh kaso baka mamaya nasa harap lang siya sa ng pinto ko.

Kabute pa man din ang kupal na to.

Okay

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Okay... tangap ko pa, goodnight ang night ko. ''Normal pa ba ako?'' napahawak nalang ako sa puso ko.

''Hindi pwede. pero ikaw ang may kasalanan nito, nahulog ka sa taong hinding hindi magkakagusto sayo. nakakatawa ka naman Arya, sa tagal niyong magkaibigan sa kanya ka pa talaga nahulog. Hindi! hindi pwede to! gusto ko siya, pero hindi pwedeng malaman niya. kasi kapag nalaman niya baka iwasan niya lang ako. O baka naman pwedeng unahan ko nalang siya? iwasan ko na kaya siya? Hayst ang tanga naman talaga Arya!''

''Bes! delikado na ba talaga ako?'' I called her sa phone.

{Bakit? anong nangyayari sayo? chika mo naman!} sabi nito. {Nag aayos ako ng gamit namin eh, lilipat na kasi kami bukas sa bahay ni Vester.}

''Kasi ganito. Lumabas kami ni Marco kanina, ewan ko. pero yung mga kilos niya... Napapasaya niya na ako.''

{Gaga! matagal ka na niyang napapasaya. Kung pwede lang na batukan ka at lumusot ang kamay ko para lang masapak ka, nagawa ko na.}

Natawa kaming parehas. ''Shit, pwede bang idonate ko nalang puso ko? tangina.''

{Sige, idonate mo. pero sa puso ni Marco ha? para sure na may paglalagyan hm?} Sabi niya pa. Puta! hindi ko malaman talaga kung paano ko naging kaibigan tong si Y/N eh. walangya, walang araw na hindi ko alam kung matino ba ang takbo ng utak nito o hindi eh. {Umamin ka nalang kasi, pag ikaw naunahan. tatawa akong malala.}

''Ayoko nga.'' Sabi ko.

{Ibaba ko na yung call, madami pa akong gagawin.} sabi niya sa akin.

''Oo na, see you tom.'' sabi ko sa kanya at binaba na ang call.











A/N

Gusto niyo ba ang Arya at Marco story? Type yes or no nalang sa comment kasi kung oo, may naisip na ako kung paano kayo pakikiligin sa part na yun. To make it more interesting, sabihin nating binigyan ko ng bagong pangalan si Jah. Justin De Dios as Marco. and Arya as herself. ayann!! Happy reading!



-Hugot_Makata

Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora