Chapter 45

191 6 0
                                    

Finally! Ito na din ang pinaka inaantay ko na ang maikasal sa taong mahal ko. ''You're finally getting married. Again!'' sabi ni Arya.

Nasa waiting area kami nagmamake up at nag aayos pa para magmukang presintable sa simbahan. It was... Like a dream na hindi ko akalain na darating ako sa puntong ganito. I thought na mag isa lang akong mabubuhay, and ngayon.. may anak pa ako, madami na akong pinagdaanan and yet binigyan ako ng rason para mabuhay.

''Mommy!'' Trixie ran. Tumakbo siya papalapit sa akin, isa siya sa mga flower girls. ''Do I look cute?'' she asked.

Kinalong siya ni Arya. ''Yes, you are.'' she smiled.

''Akalain mo yun, sa tagal ng nangyari sa inyo ni Vester. Magkakabalikan kayo ulit! Talagang hangang hanga ako sa katatagan ng puso niyo eh.''

''Ganon talaga.'' sabi ko, inaayusan na ako sa buhok. Ang sakit pala sa ulo ng hair spray, ilang taon na din pala simula nung naisipan kong mag ayos. Pero simula nung naging nanay na ako, wala na. Basta kung ano na ang ayos ko, simpleng foundation at liptint or lipstick, ready to go na ako. Wala namang may paki sa appearance ko.

''Kamusta naman kayo ni Marco? Ikakasal na akong lahat lahat, wala paring progress sa inyong dalawa.'' sabi ko, natawa naman si Arya sa akin. ''Pakiramdam ko naman, alam niyang ikakasal ako kaya magbabago na siya ng gusto.'' pagbibiro ko pa.

''Partner mo siya hindi ba? Akalain mo yun. Yung pinagseselosan ni Vester, imbitado sa kasal ko.'' we laughed.

''Baliw! As if may choice siya. Syempre doon pa din siya sa sasaya ka, kahit na ikakasal ka sa iba, ikaw pa din ang una niyang nagustuhan. Ako kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin,'' nakita ko siyang halos sobrang nalungkot, hinawakan ko ang kamay niya.

''Habang humihinga ka, may pag asa. Malay mo naninigurado lang siya sa nararamdaman niya.''

''Hindi naman porket ikinasal ako, isa ka sa naging pagpipilian niya. Magugustuhan ka niya kasi alam kong magagawa niya yun, baka nga masabi niya na mahal ka na din niya kahit na hindi as a friend.''

Naiiyak na siya. ''Punyeta ka! Kasal mo to pero bakit naiiya ako!'' hinampas niya yung braso ko.

''Ano yan ba ang regalo mo sa kasal ko? Pasa?'' 

''Baby. Gutom ka na ba? May pagkain ako doon,'' sabi ko sa anak ko, mukang nabobored na siya,

Someone's knocking on the door. Pinagbuksan ni Arya yun, it was Marco. Holding a paper bag. Lumapit siya sa akin, at nakita ko naman si Arya na halos nakatitig nalang kay Marco. ''Hindi kaya matunaw yan?'' I whispered.

''Ano to?'' tanong ko nung iabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag. SHALA! PANDORA!

''buksan mo kaya.'' sabi niya. Binuksan ko naman at nakita ko na may maliit na box, ''For you.'' nagulat ako ng napatingin din siya kay Arya. Hindi ko alam kung paano natatago niya ang kilig.

''Huminga ka, Arya.'' sabi ko. Tinignan niya ako ng masama, para bang kakainin na ako. Nakakatakot!

''Thank you.'' nginitian ko si Marco. ''I think... Ngayon ka lang ata gumastos para sa isang bracelet.'' asar ko sa kanya.

''Friendship bracelet yan. Pareparehas tayong tatlo,'' sabi niya sabay pinakita yung nasa wrist niya. ''Magkakaiba tayo ng pendant.'' sabi nito.

''Arya. Can we talk? Bago mo buksan yan.'' sabi niya, nakita kong hinawakan ni Marco si Arya sa wrist at lumabas na.

Tignan mo! Ang bastos hindi ba? Kasal ko to pero nagawa nilang maglandian. Tama ba yun? Tangina naman! Ininom ko yung starbucks coffee na nasa gilid ng vanity table ko, pampagising.

