Chapter 31

209 5 0
                                    

Y/N'S POV


''D-Dadaan muna ako dyan.'' Alam ko kasing susunod dito si Vester. alam niya kung saan nakatira si Arya at madadaanan ko ang condo unit nun kaya mag stay na muna ako saglit sa kanya para makapagpahinga mula sa pagkakadrain ko sa bahay.


She opened up her door once I knocked. ''Halika pumasok ka na.'' Sabi niya. 


''Umupo ka na muna sa sofa. Ikukuha kita ng tubig.'' Sabi niya. Huminga ko ng malalim. pero alam ko sa sarili ko na walang hindi magagawa si Vester para mahanap niya ako. Madami siyang connection kaya ako na din yung kinakabahan sa sarili ko. ''Oh tubig.'' iniabot niya sa akin yung baso. 


''Damn that guy. Naturingang perfect isa din naman palang cheater. Aish!'' Iritang sabi niya. ''Paano ba yan? talagang itatakas mo na ang anak mo.'' 


''Pag nakita ko talaga ang ahas na yun, ilulublob ko sa asido. Certified home wrecker eh!'' 


Mahal ba ako? Eh dahil lang naman sa awa. Hindi talaga ako importante sa kanya, basta ang importante na sa akin ang anak ko. kaya ko siyang buhayin mag  isa. hindi ko kailangan ng ama. I can live independently. Kaya ko. 


''Sa tingin mo sinong tatawaging ama niyan? kapag nagtanong na.''


''Matagal pa naman. Arya,'' sabi ko sa kanya. ''Eh kung magtanong... baka ibigay ko ang responsibilidad kay Marco. Hindi ba sabi niya... willing siya.'' 


Marco... 


Nakakakonsensya man...


Pero I think... I should do it,


''Gago ka! talagang tatangapin mo yung offer niya?'' Hindi niya ako masapok dahil buntis ako. ''Pasalamat ka talaga at buntis ka kung hindi nasapak kita. Ang sakit naman maging second option... sana alam mo yun.'' 


''I think so... Di pa naman----'' I heard someone banging the door. ''Shit. Magtago ka na Y/N, sa loob ng kwarto ko, dalhin mo yung maleta mo. Quick!'' Agad naman akong tumayo at sinunod yung sinabi niya. 


I was so damn afraid. I wanted to start healing and yet... Hindi ako hinahayaan ng tadhana.


''y/n! alam kong nandyan ka. Please! mag usap naman tayo... Babe.'' Ayoko siyang makita. Base sa tono ng pananalita at pagsigaw nya. I know that he was so damn drunk. baka kung ano pang mangyari sa akin. 


Arya... please, itaboy mo na si Vester.


Isang malakas na lagapak ang narinig ko sa pinto. tuluyan niyang nabuksan ang pinto ni Arya. He was yelling and calling my name. ''Y/n.. please! let's fix this.'' 


''We can't fix what is already broken.'' Ayoko na... pagod na ako Vester. tigilan mo na ako.


''Tangina! nandito ka nanaman! Arya call the police now.'' Utos ni Marco kay Arya. Sinunod naman agad ni Arya. Isang malaking gulo ang nagawa ko sa kanila ngayon. ang laki kong abala...

Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Where stories live. Discover now