Chapter 21

236 7 1
                                    

Y/N's POV 

Nagising ako ng may nakalagay na sa akin na jacket or sweater whatsover di ko matukoy kung ano to. ''Gising ka na pala. I was planning to wake you up, pero naunahan mo na ako.'' He said at nag iwan ng ismid sa kanyang mga labi. 

''Ah. Okay.'' wala sa sariling sagot ko. ''Nasaan sila Arya?''

''Nauna na sa labas.'' sabi niya.  ''Ikaw ayaw mo pa bang lumabas?'' tanong niya pa. Hindi ko siya pinansin, binuksan ko ang bintana ng kotse at suminghap ng hangin.

''Mauna ka na. Sunod ako.'' Nagtataka siyang tumingin sa akin. Siguro naweweirduhan na kasi sa mga kinikilos ko.

''Huyy!! y/n! You play volleyball rightt??'' Nagulat ako ng bigla akong hablutin ni Arya. Bigla bigla nalang din kasi siyang sumusulpot sa gilid at hahatakin ako. ''Nakita ko yung program. And guest what!! May volleyball tayo sa schedule.'' 

''Hindi pa.'' umiling ako. ''Tska hindi naman na ako naglalaro. Ang tagal na,'' sabi ko pa. 

''Alam mo kung saan ka magaling. mananatili pa din naman yun.'' inakbayan niya ako.  Sige kung yan ang pinaniniwalaan niya. basta ako maayos ako, gusto ko nalang magpahinga. ''Tara na? Nandoon daw ang cabin natin.'' turo niya sa isang cabin. malapit sa dagat. 

''All girls sa isang cabin. All boys sa kabila so bali dalawa yun.'' sabi niya pa sa akin. 

''Tara na. gusto ko na makita ang kama para makapahinga na.'' wala sa sariling sabi ko. Naglakad kami papunta sa cabin. ''O dba shala, baka maglaway ang mga makakakita sayo!!!" Lumapit si Arya at pumunta sa gilid ng kama ko. 

Double deck lahat ng kama. Napili ko nalang na pumwesto sa baba. ''Maingit na ang maingit, palibhasa hindi nagswiswimsuit yung isa dyan.''  pagpaparinig niya sa office mate naming walang ginawa kundi ang magparinig din sa facebook. 

Mas mabuti siguro na iblock at ununfriend ko nalang ano? Nanunugod pa tong isa.

''Palibhasa kasi maitim ata ang kili kili kaya hindi makapag two piece. Ay oops. kahit nga siguro one piece di keri.'' Huli nitong parinig. Narinig kong mahinang nagdabog yung mga babaeng yun at lumabas ng cabin. 

''Oh dba walang masay.'' Natawa nalang ako sa mga sinasabi ni Arya. ''Kaya ikaw. Baka hinahanp ka na ng asawa mo. Lumabas ka na kaya.'' Sabi pa niya. 

Huh? Bakit naman ako hahanapin nun? Eh busy na tao yun, Though alam ko naman na talagang kahit bakasyon may trabaho siya. 

''Yan ang susuotin mo? Dai para sabihin ko sayo! hindi ka na dapat magpaka virgin sa mga pinagsusuot mo.'' Sabi pa niya. Umupo siya sa gilid ko sabay hinalungkat yung mga damit na nandoon. Actually meron naman talaga akong suot na hindi naman ganun ka revealing. pero ayos lang naman pero mas bet ko suotin yun mamayang gabi. mas okay na mag rush guard nalang ako

Baka mamaya magalit pa sa akin tong lalaking to. ASAWA ko. dahil sa mga pinagsusuot ko. ''pasok sa banyo dali! suotin mo to.'' ibinato niya sa akin yung swimsuit pati na din yung balabal na pwede kong pantakip. 

 

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant