Chapter 42

175 5 0
                                    

''Shit!'' napamura si Vanessa ng matapunan siya ng kape. Hindi ko kasi sinasadya na mabanga siya, kasalanan ko bang pahara harang siya sa daanan. 

''Tissue! now! Ang bagal!!!'' Sigaw pa nito. umaalingawngaw ang sigaw niya sa building na kinatatayuan namin ngayon. ''You! madami ka ng atra--'' nagpupunas siya ng mga stains sa damit niya. 

''Teka lang. anong sabi mo? madami akong atraso sayo?'' Inikutan ko siya. Nung nakita ko siya na matapunan, baka talagang sinadya yun ng tadhana kasi masyado siyang malanding nagmamalinis. ''ipapaalala ko lang sayo, baka hindi alam ng mga alipores mo na nagbabalak na sumugod sa akin. Ikaw lang namana ng home wrecker hindi ba? Ikaw ang sumira sa pamilya ni Vester, you are a leach.'' 

Lumapit siya para sampalin ako. ''Fuck?! How dare you slapped me!'' sigaw ko, sinugod ko siya para sampalin din siya. ''Wala kang karapatan gawin yan kasi kahit anong gawin mo ako pa din ang legal at hindi mapapasayo ang akin.'' 

''Oh yes, ikaw nga pala ang biggest contributor sa kompanya. I guess ayun ang ginawa mong advantage para makalapit sa asawa ko. binantaan na kita hindi ba? Pero anong ginawa mo? being pathetic at pinipilit na magkakabalikan kayo kahit kasal kami.'' 

''How dare you!'' napatingin siya sa paligid niya na halos hinuhusgahan na siya. 

''hep hep! Ikaw susugod ka ulit?'' pinigil ko yung kamay niya na sasampal sa akin, susugod din yung alipores niya at napigil naman ni Arya yun. ''Sinasayang mo lang ang lakas mo, at tignan mo. nadumihan na yung kamay ko,'' I chuckled at pinwersa kong tinulak yung kamay niya para mahulog siya sa sahig. 

''Sa susunod na kalabanin ako ulit, hindi lang yan ang aabutin mo. Ihuhulog kita sa establishment na to.'' Sabi ko. 

''ang pangit mo!'' 

''retokada!'' sigaw kong pabalik sa akin. 

''Hindi ka niya mahal!'' 

''Ako ang pinakasalan. Ahas!'' Doon sa sinabi ko, kinuha niya ang bag niya at umalis sa harapan ko. Oh dba, ang galing manugod hindi naman marunon lumaban. kupal siya! 

''What happened?'' Si Marco, nandito na. kakarating niya lang. ''Arya? Y/N. anong nangyari sa inyo? namumula pa ata ang muka mo Y/N..'' sabi niya. 

Inalalayan niya kaming dalawa ng biglang may boses na nagsalita sa likuran ko. ''Let go of my wife. I'll take care of her,'' sabi niya kay Marco. Tinignan ko naman si Marco para sabihin na ayos lang at ipaubaya nalang ako kay Vester. 

''I told you. Ban her,'' sabi ko kay Vester. ''Ang lakas ng loob niyang magskandalo dito, ni hindi niya nga malabelan ang sarili niya na isa siyang kabit.'' sabi ko. 

Hindi naman niya pinagtangol si Vanessa. ''Dapat hindi mo nalang siya pinatulan, nasaktan ka tuloy.'' naglakad siya dala dala ang first aid kit. May sugat ako sa bandang braso ko, gasgas lang naman siya pero grabe yung hadpi don. 

''Tignan mo, masakit?'' Tanong niya, patukoy niya sa braso ko na nilalagyan niya ng ointment. ''next time na saktan ka niya, tawagan mo ako.'' sabi niya sa akin. 

''hindi naman ako magdadalawang isip na palayasin siya dito.''  kinuha niya ang phone niya at tumawag sa front desk. ''Ms, Villanueva. Ban Vanessa Marasigan from this establishment, magdagdag ka na din ng guards sa labas para sure na hindi siya makakapasok.'' Sabi nito at ibinaba niya na ang telepono. 

''She's pathetic, baka mas malala pa ang gawin niya sayo kapag hinayaan ko pa.'' sabi niya sa akin. ''I won't let anyone hurt you like this.'' He kissed my forehead. 

''Sorry.'' I said. Nakakakonsensya din pala ang makipagsalpukan at nakikita mo na nag aalala yung mga taong nasa paligid niya.  ''Hindi ko kasi napigilan, masyado niya akong ginigil kanina.'' sabi ko pa sa kanya. 

''I understand, pero wag na sana maulit. sobra akong nag alala, baka mamaya kung ano ng nagawa niya sayo...'' I hugged him. ''Mahal na mahal kita Y/N, sobra.'' He whispered. Iniangat niya ang ulo niya at nakita ko na umiiyak na siya. 

''Bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat ako? kasi ako yung nasaktan?'' Natatawang sabi ko sa kanya. 

''Napuwing lang ako...'' Sinakyan ko naman yung trip niya, hinahawakan ko ang muka niya at hinipan yung mata niya. hindi ganon kalakas, natawa naman siya. 

''Okay na ako.'' He gently kissed my lips. ''I love you... sobra,'' I deserve this kind of love. 


Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]Where stories live. Discover now