Kabanata 37

91 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------



Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa dorm nila ay rinig na rinig ko na ng boses nilang nag aaway, ang mga tao namang nasa hallway ay nagpapasukan o tumatabi pag ako ay dumadaan, ganun na lang ba katakot sila sa akin?



Hindi ko na ginawang mag door bell at binuksan na ang pinto, sinabi na din naman nila ang passcode. Pagkapasok ko kitang kita ko agad ang mukha ni Minna na inis na inis kay Lealyn na may hawak na libro, mukang nagre review, nakakapag review pa kaya ito?



Napatingin naman sila sa gawi ko, narinig sigurong may pumasok, agad namang lumapit si Minna habang si Lealyn ay pinagpatuloy ang ginagawa.



" What happened that night?!... " inis na bungad nito " Hindi man lang sinabi ni Lea sakin!... "


Hindi ko ito pinansin at nagpunta sa may kusina, sumunod naman ito sa akin " Rosea! what happened?!... "



Inilapag ko ang mga binili kong pagkain, kahit ito lang maibigay ko sa kanila kapalit ng wala man lang akong natulong sa kanila. Inayos ko ang mga gamit.



" Pati naman ikaw, hindi mo sasabihin! anong nangyari kay Rick?! anong ginawa nila sa kanya?!... Rosea! nag aalala din naman ako!... " ng walang makuhang sagot ay padabog nitong sinara ang pinto ng kwarto niya.



Nagkatinginan kami ni Lealyn, napasapo ko na lang ang noo. Napag usapan namin na hindi na namin sasabihin kay Minna ang buong nangyari at gaya ng napag usapan ganun nga ang nangyari sa kanya.



Lumapit ito sa akin at tiningnan ang mga dala ko " Ano yan?... " nagtataka nitong sabi.



" Pagkain " simple kong sabi, napagtitig ito sa akin.



" I mean, bakit dito?... "



Nagpatuloy ako sa pag aayos, tumulong na din ito sa akin " Si Rick, kailan mo siya bibisitahin?.. " mahina nitong tanong.



Tumingin muna ako sa kwarto ni Minna at ng makitang sarado naman ay hinarap ko siya, siya na ang nagpatuloy sa pag aayos.



" Binisita ko na siya " agad itong napatingin sa akin.



" Ano? anong kalagayan niya? ayos na ba siya? " alalang sabi nito, umiling ako.



Nangunot ang noo nito " w-what! " nautal na sabi nito, napahawak ito sa bibig niya " T-this can't be!... " naiiyak na sabi nito.



Napatitig ako sa kanya, umiiyak na siya ngayon. Napailing ako habang nakangiwi.



" Anong iniisip mo?... " napatingin ito sa akin, nagtataka " hindi pa siya patay... hindi ko siya nadatnan, hindi ko alam kung asan na siya... "
napatakbo ako ng kumuha ito ng sandok at hinabol ako.



" Walang ya ka din talaga Rosea!... " inis na sabi nito, napatawa ako.


" Wala naman akong sinabi ah! kung ano ano na kasi iniisip mo... " nang aasar kong sabi, lalo itong nainis at hinabol ako.



Napatigil kami ng sumigaw si Minna " Wag kayong maingay!... " nagkatinginan kami at napatawa.



" Hindi mo siya nadatnan... " mahina nitong sabi, tumango ako " San namang lupalop napunta ang batang yun? plano ko pa naman siyang puntahan... "


Seryoso ko siyang tiningnan " Kung maaari, wag kayong lumabas ng bahay ni Minna, huwag kayong maghihiwalay... " seryoso naman itong napatango.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now