Chapter 27

234 11 0
                                    

It's almost 6pm nung nakabalik kami sa camp. Other employees were enjoying this team building, might as well  na ako. Sino ba namang hindi mag eenjoy kung ang dami mong ganap sa buhay hindi ba?

''Sino yun?'' 

''Bakit may pa pageant bigla?'' 

Narinig kong usapan ng ibang empleyado. May malaking stage na nakaset up sa isang side sa may tapat ng dagat. ''Anong ganap?'' I'm wearing a sunday dress. Sunset na din naman, ang ganda kaya! like pang instragramable. Teka nga nasan na ba si Vester? akala ko lalabas na yun? Or baka nagpahinga?

''Ang ganda naman niyan!'' Nagulat ako ng biglang sumulpot si Arya at pinulupot yung kamay niya sa braso ko. ''Asawa mo nasaan? Alam niya ba ang ganap dito mamaya?'' Tanong niya sa akin. 

No Idea.

''Excuse me. May I know kung anong program mamaya?'' Kinalabit ko yung dumaan na event organizer sa harapan namin. 

''Ahhh may ilalaunch po kasing resort dito po naisip na itayo.'' 

Sinong maglalaunch? ''Sino?'' 

''Si Ms Vanessa.'' 

Familiar. 

''Hoy bakla ka!'' Nagulat ako ng biglang tawagin ni Arya si Joel na may kasama na agad. Langya ano ba to? pamilyar din sa akin eh, parang isa sa mga lalaking nakita kong nagvovolleyball kanina. 

''Beshy!!'' Tumili si Joel. Walangya talaga tong lalaking to. ''Magpaparty pala tayo today. This night would be really fun!'' He shouted. 

''Ikaw lang. Matutulog nalang---'' I saw Vester na naglalakad sa gawing kanan papunta sa akin. Binigyan naman ng espasyo ni Arya si Vester. gumilid naman siya agad, Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa kamay. 

''Saan ka galing?'' I asked him. ''Nagpahinga ka ba? Napagod ka kakamaneho ng jetski?'' Sabi ko. Tinignan niya ako, shit! His greyish eyes really wanted me to faint. kakaiba talaga ang epekto pag naka manipis siyang sando. Hindi naman sa pinagnanasaan ko siya, he is my husband anyway. wala namang malisya. 

I hugged him out of nowhere. ''Dito ka lang ha, wag kang mawawala.'' Sabi ko. Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. I feel so safe and sound, Sana ganito nalang palagi. I already found my home. 

''Hindi naman ako mawawala. I won't go anywhere.'' Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. ''As long as hawak ko ang kamay ko ng ganito kahigpit. Hindi kita bibitawan.'' Iniangat niya yung kamay ko at hinalikan yung likod non. 

''Hep hep hep!!!'' Pigil ni Arya. ''Lord when kaya?! Grabe na yung pagiging thirdwheel ko sa magjowang to! Respeto naman!!'' Sabi niya. 

''Gusto mo bang ireto nalang kita sa kaibigan ni Stell.'' Natatawang sabi ko, Natawa nalang ako nang biglang nanlaki ang mata niya. ''Pwede namang kay Ken nalang...'' Nag puppy eyes pa siya. Pucha! 

''Ang landi ha! taken na ata yun HAHAHAHA'' Sambit ko. 

''Subukan ko bang kontakin ngayon? Alam kong busy yun sa business niyang clothing line. Umorder ka kaya.'' Sabi ni Stell sa kanya. 

Shala clothing line... ''Tignan ko kung kaya ng budget ko. Ano name ng site?'' 

''CHeck mo sa twitter. Follow mo account niya, yung 200k plus followers ang authentic.'' Sabi pa sa kanya. At nilabas ni Arya yung phone niya, nakita naman niya agad. She followed the account, pinakita pa niya sa akin yung google form na pag oorderan. ''Aw... so mura lang pala eh.'' Sabi pa niya sa akin. 

It's pricey. aminado naman ako. ''I think worth it naman, para ko na siyang kayakap dito ano?'' Pang aasar ni Arya. 

''I think... Nasabihan ko ata siyang pumunta dito. Gusto mo ba ng libreng yakap.'' Biglang sabi sa kanya ni Vester

''Ay sir. utang na loob, baka di ko mayakap! wag nalang po utang na loob! baka maging statwa ako ng di oras!!'' ramdam ko yung pagmamakaawa niyang boses eh. HAHAHAHAH ayaw niya bang mameet ang crush niya. Akalain mo, kaibigan niya panay CEO. 

''Vester. By the way, sabi mo you own this resort right? Then who is Vanessa.'' He was stunned. Hindi niya din ata akalain na itatanong ko sa kanya yun, Nabangit niya ba sa akin? kasi kung oo wala akong maalala. Hindi ba dapat kung kilala niya, may alam din ako? So who is Vanessa.

''A friend.'' Simpleng sagot niya. Okay. May tiwala ako sa kanya, kaya sige papaniwalaan ko. 

''She will launch a resort, at dito niya naisipan na ipatayo. Hinayaan ko naman siya, since magkaibigan kami.'' sabi niya. Napapalunok nalang ako sa mga naririnig ko, So kung di ako maniniwala. mag ooverthink pa ako kung tama o mali yung mga naririnig ko sakanya, ayoko nalan ng problema. 

''Sobrang close ba kayo nung Vanessa? Like. ano yun, bago pa ako dumating you are friends? or... nung dumating ako tska kayo naging close.'' 

''We are close, before you came.'' Sagot niya. mas lalo akong kinabahan! hindi kaya epekto to ng kakabasa ko ng mga kung ano anong libro. I started to think na what if may something sa kanila noon and Vester was denying it. 

Someone's calling from Vester phone. ''Sagutin mo na. I'll stay here.'' Sabi ko. Before he leave, hinalikan niya muna ako sa noo at binitawan na din ang kamay ko. 

''Teh... I have a bad feeling about this.'' Narinig ko si Arya na bumulong sa akin. ''Hindi naman sa pinag ooverthink kita. pero what if.... yung kausap ngayon ni Sir Vester ay yung Vanessa.'' 

It's not impossible. 

''May tiwala ako kay Vester.'' I tried na kumbisihin ang sarili ko na... wala lang to, baka naprapraning lang ako. they are so close before I came. So what if, may past sila? what if may swak sila kaysa sa akin? 

''He will not cheat on me, right?'' 

''He will not.'' 

Napahingang malalim nalan ako, after five minutes na kausap niya yung nasa call. he came back. ''Let's just enjoy the night. 2 days and we will go back to manila.'' Sabi niya.

Will I? Will I enjoy this night? 

Gusto kong makita yung Vanessa na yun. Naalala ko lang, sa office... may sinasabi silang model na parang magiging part ng kompanya. Bakit feeling ko siya na din yun. I started to think na tama na ang mga hula ko. At kapag nagkataon na tama, sobrang madudurog ako.



......

DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT/REACTION! AND VOTE FOR THIS STORY!! THANK YOU FOR READING IT!! 

-HUGOT_MAKATA









Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Where stories live. Discover now