Kabanata 29

85 3 0
                                    

-----------------------------------------------------------------



Napabangon ako ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Akma na akong lalabas ng makarinig ako ng samot saring ingay sa labas, napasuntok na lang ako sa inis. Kung kailan kailangan kong lumabas saka naman sila andun. Napatalon talon na ako.



" Tang'na kailan pa kayo matatapos?!... " inis kong sabi.



Wala nakong choice, tumingin ako sa bintana ng aking kwarto at napalunok ako sa taas nun. Tiningnan ko kung may mga taong nakapaligid ng makitang wala naman ay umakyat na ako sa may bintana at dahan dahan tumatalon sa mga aircon, mahina pa akong napapadaing sa tuwing mahigpit kong nagagamit ang pilay ko.



Pagkababa ko sa lupa ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa malapit na restroom, pansin ko pa ang tawanan ng mga nakakita sa akin pero di ko na sila pinansin, wala akong time sa kanina kailangan ko na talagang magcr.



Nakahinga ako ng maluwag ng makapagcr na din ako sa wakas. Pagkahugas ko ng kamay ay lumabas na ako ng cr, saktong nagtama ang paningin namin ni Minna agad itong umiwas ng tingin.


Pumasok na ito ng cr na di man lang ako pinansin napabuntong hininga na lang ako at umalis na sa lugar. Dahil di din naman ako agad makakapasok sa dorm ay di na muna ako tumuloy pumunta ako sa tabing dagat.


Umupo ako sa sand at niyakap ko ang aking tuhod, pinagmasdan ko ang agos ng dagat papalubog na din ang araw.


" Booo!... "


" Tang'na!... " sinamaan ko ng tingin ang buwisit na lalaki.


" HAHAHHA!... ayos ah! hahahah... ang porma ng itsura!... " tawa ito ng tawa batukan ko nga ayun natahimik.


" Tatawa pa?!... " nakaamba ang kamay ko sa kanya.


" Ito hindi na nga... " at nagpout.


Ewww!...


" Anong ginagawa mo dito?!.... "


" Anong nangyari sa kamay mo?!... " napatingin ako dito, ayos ah ako nagtanong tas tanong din ang sukli.


Nagtaas ito ng kamay na parang sumusuko.


" Ito na nga!... nakita lang naman kita dito na nagdadrama kaya linapitan kita, malay ko ba na bigla mong maisipan na magpalunod sa dagat.... " mahaba nitong sabi.


" Di ako tang' para gawin yun.... "


" Sabi mo e!... " anay pilit nitong sabi. " Ano nga yari sa kamay mo?!... "


" Napilay!... " tipid kong sabi. Half true naman na napilay talaga ako.


Napatango tango ito na parang sumasang ayon. " Ba't ka liban?... "


" Interview ba to?!... " inis kong sabi.


" Hindi naman curious lang!... " tumayo ito at may kinuhang stick saka naupo ulit sa tabi ko " so bakit ka nga liban? ang dami tuloy na chismis na kumalat!... " anito na may sinusulat sa buhangin.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now