Chapter 20

220 5 0
                                    

Y/N's POV

''Okay po salamat.'' sabi ko ng maiabot sa akin nung maid namin yung palaman sa sandwich. ''Pakuha po yung mga zip lock sa may taas ng ref.'' utos ko pa. 

Maaga akong bumangon kaya wala akong masyadong tulog. ''Ayan thank you po.'' 

Hindi pa bumabangon si Vester. Wag ko na kayang gisingin?. ''Ate paki gising na si Stell. Pasabi malalate na kapag hindi siya gigi----'' nagulat ako ng may biglang yumakap sa likuran ko. 

Takte. gising na pala ang kupal na to. ''Nakatingin si Lolo.'' bulong niya sa kanan kong tenga. Para bang nakakaliti yung tenga ko nung ginawa niya yun. Naranasan ko nanaman ang kiligin, yung mga ganito lan. eh kung isa lang din to sa pagpapangap edi susulitin ko na. 

''Oh apo.'' nakita kong naglakad si Lolo papalapit sa may counter table. ''Aalis nga pala kayo ano? Sana. pagbalik niyo may apo na ako sa tuhod.'' sabi niya. 

''Ay lolo. asahan mo po yan.'' Malambing na boses ni Vester ang narinig ko. Minsan talaga iniisip ko kung seryoso yun o hindi eh kaso naalala ko. Ayaw niya nga palang magka anak. Pero sa tagal nandito ako, parang gusto ko na dati ay tinataboy ko. 

''Ligo ka na ba?'' Tanong ko sa kanya. Nandito pa din si Lolo, hindi umaalis sa harap namin. He was the main audience. 

Hindi naman siya sumagot. ''Ilabas mo na yung maleta o di kaya ilagay mo na sa kotse.'' sabi ko. Wala naman siyang magagawa, kailangan niyang sumunod sa akin. 

''Okay, Babe.'' 

teka... sabay kaming aalis, so sasakay ako sa kotse niya? Takte. Paano kung malaman ng mga nasa office. ''Okay na.'' sabi niya at bumalik sa akin. 

Dinaig si The Flash ang bilis kumilos. ''S-sasakay ako dyan sa  kotse mo?'' pagsisiguro ko. 

''Oo bakit? Asawa kita hindi ba?'' Tinaasan niya ako ng kilay. 

''Hindi alam ng sa trabaho... na may asawa ako. At boss ko pa.'' pag aalala ko. Ito na ata ang next step sa pagbubunyag. 

''Then go and tell them,'' wala sa sariling sagot niya. ''Ano bang gagawin dito?'' turo niya sa mga sandwich na nakapatong sa pingan. 

''Ilagay mo sa bag na yun.'' turo ko. Kinuha niya naman agad at nilagay niya na yung mga sandwich doon, 

''Okay na let's go.''

...

''Hala bakit magkasama yang dalawang yan?''

''sila ba?'' 

''OMG ano ba yan sayang naman.'' 

''Shala may nag uwi na ng koronaa''

Hindi pa naman mainit kaya itinaas ko na muna yung sunglasses ko. ''Babe, check ko lang yung office ko may kukunin akong papeles.'' sabi niya at umalis na muna sa tabi ko. Bigla namang tumabi sa akin yung mga kaibiga ko. 

''Hoy babaita!! ano yang paglantad??!" pagtatakang tanong sa akin ni Arya. Hindi ko din alam kahit ako nagugulat sa mga nakikita ko ngayon.

''Hoy bakit naman ganon?'' Sabi naman nung isa. ''ikaw ha, kaya pala panay busted ang nagawa ni sir sa mga lumalandi sa kanya. may asawa na pala.''

''Alam mo buti nalang hindi ko naisapang lumandi. mamaya ang ending nito magmuka pa akong third wheel.'' 

''Gaga! Miski ako this months hindi pa din ako sanay na tinatawag ako ng lalaking yan na 'Babe' hindi pa din ako sanay.'' pag amin ko sa sarili ko. 

''tsk, kunwari ka pa.'' 

Nakita ko na pabalik na din si Vester kung saan ako nakatambay ngayon. ''Okay na. Pwede na tayo umalis.'' hudyat niya. 

''Okay.'' walang ganang sabi ko. nakangiti lang sa kanya yung mga nasa gilid kong mga kasama. ''tara na?'' 

he nod. ''Sir teka lang.'' napalingon naman siya. ''Ano po. kailan pa po kayo kasal ni Y/N?'' 