....

Here we go!!

Binukasan ang pinto ng simbahan, nakita ko ang mga bisita namin na nagsisipalakpakan, nakikita ko din na masaya sila sa nakikita nila ngayon. I slowly walked down the aisle, I saw then smiling, some of them are crying. Onti nalang iiyak na din ako! Kahit na hindi pa ako nasa altar.

*PLAYING A THOUSAND YEARS.*

now, nandito na ako sa tabi niya. I encircled my arms around this arms at nakikita ko na unti unting tumutulo ang luha niya. ''Oh, bakit ka ba umiiyak agad?? Nagsisi ka na ba?'' natatawang sabi ko sa kanya.

''No, masaya lang ako.'' sabi niya. He carresed my hands.

Binigay sa akin ng pari yung mic, para magsabi ng message kay Vester., Nilabas ko ang isang yellow pad na naglalaman ng mga gusto kong sabihin. Sinulat ko lang ito kagabi kaya medyo puyat ako.

''Love, we started with a deal. Deal na hindi ko naman akalain na dito tayo dadalhin. Remember? Niligtas mo ako kaya I owe you one, pumayag ako na maging kontrata kasi sige aaminin ko na. Gusto nga talaga kita, alam ko naman na impossible kang mahulog sa akin kasi... Akala ko yung mga gusto mo, mga bilyonarya, mga model, mga artista na nakikita ko sa tv. Pati na rin siguro katulad mong CEO ng kompanya.'' i started. Lahat ng bisita ay nakikinig kung paano nga ba kami nagsimula. ''I started denying to myself na...baka gusto lang talaga kita, na hindi kita mahal kasi hindi mo yun magagawa. Bakit? Kasi simple lang ako.''

''I'm just a simple girl na hindi inaasahang mapupunta sa ganitong pagsugal, I guess itong pagsugal kong ito was worth it. You know kung paano ako nahirapan sa buhay ko, You've been there kapag kailangan kita. Minahal mo ako, kahit sobrang baliw ako. Minahal mo ako kasi mahal mo ako. At siguro pagsisigawan ko sa mundo na... Isang Stellvester Ajero ang nabingwit ko!'' I shouted.

''Mahal na mahal kita. Love, hinding hindi kita iiwanan. Alam kong madami pa tayong pag dadaanan, at handa na ako. Ipaglalaban kita hanggang sa mamatay ako.'' He gave me a smile,

''I love you the most.'' he mouthed.

...

''Love, nasabi mo na ang lahat. Pero ever since na nagkakilala tayo.. hindi ko alam pero binaliw mo ako, you started doing this na hindi ko inaasahan na talagang mahuhulog ako. Kung tatanungin nila ako kung sino ang swerte sa ating dalawa... Ako yun,'' sabi niya.

I started to cry. ''Nakita ko kung paano ka magselos , kung paano mo ako sinanay na ikaw ang nag aalaga, nag aalala. Akala ko hindi ka babalik sa akin. Love, pero you're here... Marrying the person you've hated the most. Akala ko, hindi na kita makikita.''

''My world was colorless without you, Love. Hindi ko maimagine ang sarili ko, sa ibang tao. Hindi ko nalalabas ang tunay na ako kapag nasa harap ng ibang tao. Ako ang pinakaswerteng lalaki sa balat ng lupa. I love you, Love. I'll be with you in pain and happiness. I'll give you the family na matagal mo ng pinapangarap, I'll help you with all. Kasi mahal na... Mahal na mahal kita.''

''Mahal din kita.'' I mouthed. After the message, the priest presented the rings.

''Stell, do you take Y/N as your wife?''

''I do.'' sinuot niya sa akin ang singsing. ''In sickness and in health, in richer and in poorer.''

''Y/N, do you take Stell as your husband?''

''I do.''

... ''May I pronounce you as husband and wife! You may now kiss the bride!'' the crowd began to shout, cheer our name.

''Mr and Mrs Ajero! Congratu----''  a gun shot. Nakarinig ako ng gun shot, lahat ng tao sa simbahan ay nagtakbukhan,

Someone pulled us, may tinakip sila sa bibig ko, nawalan akong malay.








A/N.

SA TINGIN NYO? SINONG EPAL SA KASAL??

-HUGOT_MAKATA

Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें