Chapter 34

191 5 0
                                    

Vester POV




Hindi pa din ako titigil hanggat hindi ko nakikita at nababalik sa puder ko si Y/N. Matapos kong pasundan siya, nakita ko na may anak siya kasama niya din si Marco doon sa nakita kong litrato. Hindi ko alam kung kanino ang anak na yun, pero sana hindi kay Marco.




''Any evidences?'' Tanong ko sa napag utusan kong mag imbistiga kay Y/N. ''Please. Sana may nakuha kang impormasyon, binabayaran kita para doon kaya wag mo akong gagaguhin.''




''Sir.'' He called me. I was just sitting on my office chair, while sipping a mug of coffee. ''base sa impormasyon na nakuha ko sa ospital kung saan nanganak si Y/N, sa spain siya at may kakilala akong doctor doon. Tinanong ko kung may kasamang lalaki sa paglalabor at kung meron ano ang relasyon niya sa patient na yun.'' I flipped up the folder na naglalaman ng mga impormasyon.




''That guy named Marco. Hindi siya ang ama ng anak ni Y/n.'' Rebelasyon pa nito. Hindi kaya may posibilidad na anak ko ang batang dinadala niya noon. ''She was three weeks pregnant bago umalis ng pilipinas papuntang spain.''




3 weeks....


SHIT.




''Damn it!'' napatayo ako sa kinauupuan ko. THAT NIGHT.




I remembered it. ''Do you know the exact address where Y/N lives?'' tanong ko. Kailangan ko siyang makita, I need to confirm kung ako ba ang anak ng bata... I just saw Arya, siya ang sumundo sa bata. Ngayon, anak ba ni Arya yun o Anak ni y/N.. Yung anak ko...




''Yes sir.'' Sagot niya. ''I already sent it to you.''




Napatingin ako sa phone ko, Nakita ko na yung address. Kailangan ko pang tignan o manmanan ang bahay na to kung saan nakatira si Y/N. I drove, wala pang ilang oras ay nakarating na din ako sa bahay nila. I saw... A car, doon lumabas si Y/n, kasama ang isang bata. She was holding the hand of that child. Binaba ko ang window ko para makita ko pa ng mas malinaw. ''Bye Ninang!" narinig kong paalam nang bata kay Arya.




''O sha, alagaan mo yang anak mo.'' Sabi ni Arya sabay balik sa kotse. ''Balik ako bukas sa shop.''




Is there a possibility... Na anak ko nga yun. Gusto kong bumaba, para tanungin siya kung siya nga ba ang anak ko. 10 years ago, SINAKTAN ko siya. 10 years ago... I cheated on her, nagdadalang tao siya at binigyan ko siya ng rason para hiwalayan ako. Damn it! Kasalanan ko talaga to! Ang tanga!




START OF FLASHBACK.


10 YEARS AGO...




''Bring her back. Vester,'' My grandfather asked me to do a favor. Mahal na mahal siya ng pamilya ko, and yet ito ang nangyari. I cheated on her, I am a cheater. ''Alam ko na hindi ako aabot apo, ibibigay ko ang mana mo, hindi ko alam kung matutupa--matutupad mo ang pangako na ito. But--- But I know that you know that I am watching you from heaven.''




Sinugod namin sa hospital si Lolo, hindi na din kasi niya kayang magstay sa bahay dahil lumala lang ang sitwasyon niya. ''Lo, wag mo muna akong iwan. Yung apo mo di mo pa nakikita.'' I cried. Siya lang ang nagsilbing lakas sa akin pero ngayon possible pa siyang mawala.




''Ang mahalaga sa akin ay naikasal ka habang nabubuhay pa ako. And now, I know that this will be my last breathe. Mahal kita Apo, Paalam.''




Flatline.... Wala na si Lolo....




''Lo! Lo! No please! Gumising ka! Nurse!'' Hindi na ako magkaugaga sa pagtawag ng pwedeng magsalba sa kanya. Someone was pulling me para makalabas ng ICU. ''Lo... Why... B-Bakit mo ako iniwan...''




Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Where stories live. Discover now