Kabanata 23

87 3 0
                                    

-----------------------------------------------------------------


Gagi anong ginagawa ko dito! anong oras na pero heto ako, palakad lakad sa tapat ng dorm ng dalawa. Kanina pa din ako pinagtitinginan ng mga studyanteng napapadaan.


Ba't ba kasi sa akin pa naatasan to! pwede naman kay Minna lalo na at siya naman ang ka dorm. Napabuntong hininga na lang ako, mukang wala na akong magagawa!


Kailangan ko talagang puntahan siya. Napag utusan kasi ako na dahilhin yung mga next naming lesson sa kanya dahil nga suspended siya.


Mag uumpisa pa lamang akong maglakad ng biglang mapatingin ako sa may pintuan ng building nila, ganun na lamang ang kaba ko ng lumabas si Lealyn.


Agad naman itong napatingin sa gawi ko at dali daling tumakbo papalapit sa akin.


" Nandito kana pala... kanina ka pa ba? sorry ah! ngayon ko lang kasi nakita yung text ni Sir... busy e! " seryoso nitong sabi.


" Kadadating ko lang, wala yun!... " napapangiwi kong sabi sabay abot nung mga papel para sa pagiging suspended niya.


Kailangan pa din naman niyang makahabol sa mga lesson kahit suspended siya ng buong week.


Nagsinungaling ka pa Rosea! ang galing lang....


" Ganun ba!... sige salamat dito!... una na ako, busy lang talaga " aniya bago nag umpisa ng bumalik sa kanilang building.


Napabuntong hininga na lang ako, akma na akong aalis ng bigla niya ulit ako tinawag.


" Rosea! wait lang!.... " at nakalapit na ulit siya sa akin.


" Tutal nandito ka na rin naman... samahan mo na lang ako " at dali dali na akong hinila.


Di pa ko nakakasalita man lang, hinila na agad ako. Pumayag ba ko? pumayag? ghrrr.


Geh! wala din naman akong gagawin. Napangiwi na lamang ako.


Hila hila niya ako hanggang sa makarating kami sa likod ng building nila. Nagtaka pa ako nung una dahil puro may design ang paligid ng mini garden nila, ilang beses na din nila kasi akong dinala dito pero wala namang mga ganun. Kaya nakakapagtaka.


" Anong meron?... " nagtataka kong sabi.


" Ahh yang mga yan... wala lang yan! dito tayo " aniya.


At hinila pa ako palayo sa mini garden nila. Lalo akong nagtaka, kung hindi naman pala dito, saan naman kami pupunta?


Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makadating kami sa bukana ng gubat. Nakita ko pa si Minna na busy sa pagpuputol ng mga kahoy? Kaya pala sakin ipinabigay, kasi pati siya liban.


" Hoy Lealyn! ba't ang tagal mo ata... kukunin mo lang naman yung lesson paper mo!... " naiiyamot na sabi ni Minna na hindi man lang tumingin sa kinaroroonan namin.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now