Kabanata 44

77 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------



" Why took so long?! " galit ninong sabi.



Sino pa ba? adi si bakulaw.



" Mabilis ka lang " mahina kong sabi.



" What did you say?! " mukang narinig niya ah.



" Nawala lang ako saglit nag-aaway na agad kayo... " sabi ng kararating na si buwisit na lalaki.



Napatingin ako sa dala dala nito.



" Lahat na ba yan? " tumango ito " Ba't ang dami naman "



" Maunti lang to... lahat naman magagamit " hindi na ako sumagot at sumunod na lang kay bakulaw na pumasok na sa conference room.



Hindi ko nga inaasahan na dito namin iprepresent ang project namin, akala ko sa room pero heto kami nasa loob ng conference room at nasa harapan ng matataas na stockholders. Kaya ko ba? kelan ka pa nawalan ng tiwala sa sarili mo Rosea?! wag kang kabahan wala lang to!



Napabalik ako sa katinuan ng tumikhim si Bakulaw napatingin ako dito na masama ang tingin sa'kin, napaubo naman ako at tumabi kay buwisit na lalaki. Napaayos kami ng tayo ng pumasok na ang iba pang stockholders kasama na si Tita at yung teacher namin sa project nato.



Lumapit ito sa amin at tiningnan kami isa isa " Are you guy's ready? " tumango si buwisit na lalaki at nginitian ito na parang sinasabing ayos na ang lahat " No problems? hindi dapat kayo magkamali, you are in front of the highest in this school " napatingin ito kay bakulaw.



" Go sit and watch... shut your mouth! " cold nitong sabi at masamang tiningnan si Sir, napalunok naman ito at dali daling umalis.



Takot talaga silang lahat dito, napatingin ako kay Tita pinapalapit ako. Sinagi ko pa sa balikat si bakulaw bago lumapit. Sinilip ko ito na masama ang tingin sa'kin na parang papatayin niya ako sa mga titig na yun, napangisi ako.



" What?! " mahina kong sabi kay Tita. Mahirap na baka may makarinig.



Ngumiti ito " Good luck " at nag fighting hands pa ito. Napailing na lang ako at bumalik sa pwesto, yun lang naman pala ang sasabihin.



Natahimik na ang lahat at kami naman ay lumakad sa gitna. Lahat nakatutok ang atensyon sa'min di pala sa dalawa kong kasama lang. Puro wala naman silang pakialam sa presensya ko at sa dalawa lang nakatingin, napairap ako sa inis na saktong tumama kay bakulaw, agad naman akong nag iwas.



Tumikhim pa muna si buwisit na lalaki " Good Morning, before we start.... i would like to introduce ourselves, I'm Leo Sotto " seryoso nitong sabi.



" Ace Whitt " tipid na sabi ni Bakulaw.



Napalunok muna ako at tiningnan silang lahat, ok nasa akin na ang atensyon, napangisi ako " Roseanne Felicity..... " napatigil ako, nag aalinlangan kung sasabihin ang last name, umiling si Tita kaya di ko na tinuloy.



Tumikhim na ulit si buwisit na lalaki " As you can see, in this school there are so many fighting accidents that happened and we would like to present our opinion and knowledge about it...... " at nagsimula na silang dalawa.



Tumabi ako sa gilid at tiningnan sila. Seryoso silang nagprepresent nakakapanibago, napatingin ako sa mga stockholders na manghang pinapanood ang dalawa. Napabuntong hininga ako, ganyan ba talaga sila kataas at kagaling na mismong nakakataas sa school ay mangha sa kanila. Napairap na naman ako, di pwedeng sila lang ang maging star. Tumayo ako at lumapit sa kanila at gaya ng inaasahan ko wala man lang pumansin sa'kin. Kung tutukan ko kaya sila ng baril?! kung di pa sila makatingin sa'kin.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now