Kabanata 21

97 5 0
                                    

-----------------------------------------------------------------


Saktong labas ko sa cr ay rinig kong pagbukas naman ng pinto sa may entrance.


Napatigil ako saglit at dinamdam ang bawat galaw nila ng mapagtantong malapit na silang makapasok ng tuluyan ay agad na akong bumalik ulit sa loob ng cr.


Ba' t ngayon pa naisipan ng mga ito umuwi kung kailan kailangan na kailangan kong mag solo.


Napalayo naman agad ako sa may pinto ng makarinig ng malakas na tawanan at usapan.


Di ko man lang lubusan maintindihan ang mga pinagsasabi nila ay humanap na ako ng pwede kong paglabasan lalo na at alam kong walang oras na mayroon pwedeng pumasok sa cr.


Libot lang ako ng libot hanggang sa makita ko ang medyo malaki na bintana sa may cr yun nga lang nasa may third floor kami at baka may makakita pa sa akin.


Kaso no choice lalo na ng may kumatok na sa may pinto, napamura pa ako ng ilang beses ng mag sunod sunod na ang pagkatok.


Kaya umapak na ako sa may cubicle at inabot ang bintana na subrang taas. Saktong paglusot at paglabas ko ay sakto namang pagbukas ng pinto.


Hindi ko na sinilip kung sino yung pumasok at nagbibitin na ako papunta sa emergency stairs, halos mangawit ako sa kakabitin sa mga pwede kong mabitinan.


At buti na lang ay walang cctv kung meron man ay malilintikan na talaga ako, baka sabihan pang manyak or stalker sa mga kadorm ko.


At halos habulin ko ang hininga ko ng maabot ko na ang stairs at napatago naman agad ng mapansing may sumilip dun sa pinaglabasan ko.


Muntik na ako dun...


Bumaba na ako sa emergency stairs at plano ko sanang magpakita na kina tita.


Lalo na at matagal na nila akong planong makausap, naging busy lang talaga ako nitong nagdaang araw at dahil na din sa mga sugat na natamo ko ay hindi ako pwedeng makita ng mga ito.


At alam kong nagtatampo na sila sa akin, napabuntong hininga muli ako.


Cool lang akong naglakad habang nasa bulsa ang aking parehas na kamay, pansin ko naman ang patingin at bulungan ng mga nadadaanan ko.


Ba't ang daming tao sa labas? may klase pa ah! oo nga pala sa subrang dami ng students dito ay kailangan nilang hatiin ang oras.


Di ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad kahit alam kong sinusumpa na nila ako sa galit.


Itsura pa lang halata na, napangisi ako. Mga di marunong magtago ng emotion.


Lakad lang ako ng lakad hanggang sa nasa tapat na ako ng office ni tita. Kumatok muna ako ng tatlong beses hanggang sa may sumigaw sa loob na pumasok.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now