Ito kasi tong babaeng to hindi din niya alam kung kailan din naganap ang pag aasawa na to. ''Arya. kung ako sayo ilalayo ko na ang kaibigan ko. baka mamaya makasapak pa ang babaeng yan.'' Sabi nung bakla naming ka officemate.

''Ikaw din, baka may galos yan bago makarating ng batangas.'' Natatawa nalang ako. hindi naman kasi ako ganung klaseng babae. wala na din naman akong nararamdaman. 

''Joy!! hindi mo naman coaster dito dba? punta ka na sa sasakyan. baka ikaw ay mawalan ng malay dito.'' Natatawang sabi niya. ''Mainit.'' 

''Mabuti pa nga.'' 

Ewan ko nalang talaga.''ikaw. hindi ka pa ba papasok sa kotse ko.'' nagulat ako ng marinig ko na may bumulong sa gilid ko. 

''Sir willing pong maging third wheel, makasakay lang po sa kotse niyo.'' maharot na sambit ni Joel. Walangya talaga tong baklang to! teke nga bakit ba ako nagrereact ng ganito kung wala naman na akong gusto sa kanya hindi ba?

He smirked. ''Gusto niyo?'' pagsisiguro niya. ''Sige sakay na kayo. walang magrereklamo na nilalangam kayo ha.'' 

Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. Like, si Vester pa ba to? Literal bang siya to. o nagpapangap lang siya. ''Takte naman! Okay Arya tara na!!'' Sabi ni Joel sabay hinila si Arya. sumakay sila sa likod, sa may passenger seat. ako wala naman akong choice. doon ako sa tabi niya.

''Chicken Sandwich?'' Mag alok ba ako? Hays. hindi ko na alam. ''Arya paabot nga nung bag dyan sa gilid. Nagugutom na ako eh.''

Inabot naman agad sa akin ni Arya. Kumuha ako ng isa. ''Gusto mo ba?'' tanong ko kay Vester. baka lang naman gusto niya. Hindi naman siya sumasagot, so ayaw niya? Tsk bahala siya dyan hindi niya matitikman yung masarap kong ginawang chicken sandwich. 

''Arya. Joel. Kumain na din kayo. kumuha kayo dyan, madami naman.'' Wala sa sariling sabi ko. Naiinis talaga ako sakanya! ano hindi niya ba alam yung ginawa kong effort doon? takte bahala ka kapag ikaw na---

''Oh bakit ka nakatingin?'' Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. ''Akala ko ba ayaw mo? Bakit nakatingin ka pa?'' 

''I'm driving.'' He smiled. ''Baka hindi pa tayo makagawa ng mini ajero niyan kapag nabanga at naaksidente tayo.'' 

Pucha!!! Nagsisigaw na yung puso ko dito sa tuwa. ''You're speechless now, Y/N.'' yan ang sabi ko sa utak ko. Hindi ako mahuhulog ulit! tama na ang isa. Tama na! 

''Oh anong gusto mong gawin ko?'' Pagtataray ko sakanya. SUmilip ako ng onti sa mirror ng sasakyan, nakita ko sila Arya at Joel na halos kinikilig. 

''Feed me.'' Lumingon siya sa akin. 

''Para paraan din eh. Sir stop the car na. Hindi ko na kaya to!!"' Reklamo ni Joel sabay tumili. ako naman tong di na din natutuwa, pero hindi ko na din maintindihan. siguro nagtatago ng kilig.

''Anong stop the car!! hindi naman tayo ang jowa.'' Sinapok nang mahina ni Arya si Joel. ''Tantanan mo ako.'' 

''Wattpad ka girl!'' Natatawang sabi pa ni Arya sa kanya. Ang ingay talaga ng wengyang mga to. Vester!!! bakit ba kasi pumayag ka. 

Kumagat ako ng sandwich ko at nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung pulsuhan ko at inilapit sa kanya para makakagat nung sandwich na hawak ko. ''Ay iba!!!!''  Napasigaw nalang sila. 

''Ayoko na!!! Gusto ko na bumaba!!'' Natatawang hinampas naman ni Arya si Joel. ''Matutulog na lang ako.''  yan ang sabi ni Arya. 

MABUTI PA NGA,

''Iidlip ako.'' sabi ko sabay sinandal ko ang sarili ko sa bintana.













Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Kde žijí příběhy. Začni objevovat