Kabanata 32

85 3 0
                                    

-----------------------------------------------------------------


Lakad ako ng lakad hanggang sa marating ko na ang lugar. Inis akong pumasok, saglit silang napatingin sa akin at bumalik na ulit sa kanilang mga ginagawa.


Padabog kong inilapag ang mga pagkain at tiningnan ang walang ya!.


" Ba't ngayon ka lang?! kanina pa kaming gutom tas nagawa mo pa kaming pag intayin!... " galit na sabi nito.


" Kung bumili kaya kayo ng inyo!... " mahina kong sabi.


" What?! may sinasabi ka!.... " sigaw nito na nakapagpatigil sa lahat.


" Nothing " at tumalikod na ako.


" Thanks anyway... " pahabol na sabi ni Josh.


Padabog kong sinara ang pinto. Thanks mo mukha mo!


" Bakit ngayon ka lang? " padabog akong umupo na ikinatingin ni Lealyn. " Ano yari sayo? "


Kinuha ko ang mga binili nilang pagkain at nag umpisa ng lumamon, sinamaan ko ng tingin si Minna ng aktong kukunin ito.


" Sagutin mo muna ako!.... "


" Gutom ako... " walang gana kong sabi at lumamon ma ulit.


Hinawakan siya ni Lealyn sa balikat at umiling, nanahimik na ito at hinayaan na akong lumamon. Mabilis naman akong natapos.


" Oh! ano nga nangyari?... " tanong na ni Lealyn.


Kinuwento ko naman ang nangyari. Kung paano ko nakabanggaan na naman sina Teddy at Josh kung paano nila ako pinahiya kung paano nila ako utos utusan.


" Ayan na naman sila, bakit ba palagi mo na lang sila nakakasagupa! galit ba sayo si tadhana at palagi na lang kayo pinagtatagpo?!.... " inis nitong hinampas ang lamesa " At bakit mo naman sila sinunod aber?!.... "


Bakit nga ba lagi na lang kami nagkakakita? sa laki ng school na to! ang labo mangyari eh, pero hindi halos araw araw na.


" Kaysa magkaroon pa ng away sinunod ko na sila!... "


" Ang bait mo naman pala, hindi halata.. " binatukan ng kararating lang na bata.


Nice one! good job


" Bakit andito ka na naman?!... "" Bakit andito ka na naman?!... "


" Kasi dumating ako... " tumingin ito sa akin habang nakangiti ng napaka laki " Hi ate! " tinanguan ko na lang.


" Nakita kita kanina, pinagtutulungan ka na naman nila... " anito.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now