Kabanata 22

96 3 0
                                    

-----------------------------------------------------------------


Makalipas ang ilang araw ko na dito sa Isla, napapaisip ako. Kung tama ba yung naging desisyon ko na mag-aral dito. Nitong mga nagdaang araw kasi puro mga walang kwenta lang naman ang nangyayari maliban na lang tuwing may klase.



Kasi nasasanay na din ako sa ganung ganap at mas nagugustuhan ko yung ganun kaysa noong ako lang. May trill kasi dahil di lang ako yung nandun at may kaunting excite din naman.


Ilang beses ko pang napapansin ang minsang pagkukulitan ng dalawa kung sino yung unang lalapit sa akin, pero umiiwas pa din ako sa tuwing nakikita ko sila.


Naging maayos na naman kasi ang buhay nila diba alang guluhin ko na naman. At mukang masaya naman silang dalawang magkasama. Gaya na lang ngayon.



Napatingin ako ulit kay sir ng may announcement daw siyang sasabihin, na magkakaroon lang naman daw ng group activities at mahahati daw ito sa tatlo.


" Ms. Ilagan, Ms. Salvador and Mr. Abao kayo ang magkakagrupo... " sabi ni sir. " And Ms. Cabe, Ms. Maula and Mr. Adame kayo naman ang magkakagrupo... "


Gawa lang ng gawa si sir ng magkakagrupo hanggang sa mabanggit na yung pangalan ko.


" Ms. Felicity, Ms. Santos and Ms. Dimalanta kayo naman ang panghuling group.... " napatingin naman ako kina Minna.


" Pero sir!... "


" May problema ba Ms. Santos?... " nagtatakang sabi ni sir.


Napailing iling na lang si Minna " Wala po.... " aniya.


At ipinaliwanag na ni sir ang aming gagawin at ng matapos ay lumapit na ako kina Minna.


" Library!... " simple kong sabi bago nanguna ng pumunta sa library.


Pagkadating ko ay humanap lang ako ng magandang pwesto kung saan sa hulihan at naghanap na din ako ng mga librong mukang magagamit namin sa topic.


Hanap lang ako ng hanap hanggang sa may tumabi sa akin sa paghahanap.


" Anong ginagawa mo dito? di ko naman akalaing marunong ka palang mag aral! akala ko kasi puro tapang at pakikipag basag ulo ang alam mo... " nanlalait ba to o nang aasar.


Sinamaan ko ng tingin si buwisit na lalaki at ng lalagpasan ko na siya ay binangga ko pa talaga ang balikat niya.


Rinig ko naman ang bahagya nitong pagtawa.


" Ito naman di mabiro! seryosong seryoso palagi, ngumiti ka nga man lang.... hahhah " nang aasar na sabi nito.


Sumunod pa ito sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad at dahil mahahaba ang kanyang bisig ay nasabayan na niya ako.


" Ba't ang tahimik mo ata ngayon? may nangyari ba? or bad mood ka lang... " aniya.



Lakad lang ako ng lakad ng parang wala siya sa tabi ko hanggang sa makita ko na yung pwestong nahanap ko kanina.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now