Kabanata 4

199 13 0
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------


Pagkatapos ng history ay dumeritso na kami sa canteen. Nagutom ako dun ah. Mukang hindi lang ako ang mahilig sa history, pati na din ang dalawang ito. Kami lang naman ang nagpapalitan ng pagsagot ng mga tanong ni sir...... para pa nga kaming naglalaban sa pasagutan.....mukang makakasundo ko na nga ang dalawang ito.


Ang iba nga ay parang nahuhuli na dahil namin, natawa pa nga si sir dahil alam na alam daw namin ang history at ngayon na lang daw ulit siya nakakita ng ganon. Iyong bang subrang hilig mo sa history at nakikipag unahan ka pa para lang ikaw ang makasagot.


Masaya pala pagganitong may kaunahan ka sa pagsagot, ako kasi ngayon ko lang naranasan ito dahil solo na man akong tinuturuan minsan kami nina mike pero di naman ganito. Masaya yan lang ang masasabi ko,......pag nasa klase lang ata dahil sa labas naman may makikita kang napakakasamang tao.


Napatingin ako kay Minna ng bumuntong hininga ito " Nagutom ako doon ahhh... " sabi niya. Tumingin na lang ako sa pinaglalakadan namin...... akala ko kung ano ng nangyari. 


" Kaya nga tapos hindi din pala natin alam na mahilig si Rosea sa histoy " sagot naman ni Lealyn, ngayon alam nyo na sagot ko na lang sa isip...heheheh.


Nagulat ako ng biglang kumapit sa braso ko si Minna " Alam mo Lea tama lang na naging kaibigan natin si Rosea..... katulad ngayon... parepareho pa tayo ng gustong subject.... at nakakatuwa kanina dahil nagpapaunahan pa tayong tatlo sa pagsagot " mahabang sabi niya na nakatingin sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin.


" Tama ka,... at muka talaga tayong magkakasundong tatlo...... at kanina ko lang din na narinig si Rosea na ganun katagal magsalita at kung kaano din siyang kasigla.....heheheh ang cute nga ehh.... paborito ata talaga niya ang history..... nagbago ugali eh....naging paranggg...." mahabang sabi ni Lealyn kaya sinamaan ko siya ng tingin pero umiwas lang siya.


" Parang ano?!... " pag iintay ni Minna sa sasabihin ni Lealyn.


" Nagingparangisipbatasiya " mabilis na sagot ni Lealyn at umiwas ng tingin at nauna ng maglakad dahil mukang natatakot siya sa akin pagdineretso niya yun, natawa naman si Minna sa inasta ni Lealyn at ako ay napa iling na lang. Ang saya din nilang kasama.

" Ngayon na lang kasi kami nagkaroon ng kaibigan ni Lea at ikaw yun! " sabi ni Minna at bumalik na si Lealyn sa tapat namin habang tumatango. 


" Simula kasi ng pumasok kami dito ay wala na kaming naging kaibigan dahil ni Nadine " sabi pa nito. ahhh....


So matagal na pala silang magkaibigan at matagal na din silang pumapasok dito, paano kaya nilang na kaya na tumagal dito...nacurious ako kung bakit kasalanan ni Nadine. Magtatanong na sana ako ng nasa loob na pala kami ng canteen. Subrang daming tao at ang iingay nila.


" Hayst, bakit ang dami pa ding tao dito, diba dapat ang dating batch ay sa kabila ng canteen at ang bago ay dito sa pagkakaalam ko... " sabi ni Lealyn.


" Malamang para makita nila ang kanilang pinakamamahal na baby.. " sabi naman ni Minna sa malanding paraan. May ganito din pala siyang ugali, parang si Nikkie, namiss ko na naman ang bruhang yun ano na kaya nangyari don. Akala ko talaga nerd itong si Minna at mukang si Lealyn talaga ang nerd.


Nacurious ako sa baby kaya tinanong ko na lang " Baby??? " napatingin sila sa aking dalawa ng sabihin ko yun. Napatigil ko pa ata sila sa pagbabangayan nilang dalawa. Ayos na din iyon dahil ang ingay na nga tapos ang ingay pa din ng dalawa kong kasama, baka mamaya niyan mabingi na ako.


Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now